12

30 11 0
                                    

"Papasok ka na agad, Kuya?" tanong ni Luis sa kakambal niya habang nag-aalmusal kami.

"Oo, sasabay na akong pumasok sa inyo." sagot naman ni Louie.

"Mamaya pa naman ang pasok mo. Masyado kang excited sa exam niyo." sabi pa ni Luis at saka inilagay ang bagong lutong hotcake sa plato niya. Pasimple ko naman iyon na kinuha nang tumalikod siya para magluto uli. Nang humarap siya uli para lagyan ng syrup ang hotcake ay napakamot siya sa kanyang ulo na ikinatawa ko naman.

"Alexa Jane naman, baka pumasok tayo nang hindi ako nakakapag-almusal." reklamo ni Luis. Nginitian ko lang siya at saka nagpeace sign. Napailing na lang si Luis at hinarap ang niluluto niya.

"Love, tikman mo." sinubuan ko naman si Louie.

"Baka magutom kayo ni baby sa school n'yan." ani Louie. Umiling naman ako.

"Hindi naman. Busog na busog na nga kami, e. Ang sarap kasi ng luto ni Luis." sabi ko habang hinihimas pa ang tiyan ko.

"Ako pa ba? Masarap talaga akong magluto." pagmamayabang naman ni Luis.

"Mas masarap akong magluto." apela naman ni Louie. Pinabayaan ko na lang silang magbangayan basta busog ako. Ganito naman ang eksena namin araw-araw. Magulo pero masaya. Nagkasundo kami sa ganitong set-up hangga't hindi pa namin alam kung sino ba talaga ang ama ng dinadala ko. Minsan ay rito natutulog si Luis. Minsan ay roon sa unit niya pero sa amin siya kumakain gaya na lang ngayon.

"Tama na 'yan. Parehas naman kayong masarap magluto kaya lagi kaming busog ni baby." awat ko sa kanila saka tumayo para kunin na ang gamit ko.

"Narinig mo 'yun? Mas masarap akong magluto." pagmamayabang naman ni Louie.

"Mali ka ng dinig. Mas masarap akong magluto." angal naman ni Luis. Napapailing na lang ako sa ingay nilang dalawa.

"Sige, ipagpatuloy niyo lang 'yan. Aalis na ako." paalam ko sa kanilang dalawa. Pasakay na ako sa elevator nang maabutan nila ako.

"Love, pahingi muna ng goodluck kiss kay baby." ani Louie saka yumuko para halikan ang tyan ko.

"Ako rin. Ako rin." para naman bata si Luis na nanghihingi ng candy. Ganun din ang ginawa ni Luis pagkatapos ni Louie.

"Kay mommy rin." pahabol pa ni Louie saka ako hinalikan sa labi. Napanguso naman si Luis sa ginawa ni Louie.

"Madaya, dapat hindi mo na pinakita sa akin 'yun, Kuya." reklamo naman ni Luis.

***

"Goodluck sa exam mo, Love." sabi ko kay Louie nang maihatid niya ako sa room namin. Ngayong araw na kasi ang qualification exam nila.

"Thank you, Love. Kay Luis ka na sumabay pauwi. Huwag mo na akong hintayin." tumango naman ako. "Ingat kayo ni baby." pahabol niya pa saka ako hinalikan sa noo. Nakakarami na si Louie ngayong umaga.

"Hello, Besty!" bungad sa akin ni Kacey. Umupo naman ako sa tabi niya.

"Ang aga mo ata." sabi ko naman.

"Anong maaga ka diyan. Wala ba kayong orasan?"

"Masyado kasing namiss nung kambal ang isa't isa." sagot ko.

"Namiss ko kayo ni baby." ani Kacey saka hinawakan ang tyan ko. "Busog na busog si baby, a." dugtong niya pa.

"Maalaga kasi 'yung kambal." sagot ko.

"Hay, ikaw na talaga, besty. Ikaw na." sabi niya saka umayos ng upo dahil dumating na rin ang prof namin.

"Ano' ng gusto mo kainin, Alexa Jane?" tanong sa akin ni Luis nang makarating kami sa cafeteria.

"Gusto ko ng cotton candy." sagot ko na mukha naman na ikinagulat nilang dalawa ni Kacey.

"Seryoso ka, Besty? 'Yun ang tanghalian mo?" tanong pa ni Kacey. Tumango naman ako.

"Kumain muna tayo bago kita ibili nun." sagot naman ni Luis. Mariin naman ako na umiling. "Alexa Jane naman."

"Sige na. Kahit ano na lang. Basta promise mo ibibili mo ako ng cotton candy, ha?" paninigurado ko pa. Napangiti naman si Luis saka tumango. "Promise." sagot niya pa.

"Baka naman puro cotton candy na lang kainin mo mamaya, Besty." ani Kacey habang kumakain kami. Noong nasa apartment niya kasi ako ay ganun ang ginagawa ko. Hindi na ako kumakain kapag nakain ko na ang gusto ko. Minsan ay puro 'yung gusto ko lang ang kinakain ko at ang masama pa roon ay hindi pa 'yun masustansya.

"Hindi niya pwedeng gawin iyon, Kacey. Paniguradong mapapagalitan namin siya ni Kuya Louie." sagot naman ni Luis. Nagpapakabait na nga ako dahil sa pag-aalaga nilang dalawa. Hindi ko na pinipilit ang gusto ko minsan.

"Nga pala, may naisip na ba kayo na ipapangalan sa baby?" tanong ni Kacey habang nakatingin sa amin ni Luis. "Sa kanila ko na ipanuubaya ang pagpapangalan." sagot ko naman.

"May naisip ka na ba, Luis?" tanong ni Kacey kay Luis. Masaya naman si Luis na tumango. "Oo naman, ako pa ba?" napahinto naman ako sa pagkain habang hinihintay ang naisip na pangalan ni Luis. Si Louie kasi ay may naisip na. Gusto ko rin malaman ang gustong ipangalan ni Luis sa bata.

"Lucas ang ipapangalan ko sa bata." parehas kaming napangiti ni Kacey sa sinagot ni Luis. " Aba, L din ang umpisa, a. Paano naman kung babae?" napatango naman ako sa sinabi ni Kacey. Muli ay hinihintay ko na naman ang isasagot ni Luis. Mukha naman napaisip si Luis sa tanong ni Kacey. Para atang hindi siya nakapag-isip kung babae ang bata.

"Paano nga ba kapag babae? Hmm, Lu?" ani Luis habang nag-iisip. "Luna?" sagot ko naman na ikinailing ni Luis. "Lucia?" tanong naman ni Kacey pero umiling uli si Luis. "Eh, ano'ng naisip mo?" tanong ko uli.

"Lucresha kapag babae." nakatanggap sa akin ng masamang tingin si Luis samantalang si Kacey ay nagkasamid samid. "Oh, bakit ganyan ka makatingin, Alexa Jane?" tanong ni Luis na parang walang kaalam alam.

"Gusto mo ba na hindi kita ipakilala sa anak mo?" seryosong tanong ko sa kanya. Si Kacey ay hindi pa rin nakakarecover  sa pagkakasamid niya.

"Hindi ka naman maloko, Alexa Jane." palusot ni Luis. Tinutukan ko naman siya ng tinidor na ikinalunok niya. "Joke lang 'yun. Napakaseryoso mo naman, Alexa Jane." aniya saka hinawakan ang tinidor na hawak ko.

"Huwag mong idadamay ang pangalan ng bata sa kalokohan mo." sagot ko at ibinaba ko naman ang hawak ko na tinidor nang tumango siya.

"Relax, Luisa ang ipapangalan ko kung babae ang si baby. Masyado ka naman kasing high blood, e." paliwanag ni Luis.

"Huwag mo kasi niloloko ang mga buntis, Luis." ani Kacey na nakarecover na pala sa pagkakasamid niya. Tumango tango naman ako bilang pagsang-ayon.

"Tara na nga, besty. Baka di ko mapigilan ang inis ko at baka masaksak ko si Luis." nanlaki ang mata ni Luis nang marinig ang sinabi ko. Tumayo na kaming dalawa ni Kacey habang si Luis ay nakatingin sa amin. Nang tinignan ko siya ay napalunok siya at napahawak sa kanyang dibdib. Napangiti ako pagkatalikod ko dahil takot na takot si Luis.

ThornWo Geschichten leben. Entdecke jetzt