Prologue

61 17 4
                                    

Alexa POV

"Love? Akala ko hindi ka na makakauwi." sinalubong ko si Louie na lasing na lasing. Birthday kasi ng kabarkada niya kaya nag-inuman sila. Boys nga naman. Hindi siya sumagot bagkus niyakap niya ako at isinubsob ang mukha niya sa leeg ko. Hay, hilig niya talagang isubsob ang mukha niya sa leeg ko.

"Nakikiliti ako, Love." ani ko nang simulan na niya itong pupugin ng halik.

"Matulog ka na, okay? Malapit na rin naman akong matapos dito." dinala ko siya sa kwarto namin at inihiga sa kama para makapagpahinga. Nakayanan niya pang magmaneho papauwi kahit lasing na siya. Mabuti na lang at nakauwi siya nang ligtas. Tinanggal ko muna ang sapatos at medyas niya bago siya kinumutan. Hinalikan ko siya sa pisngi bago umalis. Hindi pa man ako nakakatalikod ay bigla niya akong hinatak saka hinalikan sa aking labi. Damn this boy. Ang kulit niya talaga kapag lasing.

"Huwag ng makulit. Matulog ka na. Susunod na lang ako." ani ko nang maghiwalay ang labi namin. Nang tatayo na ako ay hinatak na naman niya ako pahiga sa kama saka pumaibabaw sa akin.

"Marc Louie Sebastian." may pagbabanta na sa tono ko. Alam niya kapag binanggit ko ang buong pangalan niya. Ngumisi lang siya sa akin at muli akong hinalikan sa labi.

***
Nauna akong nagising kaysa kay Louie ngayon, siguro dahil lasing siya. Tahimik siyang natutulog sa tabi ko habang sinusuklayan ko ng kamay ko ang kanyang buhok. Hinawi niya ang kamay ko saka tumalikod sa akin. Laking gulat ko nang makita ko ang tattoo na rosas sa likod niya. Hindi maaari! Hindi si Louie ang kasama ko. Sh*t.

ThornWhere stories live. Discover now