The One With the Sleep Over

Începe de la început
                                    

"No," sabi ni Gabriel. "Your kuya is straighter than your T-square."

Dumating si Kuya at parang nakikinig sa usapan namin. Umupo sa isa pang sofa. Kinuha ang remote at binuksan ang TV. Nilagay sa MYX. Nakinig lang ng mga music videos.

"Bestfriend muna ni Gabriel si Summer bago ko naging girlfriend," sabi ni kuya. "Siya ang naging tulay ko."

"And i have no plans of damaging our trinity," dagdag ni Gabriel.

Hindi pa rin ako nagsasalita.

"At dahil magbestfriends kaming tatlo, alam kong lalaki rin ang gusto ni Gabriel," sabi ni Kuya. "Nakakalungkot nga lang at hindi ako kasama sa mga lalaking type niya."

"Yes, and it's not because of your looks," sabi ni Gabriel. "You know you are gorgeous. Masyado ka lang talagang straight para sa akin."

Kaya pala ako ang gusto ni Gabriel. Ako ang malambot na version ni Kuya.

"Yan naman ang gusto ko sa'yo e," sabi ni Kuya kay Gabriel na naglabas na ng beer sa lata. "Alam mong gwapo ako."

"Of course not" sabi ni Gabriel. "You're not as dapper, until you met us. Syempre, hindi naman kami papayag ni Summer na dugyutin ang makakasama namin sa mga lakad namin."

"Perks of having a gay bestfriend," sabi Kuya at sabay sila uminom ng beer.

Anung nangyayari? Naglalandian ba ang Kuya ko at ang lalaking "nanliligaw" sa akin? Parang may sinusundang tennis ball ang mga mata ko sa pagtingin ko sa kanila.

"Kaya mo na bang uminom?" tanong ni Kuya sa akin.

"I don't think so, bata pa," sabi ni Gabriel. 

Napansin yata niya ang iniisip ko. Lumapit si Gabriel sa akin umakbay. 

"You wanna try?" tanong ni Gabriel.

"Parang mas kilala mo na ang utol ko kesa sa akin, ah," sabi ni Kuya. "Nagkainuman na ba kayo?"

Napangiti lang si Gabriel na hindi ko maintindihan ang ibig sabihin. Tumayo siya at pumunta sa ref. Kumuha ng beer.

"Not really," sabi ni Gabriel. "Ngingiwi pa yan."

Inihagis niya sa akin ang isa pang lata. Sa pagkasalo ko, naalala ko, hindi ito ang unang pagkakataong sumalo ako ng beer. At naalala ko ang unang beses na nakatikim ako ng beer. Napangiwi ako. Sa Antipolo. 

At naalala ko ang taong nakalimutan ko na. Ang lalaking nagdala sa akin sa Antipolo. Hindi ko pa naitatanong kay Gabriel kung siya ba 'yun. Gusto ko pa ba?

"Buksan mo na, parang coke lang yan," sabi ni Kuya. "Para naman maipagmalki  ko na ako ang nagturo sa iyong uminom."

"Nakatikim na ako nito," sabi ko. "Hindi ko gusto ang lasa. May isang lalaking nagpatikim din sa akin noon, sa Antipolo."

"And why were you in Antipolo, umiinom?" tanong ni Kuya. "Sino yan?"

Binuksan ko ang beer. At uminom ako. Hindi ko talaga gusto ang lasa, pero ang pait ay parang tumatamis na hindi ko alam. 

Ganito pala iyun kapag sobrang lamig. Ang sarap. Kaya naman pala maraming nag-iinuman.

"So who is your mystery Antipolo guy?" tanong ni Gabriel na parang may alam.

Hindi ko alam kung iyun talaga ang itsura niya, o iyun lang ang gusto kong isipin. Kasi gusto ko siya na iyun. Nakallimutan ko na ang lalaki sa Antipolo mula nang makilala ko si Gabriel. 

Hindi na ako nakakasulat sa dream journal ko. Wala na akong pakialam. Hindi na ako umasa sa lalaking iyun, dahl nandito na naman si Gabriel totoo, hindi panaginip, nahahawakan ko.

Muling tumabi sa akin si Gabriel. Mula sa kawalan, hindi ko alam kung saan niya hinugot. Hinawakan niya ang kamay ko at biglang nag-open ng issue.

"Albert, nililigawan ko si Alex," sabi ni Gabriel.

"Ha?" caught off guard si Kuya. "Well..."

"Kuya," sabi ko.

Napatingin na lang ako kay Gabriel. Bakit niya ito tinanong? Hindi ba dapat ako ang nagsasabi nito kay Kuya?

Pareho kaming walang nasabi ni Kuya. Hinihintay kong sabihin ni Gabriel na joke lang. Pero may kumatok sa pinto. Muli kong binitawan ang kamay ni Gabriel.

Tumayo si Kuya. Hindi ko maipaliwanag ang expression niya. Pero mukhang hindi naman siya galit. Binuksan niya ang pinto. At ang inaasahan kong galit na reaksyon ni Kuya ay napunta sa akin.

"O, nandito pala si Gabriel at Alex, anak, anong ginagawa mo sa apartment ni Kuya mo?"

Si Daddy. Bakit siya nandito?

"Ginagawa ang bahay nina Tita Veron," sabi ni Kuya. "Dito muna matutulog si Alex. Sinama na niya si Gabriel para mas masaya sana."

"Well, sana hindi ako KJ, dito na lang ako sa sofa matutulog," sagot ni Daddy na dumeretso sa kitchen. 

Kumuha rin ng sarili niyang beer. 

"Pero sali na rin ako sa inuman, kung okay lang," sabi ni Daddy.

Siguro kung tatanda kami ni Kuya, si Daddy ang magiging itsura namin. Pero maputi si Daddy at si Kuya, siguro dahil maputi ang asawa ni Daddy. Samantalang si Mama, kayumanggi.

"Kumusta ka naman, Alex?" tanong ni Daddy sa akin na nakatayo pa rin sa kusina.

Mabuti na lang at nakatalikod ng sofa namin sa kanya. Ayoko kasi siyang makita. Ayoko rin siyang kausapin. 

Hindi na lang ako umimik. Ininom kong tuluy-tuloy ang beer. Pagkaubos, tumayo ako, kinuha ang bag ko, T-square at canister. Lumabas ako ng bahay ni kuya.

Sumunod si Gabriel sa akin. Malapit na kami sa elevator nang humabol si Kuya.

"Pasensya ka na Alex," sabi ni Kuya. "Hindi ko naman alam na darating si Daddy."

"Sorry din," sabi ko. "Pwede naman akong mag-stay. Pero hindi ko yata kaya."

"Saan ka na niyan?" tanong ni Kuya.

"He can stay in my place," sabi ni Gabriel.

Nagulat ako. Napatingin ako kay Gabriel.

Lumapit si Kuya kay Gabriel. Oo nga pala, bago ang drama with daddy, ay hiningi ni Gabriel ang kamay ko sa kuya ko.

Yumakap si Kuya kay Gabriel.

"Ingatan mo ang kapatid ko, ha" sabi ni kuya. "Mahal na mahal ko 'yan."

Bumitiw si Kuya kay Gabriel at yumakap naman sa akin. Mahigpit.

"Malaki ka na," sabi ni Kuya sa akin. "Alam mo na ang mga desisyon mo. Alamin mo kung sino ka at ang mga gusto mo. Huwag kang pabigla-bigla."

"Thanks kuya," sabi ko. Humigpit din ang yakap ko.

"Nandito lang ako palagi," sabi ni kuya. "Mahal na mahal kita. Tandaan mo palagi. Pwede mo akong takbuhan, nandyan man si daddy o wala."

"Is someone going abroad?" tanong ni Gabriel.

Bumitaw si Kuya at ngumiti. "Basag trip ka naman e."

Hinalikan ako ni kuya sa pisngi at yumakap ulit. "Basta ha, malaki ka na."

At ginulo ni kuya ang buhok ko.

"Thanks kuya, mahal din kita," sabi ko.

Dumating ang elevator, bumukas at sumakay kami ni Gabriel.

Hinawakan ko ang kamay ni Gabriel. Mahigpit. Mahigpit na mahigpit.

Ting. Fifth Floor Going Down. Door Closing.


-----

Follow me on IG: JustAlbertLang

Oh Boy, I Love You is now a published book

Available at Precious Pages, National Bookstore, Pandayan and other local bookstore.

You can also buy it online, at preciouspagesebookstore.com.ph or www.preciousshop.com.ph

Oh Boy! I Love You!Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum