13

18 6 0
                                    

Palabas na kami ni Kacey sa classroom nang harangin kami ni Luis. Napakunot naman ang noo ko sa ginawa niya habang siya ay nakangiti at inilabas ang cotton candy na hugis bulaklak mula sa likod niya.

"Wow! Ang ganda! Para sa akin ba 'yan?" tanong ko at tumango naman siya. Masaya kong kinuha ang cotton candy sa kanya at nagpasalamat. Mas lalong lumawak ang ngiti ni Luis nang makita ang reaksyon ko.

"Sorry, Alexa Jane. Nagcutting class ako para ibili ka niyan." nakayukong paumanhin niya.

"Okay lang. Thank you talaga, Luis." hindi talaga mawala ang ngiti sa mga labi ko lalo na kapag tinitignan ko 'yung cotton candy.

"Oh, Besty, baka 'yan lang kainin mo na lunch, ah?" umiling naman ako bilang sagot. "Aba, bumabait ka talaga kapag may cotton candy ka." natatawang kumento ni Kacey.

"Ewan ko ba bakit bigla kong nagustuhan ito." sagot ko. Marami naman niluluto ang kambal sa akin na masasarap na pagkain pero wala talagang tatalo sa cotton candy.

Pagdating namin sa cafeteria ay inilabas na ni Luis ang baon namin na ulam. Lalo akong ginanahan na kumain nang makita ko ang mga sili sa caldereta na niluto niya. Sigurado ako na masarap 'to.

"Bibili na muna ako ng kanin natin. Itext mo na si Kuya Louie na nandito na tayo." tumango naman ako saka umalis si Luis.

Patapos na kami kumain nila Luis at Kacey nang dumating si Louie. Buti at nakaabot pa siya. Pero tinirahan naman namin siya ng ulam. Mahirap na at baka magalit sa amin si Louie.

"Kain na, Love." yaya ko sa kanya. Palapit na si Louie sa akin nang mapansin ko na mapula ang isang pisngi niya. Tatanungin ko na sana siya ngunit hinatak siya paharap ng isang babae saka sinampal. Sa gulat ko ay napatayo ako.

"Sinungaling ka. Manloloko! Pagkatapos ng lahat lahat ay iiwan mo na lang ako basta basta!" sigaw ng babae na sumampal kay Louie. Lumapit naman ako sa kanila para malaman kung ano ang nangyayari.

"Ano'ng pinagsasabi mo, Miss?" mataray na tanong ko sa babae. Hinawakan naman ni Louie ang kamay ko at pinisil iyon para pakalmahin ako.

"Miss, ilang beses ko ba sasabihin sa iyo na hindi ako si Luis. Ako si Louie at girlfriend ko si Alexa." napatingin sa akin ang babae pati sa kamay namin ni Louie na magkahawak.

"Teka, ang hinahanap mo ba ay si Luis?" tanong ko na ikinatango naman ng babae. Tinuro ko naman si Luis na nakaupo malapit sa amin. Lumapit sa kanya 'yung babae para sampalin siya ngunit napigilan iyon ni Luis.

"Too slow." ani Luis. Hinatak naman ng babae 'yung kamay niya na hawak ni Luis. "Pwede ba, huwag kang gumawa ng gulo rito." dugtong pa ni Luis.

"Magkakagulo talaga kapag hindi mo ako pinanagutan!" sigaw ng babae na ikinagulat ko. Anak ng tupa naman oh. Susugurin ko na sana 'yung babae pero niyakap na ako ni Louie kaya nakatalikod na ako sa kanila.

"Nahihibang ka na talaga. Mahiya ka nga sa pinaggagawa mo." dinig kong sinabi ni Luis.

"Mag-usap kayong dalawa nang mahinahon. Nakakakuha na kayo ng atensyon dito." ani Louie at narinig ko pa na tinawag ng babae si Luis. Bumitiw na ako pagkakayakap at pinaupo na ako ni Louie.

"Besty, kumalma ka." sabi ni Kacey habang inaabutan ako ng tubig.

"Nagsinungaling si Luis. Sabi niya wala na siyang niligawan." reklamo ko.

"Pakinggan muna natin ang paliwanag ni Luis bago tayo maniwala sa sinasabi nung babae." sabagay, may point si Louie.

"Mukha naman hindi totoo 'yung sinabi niyang buntis siya. Mukha siyang desperada at nag-eskandalo pa." napabuga ako ng hangin sa sinabi ni Kacey.

"Nagkita na ba kayo nung babae kanina, Love?" tumango naman si Louie at tumigil sa pagkain para uminom.

"Oo, hinarang niya ako kanina habang papunta rito. Ayaw pa nga maniwala sa akin na ako si Louie kung hindi ko pa pinakita ang ID ko." sagot ni Louie.

"Sinampal ka rin ba niya kanina?" tanong ko pa.

"Oo, nagulat nga ako at sinabi na manloloko raw ako." Sagot uli ni Louie. Humanda talaga 'yung babaeng 'yun sa akin oras na malaman kong nagsisinungaling siya. Buntis pala, ha?

***

"Magpaliwanag ka. Sino 'yung babae kanina sa cafeteria?" tanong ko kay Luis. Kanina ko pa talaga siya gustong tanungin kaso may klase pa eh. Hinintay ko lang talaga ang vacant namin.

"Nakakachat ko lang siya at nakakatext pero hindi pa talaga kami nagkikita." sagot ni Luis na nakapagpangiti sa akin.

"Eh bakit sinabi niyang buntis siya?" natawa naman si Luis sa tanong ko. "Ano'ng nakakatawa?" nakataas na kilay kong tanong.

"Nababaliw na ang babaeng 'yun. Sigurado akong hindi ako ang ama ng pinagbubuntis niya." sagot ni Luis.

"Siguraduhin mo lang, Luis."

"Sinisigurado ko, Alexa Jane, dahil ikaw lang ang mahal ko." ani Luis saka lumapit sa akin para halikan ako ngunit lumayo ako at saka tumayo.

Pinuntahan ko 'yung babae sa classroom nila at sakto naman na labasan na nila. Mabuti na lang at nalaman ni Kacey kung sino ang babaeng 'yun pati na rin ang schedule niya.

"Bianca?" hinarang ko siya nang papalabas na siya sa pinto.

"Ano'ng kailangan mo?" tanong niya saka ako inirapan. Kaming dalawa na lang ang natira sa classroom nila kaya okay na makipagmalditahan sa babaeng ito.

"Sabihin mo nga sa akin kung paano ka nabuntis ni Luis." kalmado kong tanong kahit gustong gusto ko na siyang kalbuhin.

"Hindi mo alam? Eh, di ba buntis ka rin." pilosopo niyang sagot. "Oh, baka totoo ang tsismis na hindi mo alam kung sino sa kambal ang nakabuntis sa iyo." saka siya tumawa nang malakas. Nilapitan ko naman siya.

"At least ako, dalawa ang umaako sa anak ko. Eh ikaw? Iniwan ka ng boyfriend mong nakabuntis sa iyo kaya nilandi mo si Luis dahil alam mong playboy siya." mukhang nainis siya sa sinabi ko dahil lumaki ang butas ng ilong niya.

"How dare you!" sigaw niya sa akin saka ako dinuro. Tinabig ko naman ang kamay niya.

"How dare you, too! Hindi ko alam na mabubuntis ka na sa pakikipagtext o chat mo sa isang tao. How pathetic?" napangisi ako nang mamula ang mukha niya sa inis. "Sa tingin mo ba ay pananagutan ka talaga ni Luis? Wake up, girl! Hindi ka minahal ni Luis dahil ako ang mahal niya. At higit sa lahat, ang anak ko lang ang kinikilala niyang anak. Kaya huwag kang mang-aagaw ng tatay. Habulin mo 'yung lalaking nakabuntis sa iyo kung totoo ka nga na buntis."

"Ang kapal ng mukha mo!" sigaw niya at sasampalin na sana niya ako ngunit naunahan ko siya na masampal.

"Siguro naman magigising ka na niyan?" tanong ko habang nakahalukipkip. Sasabunutan niya pa sana ako pero natigil siya saka umalis. Napailing na lang ako sa inasta niya. Masyado siyang desperada. Napaharap ako nang may nagsara ng pintuan.

"Ang tapang mo talaga, Alexa Jane." aniya habang papalapit sa akin.

"Ginising ko lang siya sa kahibangan niya." tumingin ako sa malayo habang si Luis ay nakatingin sa akin. "Sabihin mo nga, kanina ka pa nandyan 'no?" tanong ko pero nagkibit balikat lang siya habang nakangiti. "Ang saya mo naman ata." dugtong ko pa nang humakbang pa siya papalapit sa akin habang nakangiti.

"Masama ba?" tanong niya habang nakatingin nang diretso sa mga mata ko. Parang hindi ko kinakaya ang tingin ni Luis kaya muli kong iniwas ang tingin ko ngunit pinaharap niya ako uli sa kanya.

"H-hindi." napayuko ako nang mautal ako. Hinawakan naman ni Luis ang baba ko saka ako pinatingin muli sa kanya. "Luis," tawag ko sa kanya nang unti-unti niyang nilalapit ang mukha niya sa akin. Mukha naman walang balak magpapigil si Luis kaya napalunok na lang ako at pumikit.

"Mahal na mahal kita, Alexa Jane. Mahal ko kayo ng anak ko." aniya pagkatapos niya akong halikan sa noo.

ThornWhere stories live. Discover now