CHAPTER TWENTY TWO

Magsimula sa umpisa
                                    

Tiningnan ko ang ginagawa ni Sapphire. Nagtataka pa rin ako kung bakit nag-eempake si Sapphire.




"I'm on a mission," biglang sabi ni Sapphire. Napansin niya yatang nakatingin ako sa kaniya at nagtataka. Umiwas lang ako nang tingin.



"May mission din kayo?" tanong ko kila Archelle at Heyl. Tumango naman silang dalawa.




"Hinihintay ko lang si Lucifer," sabi ni Heyl. Eh? Magkasama sila?




"Sa akin naman nandito sa loob. Hindi ko alam kung bakit pinapabantayan at pinapasundan ni King si Kimmy," sabi naman ni Archelle.





Napakunot ang noo ko. Kimmy? Iyobg fiancé niya? Bakit naman? Possible bang may kinalaman siya sa mga nangyayari? O kasabwat siya?





"At isa pa, kasama ko si Arthur. Kainis. Hindi pa rin ako komportable kapag kasama siya. Nasasaktan pa rin ako," dagdag ni Archelle.





Hanggang ngayon hindi pa rin sila ayos ni Arthur. Hindi ko alam kung anong nangyari pero tumigil na lang sa paghahabol si Archelle at hindi na niya kinakausap ito.





"Work professionally," paalala ni Heyl. Napabuntong hininga na lang si Archelle.






"P'wede bang k'wentuhan niyo ako? Tungkol sa mga bampira? I mean, tungkol kay King at Master Vhax. Lahat kung paano nagsimula ito," tanong ko. Kung may iba pang nalalaman maliban kay King, sila iyon.





"Hmm... Wala talaga kaming alam masyado tungkol sa nakaraan pero nagsimula ang lahat dahil sa digmaan twenty-five years ago. Karamihan sa amin doon namatay ang mga magulang. Kasama na ang mga magulang ni King. Walang nakakaalam na susugod ang mga Vampire Hunters noong  araw na iyon. Wala rin ang pinuno namin dahil nanganganak si Queen," pagkwe-kwento ni Archelle.




Naalala ko iyong kwinento sa akin ni King. Na pinatay ang mga magulang niya. So, vampire hunters din ang pumatay sa mga magulang niya? Hindi lang siya. Marami ang mga nawala.




Pero Queen? Siya ba ang asawa ni Master Vhax? Bakit wala akong naririnig tungkol sa kaniya?





"Nasaan na si Queen?" tanong ko.





"Ang alam ko. Habang nanganganak siya, biglang nagkaroon nang malakas na pagsabog. Hindi na nakita ang katawan niya."






Nakakapagtaka. Sumabog ang lugar habang nanganganak siya? Patay na ang asawa ni Master Vhax? Pati ang magiging anak nito? Pero sino si Luxrine? Ibig sabihin ba nakaligtas ang anak niya sa pagsabog?





Hindi ko alam kung bakit pero kailangan kong imbestigahan ang nangyari. Gusto kong malaman ang lahat. Parang may nag-uudyok sa akin na alamin ang katotohanan.



RANT


Bumalik ako sa dorm ko para sana mag-empake ng damit. Naeexcite sana ako dahil may adventure na naman pero takte! Bakit sa lahat ng p'wede kong makasama, bakit si Sapphire pa? Eh parang araw-araw pms yun eh! At hindi kami close nun!





Pasipol-sipol ako papasok sa kwarto pero napatigil nang makita ko si Law. Anong problema nito? Nakaupo kasi siya sa sahig at nakayuko. Mukha siyang problemado. May hawak-hawak pa siya sa kamay niya. Para ngang pamilyar pero hindi ko na lang pinansin.




"Uy! Law! Ayos ka lang?" tanong ko sa kaniya. Lumapit ako rito at inuyog ang balikat niya. Baka kung ano na ang nangyari dito.





Vampire AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon