4

26 17 3
                                    

Nagising ako nang may humalik sa noo ko.

"Gulat na gulat ka ata, Love?" si Louie lang pala. Napatingin ako sa relo at umaga na pala kaya nandito na si Louie. Napabangon naman ako.

"Kanina ka pa ba dumating?" Tumango naman siya.

"Bakit ngayon mo lang ako ginising?" tanong ko sabay hampas sa braso niya.

"Happy monthsary, Love." bati niya sa akin. Napangiti naman ako. "Happy monthsary, Love." bati ko rin sa kanya.

"Naabutan mo ba si Luis dito?" tanong ko sa kanya habang kumakain kami ng almusal.

"Hindi naman. Katext ko siya kanina. Pauwi na raw siya, e."

"Ikaw ba naglinis ng mga kalat namin?" nahihiya kong tanong kay Louie.

"Wala naman akong naabutan na kalat. Nilinis na siguro ni Luis. Nakatulog ka na raw kasi." nakagat ko ang labi ko sa sinabi ni Louie.

"Inaantok na kasi ako, e." sagot ko. Sinamaan naman ako nang tingin ni Louie.

"Okay lang, si Luis naman ang kasama mo." sagot niya saka pinagpatuloy ang pagkain niya.

"Labas tayo." dugtong niya.

"Talaga?" nakangiti kong tanong. Tumango naman siya.

Maglalunch na nang umalis kami Louie. Nagpunta kami sa mall at kumain sa isang seafood restaurant. Habang naglalakad kami ni Louie ay nadaanan namin ang quantum. Ang daming tao at ang daming nanonood doon sa sumasayaw.

"Laro tayo, Love." pagyaya ko kay Louie at hinatak siya papunta roon kahit hindi pa siya sumasagot. Bumili si Louie ng maraming token para hindi kami pabalik-balik sa cashier. Napatingin ako sa machine na puno ng mga stuff toys.

"Ikukuha kita nun." aniya saka kami pumunta sa machine na iyon. Naghulog siya ng dalawang token at nagstart na ang laro. Tinapat niya ang holder sa isang stuff toy na baymax at nang pindutin niya ang catch ay bumaba ang holder.

"Ayan, malapit na. Malapit na." excited kong sabi. Pero umangat ang holder at naiwan si Baymax.

"Isa pa, Love." aniya at naghulog ulit ng token. Titig na titig ako sa Baymax na stuff toy ngunit hindi pa rin nakuha ni Louie.

"Isa pa uli." sabi ni Louie. Nakailang ulit siya at nangalahati na ang token na binili niya. Nawalan na rin ako ng pag-asa na makukuha niya ang Baymax na stuff toy. Nahampas ni Louie ang machine sa inis.

"Madaya talaga. Ibibili na lang kita, Love. Kahit 'yung malaki pa." napangiti naman ako sa sinabi niya. Alam niya talaga na favorite ko si Baymax.

"Magbasketball na lang tayo." hinatak ko siya doon sa basketball. Maghuhulog na sana ako ng token pero pinigilan ako ni Louie. Napakunot naman ang noo ko.

"Kapag nanalo ako ay dapat may kiss ako." nanlaki naman ang mata ko sa sinabi ni Louie. Ang dami kayang tao.

"Sa cheeks lang, Love. Kapag naka-one hundred points ako ay may 10 kiss ako. Pero kung walang one hundred ay 5 lang." paliwanag niya. Iba rin talaga, akala ko wala na kapag below one hundred.

"Deal?" tanong niya pa.

"Deal!" inumpisahan na namin ang paglalaro, pinilit kong mag focus para manalo ako. Si Louie naman ay wala pang palya sa pagshoot. Kaiyak naman, ang hirap kapag magaling sa basketball ang boyfriend mo. Feeling ko lugi ako sa larong ito, e. Dapat kasi hindi ko na lang siya hinatak dito. Huhu.

Natapos ang laro namin at nanalo si Louie. Nakangiti siya matapos tignan ang score ko. Aba, ngiting tagumpay. Lagpas nga sa one hundred ang score niya. Samantalang ako ay 99 lang.

"Nasaan na ang kiss ko, Love?" aniya saka itinuro ang pisngi niya sa akin. Hinalikan ko naman siya sa kanang pisngi at sa kaliwa. Salit-salitan hanggang makasampu akong halik.

"Isa pa." pagyaya ko. Kailangan manalo ako ngayon. Sinikap ko na walang palya ang bawat tira ko ngunit nangangawit na ako kakashoot kaya si Louie na naman ang nanalo. Nakaabot naman sa one hundred ang points ko ngunit mas malaki pa rin ang puntos na nakuha ni Louie.

"Naghihintay ako, Love." ani Louie kaya hinalikan ko uli siya ng sampung beses sa magkabilang pisngi. Nagulat ako nang halikan niya rin ako.

"Nanalo ka rin mahal ko." aniya at hinalikan ako sa labi.

"Happy monthsary, Love." sabay namin binati ang isa't isa pagkahiwalay ng mga labi namin. Nagkaraoke rin kami ni Louie pero yung nasa room. Mahirap na dahil marami na naman ang mai-inlove kay Louie kung sa labas lang kami magkakaraoke. Kinanta niya ang You and Me. Nang tumugtog ang Forevermore ay isinasayaw ako. Ang ganda talaga ng boses ni Louie, pwede na siyang sumali sa tawag ng tanghalan. Kapag kumakanta siya ay lagi siyang nakatingin sa mga mata ko. Para tuloy akong hinihigop sa tingin niya. Ipinatong niya ang noo niya sa noo ko at dahan-dahan kaming sumasayaw sa tugtog. Habang nagsasayaw kami ay kumakanta siya at parang sinasabi niya sa akin ang bawat lyrics. Ang swerte ko dahil si Louie ang naging boyfriend ko. Talented na mapagmahal pa at higit sa lahat ay maalaga pa.

"I love you forever, Marc Louie Sebastian." sabi ko nang matapos ang kanta.

"I love you too forever, Alexa Jane Perez." at unti-unting lumapit sa akin si Louie at hinalikan ako sa labi. Ramdam ko ang halik niyang puno ng pagmamahal. Naghahabol kaming dalawa ng hininga pagkatapos namin maghalikan. Matagal-tagal din 'yun.

Pagdating namin sa tapat ng condo unit namin ay may nilagyan ako ni Louie ng piring.

"Aba, may pasurprise ang mahal ko, a." sabi ko, akala ko ay magdedate lang kami sa mall. Naramdaman kong bumukas na ang pinto at inalalayan ako ni Louie sa pagpasok. Narinig ko na ang pagsara ng pinto.

"Dito ka lang muna, Love." sabi ni Louie at tumango naman ako. Narinig ko pa ang paglakad niya papalayo. Habang wala si Louie ay nakakaamoy ako nang mabango. Inubos ba ang isang bote ng air freshener sa condo unit namin?

"Tanggalin mo na 'yung piring mo, Love." sinunod ko naman ang utos ni Louie.

"Happy monthsary!" bati niya at nakita ko siya na may hawak na cake na may kandila. Tanging ang mga scented candles lang ang nagbibigay liwanag sa paligid. Nagkalat din ang mga petals ng red roses sa sahig.

"Pinaghandaan mo talaga 'to, ah." sabi ko sa kanya saka siya nilapitan.

"Happy monthsary, mahal ko." bati ko rin sa kanya saka siya pinahiran ng icing sa pisngi. Napangiti siya sa ginawa ko at alam ko na ang ngiting iyon.

"Blow muna natin 'yung candle, Love. Hehe." palusot ko para di niya ako magantihan. Sabay namin hinipan ang apoy ng kandila at bago pa ako makalayo kay Louie ay nagantihan na niya ako. Pero habang inilalapag niya ang cake ay pinahiran ko uli siya sabay takbo. Pumasok ako sa kwarto namin pero naharang ni Louie ang pinto kaya hindi ko iyon naisara.

"Marc Louie Sebastian." alam na niya kapag binanggit ko ang buo niyang pangalan. Isa 'yong warning para sa kanya. Pinunasan naman niya ang pisngi niya gamit ang panyo.

"Yes, Love?" tanong niya. Unti-unti siyang lumalapit sa akin na may nakakalokong ngiti habang hawak ang panyo na ginamit niyang pantagal sa icing sa pisngi niya.

"Huwag ka na gumanti, Love. Hehe. Peace tayo." sabi ko pero patuloy pa rin ang paglapit niya kaya patuloy rin ang pag-urong ko. Lalong lumawak ang ngiti ni Louie at hinatak ako papalapit sa kanya.

"Huwag kang gaganti." sabi ko. Hinawakan ni Louie ang pisngi ko kaya napapikit ako. Shemay, sinabi ko ng huwag gaganti, e. Pero bago pa ako magreklamo ay naramdaman ko na ang paglapat ng labi niya sa labi ko. Hanggang sa maihiga niya ako sa kama.

A/N: Tapos! Hahaha. Sorry, walang bed scene. Ipinauubaya ko na sa inyo iyon. May mga bata kasi. Lols.

ThornWhere stories live. Discover now