16

15 4 0
                                    

Kakaiba ang araw na ito sa lahat ng araw na magkakasama kami. Napakatahimik. Kung dati ay magigising ka dahil sa ingay ngayon ay walang kumikibo ni isa sa kambal. Nakakapanibago talaga. Habang inaayos ko ang mga gamit nila Lucas at Alexander ay binibihisan naman nila Louie at Luis ang mga sanggol. Ito na ang araw na malalaman namin ang DNA result kaya siguro iba ang atmosphere ngayon sa condo. May tatlong buwan na rin sina Alexander at Lucas nang magpatest kami at ilang beses na rin napostponed ang pagkuha ng result dahil laging busy ang isa sa mga kambal.

"Ang pogi na ni baby Alexander." napatingin ako sa kanila nang magsalita si Louie. Sawakas at may nagsalita na rin sa kanila.

"Wait ka lang. Sapatos na lang ang kulang at pogi na rin si baby Lucas." hindi naman nagpatalo si Luis habang sinusuotan ng sapatos si Lucas.

Pagkatapos masuotan ng sapatos si Lucas ay itinabi na siya ni Luis kay Alexander sa stroller. Agad naman nilabas nila Louie at Luis ang cellphone nila para kuhanan ng litrato ang kambal. Kanya-kanya silang diskarte sa pagkuha ng litrato sa kambal at magpapayabangan kung sino ang may magandang kuha.

"Tapos na ba ang photoshoot?" tanong ko nang makalapit ako sa kanila. Kinuha naman sa akin ni Louie ang bag nila Lucas at Alexander.

"Ready na ba kayo?" tanong ni Luis sa mga sanggol at nginitian siya ng mga ito.

"Kayo, ready na ba?" tanong ko kanila Louie at Luis pero napalunok na lang sila at parehas na nag-iwas ng tingin sa akin.

"Tara na." ani Louie saka binuksan ang pinto. Tinulak naman ni Luis ang stroller habang kami ni Louie ay nasa likod. Ramdam ko ang iniisip ng kambal ngayon, kahit man ako ay ganun din ang iniisip. Ano kaya ang magiging resulta ng test?

Nang makarating kami sa ospital ay lalong hindi mapakali ang kambal. Uupo tapos tatayo uli. Nahihilo na ako sa ginagawa nila. Panay pa ang tingin sa relo nila.

"Masyado ata kayong kinakabahan." tukso ko sa kanila at tiningnan nila ako nang masama. Sabi ko nga bawal mang-asar ngayon.

"Pwede ba sa susunod na lang tayo pumunta rito?" tanong ni Luis.

"Hindi ko alam kung nagugutom ako o nadudumi eh." sagot naman ni Louie.

"Sino ang hindi magugutom? Ako lang naman ang nag-almusal sa atin. At isa pa, hindi na pwedeng ipagpaliban ang pagkuha ng result. Ngayon na talaga." sagot ko saka humalukipkip. Kagigil ang kambal, kahit ako man ay kinakabahan sa resulta ng DNA. Sa result nakasalalay ang lahat.

"Tara, Kuya Louie, kain muna tayo. Libre kita." inakbayan niya pa ang kakambal niya. Tumingin muna sa akin si Louie na parang humihingi ng permiso. Tumango naman ako bilang tugon.

Nang makaalis na sila ay kami na lang ng mga bata ang naiwan. Hinawakan ko ang kamay nila at saka hinalikan 'yon.

"Xander, Lucas, kahit ano man ang kalabasan ng test ay lagi niyong tatandaan na mahal na mahal kayo ni daddy Louie at daddy Luis niyo." may namumuo ng mga luha sa mata ko nang sabihin ko iyon.

"Alam niyo ba na hindi sila natutulog para subaybayan kayo? Nakuhanan nila ng video ang unang pag-iyak niyo sa gabi. Recorded ang unang pagtimpla nila ng gatas at pagpalit ng diaper sa inyo. Isama mo pa ang pagpapaligo at pagpapalit ng damit." hindi ko na napigilan ang luha ko sa bawat pag-alala sa mga panahon na magkaagapay sina Louie at Luis sa pag-aalaga kanila Alexander at Lucas. Pinunasan ko na ang luhang umaagos sa pisngi ko. Naalala ko kung paano alagaan nila Louie at Luis sina Alexander at Lucas. Gustong-gusto nilang binubuhat ang kambal at patahanin kapag umiiyak.

"Hindi ko akalain na ganun ang magiging epekto niyo sa kanila. Maraming nagbago simula nang dumating kayo sa buhay namin tatlo. Sa mga panahon na pinagbubuntis ko kayo ay nandyan silang dalawa para alagaan ako. Lalong naging maliit ang mundo namin dahil sa inyo. Masaya ako na dumating kayo sa buhay namin at naging doble pa ang kasiyahan nang malaman namin na kambal kayo." naalala ko pa ang reaksyon nila Louie at Luis nang malaman nilang kambal ang ipinanganak ko. Lalo na nang makita ko ang mga ngiti nila sa kanilang mga labi habang buhat-buhat nila ang kambal. "Kung pwede nga lang talaga na hindi na tayo dumaan sa ganitong proseso pero para rin naman sa atin lahat ito."

ThornWhere stories live. Discover now