14

17 5 0
                                    

Dahil wala kaming pasok ni Luis ng Saturday ay nagyaya siya na mag movie marathon. Syempre hindi mawawala ang pagkain sa movie marathon. Bago pa man magpunta si Luis dito ay may dala na siyang mga pagkain.

"Horror panoorin natin, Alexa Jane." agad naman akong napailing sa sinabi ni Luis.

"Ikaw na lang manood mag-isa. Matutulog na lang ako." inis kong sagot na ikinatawa niya.

Napagkasunduan namin na RomCom na lang ang panoorin. Nagluto muna siya ng popcorn. Nakaupo ako sa couch samantalang si Luis ay nakaupo sa sahig. Pinatay namin ang ilaw para medyo madilim at para na kaming nasa cinema.

Nasa kalagitnaan kami ng tawanan nang biglang bumukas ang pinto. Tumayo ako at agad na sinalubong si Louie ng yakap.

"Kamusta ang result ng exam?" tanong ko saka bumitiw sa pagkakayakap.

"Okay lang." malungkot na sagot ni Louie saka nagpunta sa kwarto namin.

"Aalis na ako pagkatapos natin ligpitin ito, Alexa Jane. Mag-usap muna kayo ni Kuya Louie." ani Luis habang nililigpit ang mga pagkain namin na nasa center table.

"Ano kaya ang naging result ng exam ni Louie? Para kasing hindi siya masaya." sabi ko habang inilalagay sa ref ang tira namin na inumin sa movie marathon.

"Pasado 'yun. Si Kuya Louie pa ba?" pagpapalakas ng loob ni Luis. Dumating naman na si Louie sa kusina at nakapagpalit na rin siya ng damit.

"Uuwi na ako, Kuya." paalam ni Luis sa kapatid niya habang tinatapik ang kanang balikat nito.

"Sige, ingat ka." walang ganang sinabi ni Louie sa kakambal.

Tahimik kaming kumain ni Louie ng tanghalian. Minsan ay nahuhuli ko siyang nakatitig sa akin pero kapag tinitignan ko siya ay agad niyang iniiwas ang tingin niya sa akin. Nag-aalala tuloy ako dahil ang tahimik ni Louie ngayon. Dahil kaya sa qualification exam niya? Pagkatapos namin kumain ay siya na ang nagpresintang maglinis ng pinagkainan namin. Nababaliw na ako kakaisip kung ano ba ang problema niya.

"Love, may problema ka ba?" tanong ko nang tumabi ako sa kanya. Umiling naman siya habang focus na nanonood sa tv.
"Tungkol ba sa exam mo?" muli ay umiling na naman siya at hindi man lang niya ako tinatapunan ng tingin. Niyakap ko na lang siya saka sinandal ang ulo ko sa dibdib niya.

"Kung wala kang problema ay isa lang ang naiisip kong dahilan kung bakit ka ganyan." sabi ko saka tumingala para tignan si Louie. Hinawakan ko ang pisngi niya saka siya pinatingin sa akin.

"Pakasalan mo ako." nagulat ako sa biglang sinabi ni Louie. "Magpakasal na tayo." dugtong niya pa.

"Pero, hindi pa natin alam-" naputol ang sasabihin ko nang halikan niya ako.

"Alam ko, alam ko. Natatakot ako na baka mahulog na rin ang loob mo kay Luis." umiling naman ako saka umayos ng upo. Hinawakan ni Louie ang kamay ko at hinalikan niya iyon. "Pakasalan mo ako, Love. Aakuin ko ang bata kahit hindi ako ang ama niya."

"Napag-usapan na natin 'to. Paano na lang kung malaman ni Luis na hindi ka sumunod sa kasunduan natin tatlo? Ayaw ko na mag-away pa uli kayo, Love." sagot ko. Mahirap na masira ang napagkasunduan namin. Pero hindi ko rin naman masisisi si Louie dahil alam kong natatakot siya na mawala ako sa kanya. Pero iniisip ko rin si Luis. Alam kong hindi niya ako isusuko sa oras na malaman niya na siya ang ama ng dinadala ko dahil iyon ang napagkasunduan namin. Mahirap din naman lumaki ang bata na hiwalay ang magulang. Parehas naman namin  napagkasunduang tatlo na kailangan buo ang pamilya kaya mayroon talaga magsasakripisyo sa amin. Masakit man pero kailangan tanggapin.

"Sorry, natatakot lang talaga ako." ani Louie saka ako niyakap.

"Sabi mo nga, sigurado ka na ikaw ang ama ng dinadala ko. Kaya huwag ka na matakot."

"Magpapakasal tayo kapag napatunayan na ako talaga ang ama, pangako 'yan." ani Louie at hinalikan ako sa noo. "Kaya bilisan mo na lumabas, baby." dagdag niya pa habang hinahawakan ang tiyan ko at saka hinalikan 'yun dahilan ng pagngiti ko.

***

"Ano pa ba ang kulang?" tanong ni Louie habang chinecheck niya isa-isa ang pinamili namin. Habang papalapit nang papalapit ang araw ng panganganak ko ay inuunti-unti na namin ang pamimili ng mga gamit ni baby. Pero hanggang ngayon ay hindi pa rin namin alam ang gender ni baby. Gusto ko kasi ay surprise. Pero excited talaga 'yung kambal dahil malakas ang kutob nilang lalaki raw si baby.

"Isama na natin 'to, Kuya Louie." naglagay naman si Luis na laruan na kotse sa cart. Napailing na lang ako nang makita ko iyon.

"Saan mo nakuha 'yan, Luis?" tanong naman ni Louie at tinuro ni Luis kung saan niya nakuha 'yun. " Tara, punta tayo roon. Bibilhan ko rin ng laruan si baby." muli ay napailing na lang ako sa dalawa habang papaalis sila. Lagi na lang silang ganyan na dalawa. Hindi mawawala sa pinamili namin ang laruan. At take note, puro laruan ng lalaki. Wala man lang barbie na pambabae.

"Bakit ba puro laruan ng boys ang binibili niyo? Paano kung babae si baby." tanong ko habang nakasakay kami sa kotse papauwi.

"Lalaki siya." sabay pa na sagot nung kambal. Kumpyansa talaga silang lalaki si baby.

"Paano nga kung hindi?" tanong ko.

"Tanungin mo na kasi 'yung gender ni baby kapag nagpa-ultrasound ka, Alexa Jane." sagot ni Luis na nakaupo sa back seat.

"Gusto ko nga surprise, e." sagot ko pa.

"Pumayag ka na kasi, Love. Para hindi ka na magalit sa amin ni Luis kapag namimili kami ng laruan." ani Louie habang nagmamaneho. Sabagay, may point nga naman siya.

"Sige na nga. Bukas malalaman na natin ang gender ni baby."

"Yes! Pumayag na rin.!" sigaw pa ng kambal. Hindi sila halatang excited at kailangan talaga ay sabay palagi.

***

"Gusto niyo na talaga malaman ang gender ni baby?" tanong ni doktora sa amin tatlo. Tumango naman 'yung kambal na halatang excited dahil magkahawak kamay pa sila.

"Ano po ang gender ni baby, doc?" tanong ko.

"It's a baby boy." biglang napatayo ang kambal at napasigaw saka nagyakapan habang tumatalon. Kahit si Doktora ay natigil sa ginagawa niya nang makita ang reaksyon ng kambal.

"Excited po sila. Hehe." sabi ko kay doc dahil nagulat siya sa reaksyon ng kambal.

"Halata nga." sagot naman ni doktora na hindi maikubli ang saya gaya ko.

"Mamimili ba tayo ngayon, Kuya Louie?" tanong ni Luis sa kakambal habang papalabas kami sa clinic.

"Kakapamili lang natin nung isang araw. Malamang puro laruan ang bibilhin niyo."

"Sorry." sabay na paghingi ng paumanhin ng kambal at saka nagsisihan sa pag-aayang pamimili. Nauna na ako sa kotse at nakikita ko pa rin silang dalawa na nagsisihan. Napapangiti ako kapag nakikita ko silang nagkukulitan. Mukhang masaya rin si baby dahil sumisipa sipa na rin siya sa loob.

"Malapit ka na namin makasama, baby. Excited na kami sa paglabas mo." sabi ko habang hawak ang tyan ko.

Thornजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें