43 | Kaya Ko Ng Wala Ka

1.8K 17 0
                                    

Nainspire sa GGV (Sept. 17)

-

Kaya Ko Ng Wala Ka
By: Caitlin

Sasabihing kaya ko na
Kaya ko na ng wala ka
Kahit nasasaktan na talaga
Tuwing kayo'y nakikita

Hindi sanay ng wala ka
Pero sasabihing kaya ko na
Dahil alam kong wala na
Wala na tayong pagasa

Gigising ng madaling araw
Iisipin ang ako at ikaw
Ngingiti dahil naaalala ang tayo
Kaso biglang luluha dahil naalalang natapos na ang dulo

Una pa lang ay alam kong mawawala ka
Pero ako'y sobrang tanga
Umasa ako sa iyo
Na mananatili ka dito

Umasa ako sa wala
Dahil bigla kang nawala
Kakayanin kahit wala ka na
Oo na lang kahit hindi talaga

Ang tanong na "kaya ko pa ba?"
Ay parang isang problema sa Algebra
Nag dadalawang isip kung anong isasagot
Teka, may isasagot pa ba?

Kaya ko ng wala ka
Kahit di naman talaga
Pipilitin na lang dahil wala ng dahilan
Para di ka pa pakawalan

Kakayanin kahit hindi kaya
Papakawalan kahit mahal na mahal ka
Papalayain kahit gustong kong ika'y dito
Lalayo kahit gustong lumapit sayo


-

︶︿︶ (个_个)

spoken poetry ♡ [1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon