7

22 17 3
                                    

"Love, pupunta ako sa birthday ni Jerome." paalam ni Louie habang kumakain kami ng lunch sa cafeteria.

"Edi hindi mo ako masusundo mamaya?" tanong ko sa kanya. Tumingin naman siya sa akin na parang nagdadalawang isip.

"Love naman, okay lang sa akin kung hindi mo ako masusundo. Siguro late na rin ako makakauwi." sagot ko sa kanya saka sinubo ang huling subo ng pagkain ko.

"Gagawin niyo ba 'yung thesis niyo?" tanong niya at tumango naman ako.

"Wala ka naman kasi kaya doon na lang kami sa apartment ni Carl gagawa." sagot ko. Dati ay sa condo kami gumagawa dahil mas gusto na ni Louie na nakikita niya ako at nababantayan. Hay, grabe lang ang boyfriend ko. Ang galing kasi gumawa ng groupings ng prof namin. Dalawang lalaki lang naman ang kagroup ko kaya si Louie ay hindi mapalagay. Noong una ay apat kami sa grupo kaso tatamad tamad yung isa kaya tinanggal ni Carl sa grupo. Sayang, babae pa naman 'yun. Dalawa sana kaming girl sa grupo. Huminga naman nang malalim si Louie saka humarap sa akin.

"Magtetext ka, okay?" aniya, gusto kong matawa sa inaasal ni Louie kaso hindi ko naman siya masisisi dahil nag-aalala siya.

"Paano naman ako makakapagfocus sa thesis namin nun?" sagot ko sa kanya. Baka pati ako ay tanggalin sa grupo ni Carl. Hindi naman mapakali si Louie sa kakaisip kaya di na niya naubos ang pagkain niya.

"Dapat before 7 nasa bahay ka na, okay?" napaisip naman ako sa oras na binigay ni Louie. Lalabas kami ng school ng 5 o'clock tapos diretso na kami sa apartment ni Carl. Medyo malapit lang naman ang apartment ni Carl sa school. Mukhang imposible ang oras na binigay sa akin ni Louie. Baka wala pa kaming nagagawa nun.

"Hmm, Love, baka wala pa sa kalahati ang nagagawa namin ng ganung oras." sagot ko kay Louie.

"Huwag na lang kayo sa apartment ni Carl gumawa. Sa coffee shop na lang kayo gumawa sa tapat ng condo." aniya.

"Pe-"

"Huwag ka ng umangal pa, Love. Kakausapin ko sila. Sa lugar na iyon ay mapapalagay ako." hindi na ako umangal sa sinabi ni Louie para rin naman sa akin iyon.

Pagkahatid sa akin ni Louie sa classroom namin ay kinausap niya sina Carl at Jarred. Pumayag naman sila sa pasya ni Louie.

"Iba talaga ang boyfriend mo, Alexa." ani Jarred pagkatapos kong ibaba ang cellphone ko sa lamesa. Tinext ko si Louie na nasa coffee shop na kami. Kakarating lang din niya sa birthday ni Jerome. Medyo malayo rin kasi iyon.

"Mararamdaman mo rin ang ganung pag-aalala kapag nagkaroon ka ng girlfriend, Jarred." sagot ko sa kanya saka uminom ng kape.

"Huwag kang mag-alala, Alexa. Malapit na."

"Mag-umpisa na tayo bago kayo magkwentuhan ng lovestory niyo." pagsingit ni Carl. Magtatanong pa nga lang ako eh. Nag-umpisa na kaming gumawa gaya ng sinabi ni Carl.

"Hanggang saan ba ang gagawin natin?" tanong ko kay Carl dahil dalawang parts na lang ng thesis namin ang hindi namin nagagawa.

"Kung matatapos natin ang mga parte natin ay gagawin na natin ang financial statements." nagulat naman kami ni Jarred sa sinagot ni Carl.

"Carl, pwede tumawad?" tanong ni Jarred na sinang-ayunan ko naman.

"Gagawin ko pa kasi 'yung costing, Carl." dagdag pa ni Jarred.

"Kailan mo matatapos?" tanong ni Carl

"Hmm, mamaya tatapusin ko."

"Sure? Isend mo na lang sa group chat natin mamaya." sagot ni Carl. Pagkatapos namin gawin ang mga parte namin ay umuwi na rin kami. Hinatid pa nila ako hanggang makasakay ako ng elevator para raw safe ako. Pakana lang ni Jarred iyon.

Pagdating ko ay tinext ko si Louie na nakauwi na ako. Hindi ko na hinintay ang text niya dahil nagluluto ako ng hapunan ko. Mag-aalas onse na rin ng makakain ako. Ang tagal din namin ginawa ang thesis namin. Pagkatapos ko kumain ay nilinisan ko ang pinagkainan ko. Naglinis na rin ako ng sarili saka binasa ang text ni Jarred sa akin. Nasend na raw niya ang costing kaya pwede na kaming gumawa ng financial statements. Susubukan kong gumawa kahit papano. Mahirap kayang magbalance.

Habang gumagawa ako ay katext ko si Louie. Sinabi ko na sa kanya na doon na lang siya umuwi sa kanila kaysa dito. Mahirap na dahil nakainom siya pumayag naman siya sa sinabi ko at pinagpatuloy ko ang ginagawa ko habang hinihintay ang text niya. Medyo inaantok na rin ako dahil alas dose na pala. Pumunta muna ako sa kusina para kumuha ng makakain at maiinom. Pagbalik ko sa sala ay nakita ko si Louie na nakatayo sa may pintuan.

"Love? Akala ko hindi ka na makakauwi." ibinaba ko muna sa mesa ang bitbit ko na pagkain saka sinalubong si Louie na lasing na lasing. Hindi siya sumagot bagkus niyakap niya lang ako at isinubsob ang mukha niya sa leeg ko. Hay, hilig niya talagang isubsob ang mukha niya sa leeg ko.

"Nakikiliti ako, Love." ani ko nang simulan na niya itong pupugin ng halik.

"Matulog ka na, okay? Malapit na rin naman akong matapos dito." dinala ko siya sa kwarto namin at inihiga sa kama para makapagpahinga na siya. Nakayanan niya pang magmaneho papauwi kahit lasing na siya. Mabuti na lang at nakauwi siya nang ligtas. Tinanggal ko muna ang sapatos at medyas niya bago siya kinumutan. Hinalikan ko siya sa pisngi bago umalis. Hindi pa man ako nakakatalikod ay bigla niya akong hinatak saka hinalikan sa aking labi. Damn this boy. Ang kulit niya talaga kapag lasing.

"Huwag ng makulit. Matulog ka na. Susunod na lang ako." pagpipigil ko sa kanya nang maghiwalay ang mga labi namin. Nang tatayo na ako ay hinatak na naman niya ako pahiga sa kama saka pumaibabaw sa akin. Ang kulit talaga ng boyfriend ko.

"Marc Louie Sebastian." may pagbabanta na sa tono ko. Alam niya kapag binanggit ko ang buong pangalan niya. Ngumisi lang siya sa akin at muli akong hinalikan sa labi. Bumaba ang halik niya sa aking leeg. Tuwing magtatangka akong pagsabihan siya ay agad niya akong hinahalikan sa labi. Kapag tinutulak ko naman siya ay hinahawakan niya ang mga kamay ko.

"Love," tawag ko sa kanya nang unti-unti niyang inaangat ay damit ko. Mukhang hindi ko na matatapos ang dapat kong gawin dahil kay Louie.

***
Nauna akong nagising kaysa kay Louie ngayon, siguro dahil lasing siya. Mula sa pagkakahiga ay umupo ako at sumadal sa headboard ng kama, tahimik naman siyang natutulog sa tabi ko habang sinusuklayan ko ng kamay ko ang kanyang buhok. Gusto niya kasi iyon tuwing natutulog siya. Pero hinawi niya ang kamay ko at saka tumalikod sa akin. Laking gulat ko nang makita ko ang tattoo na rosas sa likod niya. Hindi maaari! Hindi si Louie ang kasama ko. Sh*t.

"L-luis?"

ThornWhere stories live. Discover now