1

38 17 3
                                    

Alexa POV

Lumabas agad kami ni Kacey sa classroom para kumain. Nag-overtime na naman kasi ang prof namin, palibhasa alam niyang lunchbreak namin ang kasunod ng subject niya. Kaya naman itong si Kacey ay todo ang hatak sa akin.

"Besty, bilisan mo. Wala na tayong makakain niyan, e." reklamo niya. Hunger games lang ang peg namin tuwing nag-oovertime ang prof namin.

"Baka naman kasi madapa ako, besty." sagot ko at hindi na siya nagsalita pang muli. Nakakadagdag din kaya sa gutom ang pagsasalita.

Habang hinahatak ako ni Kacey ay may nadaanan kaming kumpulan. Napakunot ang noo ko nang maisip ko na kakambal na naman ni Louie ang sanhi ng kumpulan na iyon. Nang makalayo na kami sa kumpulan ay may tumawag sa akin.

"Alexa Jane!" ako na ang humatak kay Kacey nang malaman ko kung sino ang tumawag sa akin. Siya lang naman kasi ang tumatawag sa akin sa buo kong pangalan.

"Teka, besty, dahan-dahan naman." hindi ko na lang pinansin ang pagrereklamo ni Kacey. Kailangan kong makalayo sa taong 'yun.

"Alexa Jane!" sigaw na naman ni Luis, ang kakambal ng boyfriend kong si Louie. Identical twins sila, ni walang pagkakaiba talaga sa pisikal na anyo. Parehas silang may matitipunong pangangatawan dahil sa madalas nilang pagpunta sa gym. Parehas silang matangkad. Ang buhok nilang kulay itim at ang maputi nilang balat. May pagkachinito rin silang dalawa at parehas na parang nakapikit tuwing ngumingiti. Malalaman mo lang na si Luis ang kaharap mo kung may hikaw siya sa kaliwang taenga. Pagdating naman sa ugali ay parehas naman silang mabait, pero si Luis ay sa mga piling tao lang. 'Yung mga kaibigan lang nila at kamag-anak.

"Niligtas mo na naman ako, Alexa Jane." aniya nang mahabol kami. Tinanggal ko ang kamay niyang naka-akbay sa akin.

"Wala akong pake! Doon ka na nga!" pagpapalayas ko kay Luis. Ako na naman kasi ang aawayin ng ex girlfriend niya. Wala man lang kasi sa bokabularyo nitong si Luis ang salitang seryoso pagdating  sa relasyon. Isang linggo na ata ang pinakamahaba niyang relasyon sa isang babae. Hays.

"Mainit ata ulo nitong bestfriend mo." sabi niya kay Kacey. Tumingin naman si Luis sa relo niya. "Late na naman pala kayo pinalabas."

"Oo at gutom na kami kaya iwanan mo na kami." sagot ko sa kanya saka humanap ng mauupuan sa cafeteria. Actually, magkaklase kaming tatlo nila Kacey at Luis. Si Louie kasi ay Accountancy ang course na kinuha.

"Libre ko na kayo." ani Luis na ikinailing ko.

"Bibili kami ng pagkain namin at bumili ka ng sa iyo." sagot ko sa kanya saka siya tinalikuran para maka-order na ako ng pagkain.

"Besty, bakit ang sungit mo naman kay Luis?" tanong ni Kacey habang kumukuha ng pagkain.

"Naawa ka naman sa crush mo." nanlaki naman ang mata ni Kacey sa sinabi ko. "O, bakit? Totoo naman, di ba?"

"Besty naman, paano kung may makarinig sa iyo? Hindi mo dapat 'yan sinasabi sa maraming tao. Secret nga lang natin 'yun, eh." protesta ni Kacey.

"Ay, secret lang pala. Hehe." pang-aasar ko pa kay Kacey na ikinanguso niya. Pagdating namin sa upuan namin ay wala na si Luis. Mabuti naman at lumayas na siya. Pero bago pa kami makakain ni Kacey ay dumating na si Luis at nilapag ang tray niya sa lamesa namin.

"Patabi, ha?" paalam niya saka umupo sa tabi ko. Tiningnan ko naman si Kacey na nakatingin kay Luis na nakangiti. Kawawa naman ang bestfriend ko, hanggang tingin na lang.

"Doon ka sa tabi ni Kacey umupo, 'wag sa akin." pagpapalayas ko kay Luis. Napakagat naman ng labi si Kacey.

"Para sa'yo." may inabot naman na sundae ice cream sa akin si Luis. "Sorry." napakunot naman ang noo ko sa sinabi niya. Pero hindi ko siya pinansin at pinagpatuloy ko na lang ang pagkain ko dahil si Kacey ay hindi na ginagalaw ang pagkain niya. Nakatingin na lang siya kay Luis.

"Galit ka ba sa akin?" tanong niya at umiling naman ako. "Nag-away ba kayo ni Kuya Louie?" umiling na naman ako.

"Hmm, alam ko na. Meron ka ngayon kaya mainit ang ulo mo. Tama ba ako, Kacey?" napapikit ako sa sinabi ni Luis. Hindi ba niya alam na ang awkward ng tanong niya. Lechugas siya. Ang sarap tusukin ng tinidor nitong si Luis, e. Si Kacey tuloy ay namumula na dahil nakatingin sa kanya si Luis na naghihintay ng sagot niya.

"H-hindi, gutom lang kami." akala ko ay hindi na makakasagot si Kacey. Tumango naman si Luis.

After namin kumain ng lunch ay dumiretso na kami sa sunod na klase. Mabuti at iniwan na kami ni Luis. Mabuti na lang at nasagip ako ni Kacey kanina kung hindi ay mabubulyawan ko talaga si Luis, e.

"Besty, ang sweet talaga ni Luis 'no?" tanong ni Kacey.

"Sweet naman siya sa lahat. Kaya nga paiba-iba ng girlfriend." umarte naman si Kacey na nasasaktan. "Alam mo, besty, ayaw ko lang naman na masaktan ka. Hello, si Luis 'yun. Ang kilalang heartbreaker ng university. Ayaw kong maging isa ka sa mga babaeng umasa at napaiyak niya dahil kapag nangyari 'yun. Ay, naku, mabubugbog ko talaga si Luis. Sinasabi ko sa'yo, Besty." pangangaral ko kay Kacey.

"Alam ko naman 'yun, besty. Pero wala naman masama kung susubukan ko, di ba?" aniya nang nakangiti pa. Naku naman, Kacey. Akala ko naintindihan na niya.

"Besty naman, okay sana kung hindi ko kilala si Luis, eh." protesta ko.

"Support mo na lang ako, besty. Please! Malay mo magbago siya kapag naging kami." kumpiyansang sagot ni Kacey na nagpailing sa akin.

"Goodluck." ang tanging naisagot ko sa kanya. Niyakap naman niya ako nang mahigpit. "Salamat, besty."

Pagdating namin sa sunod naming klase ay nakita ko si Luis na nakaupo na. Akala ko ay whole day na siyang absent. Nagdiscuss ang prof namin about sa case study na ipapagawa niya sa amin. Sana ay by partner ang case study na ito. Tapos by friends ang by partner para si Kacey ang ka-partner ko. Masipag kasi siyang magbasa at magaling din mag-analyze.

"By partner ang case study na ito. Kaya pumili na kayo ng magiging partner niyo." ani ng prof namin. Nagkatinginan naman kami ni Kacey at nagkasundo na kaming dalawa ang partner.

"Pero dapat ay boy and girl." pahabol pa ng prof namin. Shemay naman, okay na sana, eh. Kaya naman parehas kaming nalungkot ni Kacey sa sinabi ng prof namin.

"Ikaw ang partner ko, Alexa Jane."

Thornحيث تعيش القصص. اكتشف الآن