Chapter 56: Runaway

57 5 2
                                    

shameless promotion mga mamsh! check out my stories: Liptint (chanwoo x kwon mina fic) and Breathe (lee hi x taehyung fic).
-

"What?"

Inalis ko ang tingin ko sa computer at kunot-noong tumingin kay Haneul.

"Why didn't they tell me about this?" Tinuro ko sa kaniya ang computer screen ko na nagpapakita ng isang article na hindi ko nagustuhan.

"Jang, chill. It's just for--"

"Kahit ano pa man 'yan, kinonsulta muna dapat ako ni uncle!"

Haneul didn't say anything, he just clenched his jaw. Ako naman ay binasang muli ang article at napahilamos nalang ng kamay sa mukha ko. Tumayo ako mula sa pagkakaupo. Pupuntahan ko si uncle at kakausapin ko siya.

"Saan ka pupunta?" he asked.

"Saan pa ba?"

"Jang!"

Lumabas ako ng office ko at nagmadali akong pumunta sa elevator. May sinabi sa akin ang secretary ko pero hindi ko na siya napakinggan. I'm too preoccupied. Naiinis ako dahil gumawa sina uncle ng desisyon na hindi man lamang kumukonsulta sa akin. Involved ako! Dapat man lang hiningi nila ang opinyon ko.

"Is Mr. Yang here?" I asked his co-secretary.

"Yes, director. Pero may kameeting po--"

Hindi ko na siya pinatapos sa pagsasalita niya at dumiretso agad sa loob. Naabutan ko si uncle na may kausap na lalaki. Pareho silang napatingin sa akin nang pumasok ako. Papers were scattered on the table na hindi ko alam kung para saan. Tumingin ako kay uncle and he raised his brows at me.

"What brings you here, Jang?" he asked. Tumingin muna ako sa lalaki at sunod kay uncle bago nagsalita.

"Can we talk?"

Nagkatinginan ang lalaki at si uncle. Tumango si uncle sa kaniya at niligpit na niya ang mga papel na nasa lamesa.

"Let's talk about this later." Nagbow sa kaniya ang lalaki at umalis na ito sa office. Nang tuluyan na itong nakaalis ay nagsimula na akong magsalita.

"Anong ibig sabihin ng statement na binigay niyo sa media?" Bahagyang ngumiti sa akin si uncle. Mukhang alam na niya kung anong ibig kong sabihin. "Naglabas kayo ng statement na totoong dating si Hanbin at Lee Hi? Nakakakilig naman." I said in my sarcastic tone.

Uncle laid on his back at tumingin sa akin. I couldn't believe what I just read. Naglabas lang naman sila ng official statement about sa dating rumor ni Hanbin at Lee Hi, saying it was true and they've been dating for months. As the Executive Director, and his girlfriend, may karapatan ako na malaman ang tungkol sa plano nilang 'to. Pero, wala! Wala silang sinabi sa akin ni komunsulta man kung papayag ako. Just great, right? I'm being bypassed. I feel like I'm being betrayed.

"Jang, maupo ka at kumalma ka muna. Let me explain . . . things." Tinuro niya ang upuan na malapit sa kaniya at umupo ako doon. I crossed my arms and waited for him to speak. "Napagdesisyunan naming gamitin iyon for publicity," I scoffed. Really? "Maganda ang naging feedback ng tao sa naging issue at makakatulong ang pagiging in a relationship nila sa mga career nila."

Ngumisi ako. "Hindi niyo man lang niconsider ang feelings ko? Uncle, you know that Hanbin is my boyfriend. Ano nalang ba ako rito?" Alam ko naman kung anong kalakaran ng mga companies about pulling off publicity stunts. Yes, it will benefit both parties. Pero, hindi ba maganda kung nagsabi muna sila sa akin para hindi naman ako mukhang tanga na walang alam? At saka, girlfriend ako. Grabe naman sila!

"Kaya nga hindi namin sinabi sa'yo--"

"Oh, please."

"--ganito ka magrereact. At para sabihin ko sayo, Jang, you're the Executive Director of this company at artist lang siya ng kumpanya natin. Ginawa rin namin iyon para sayo. Malaking issue kung malalaman ng mga tao na kayo ang may relasyon na dalawa. How do you think people will react? Sa tingin mo matatanggap nila agad iyon? Ano nalang sasabihin ng mga investors and shareholders natin? Think about it, Jang."

One Word is Enough | iKON | ON-HOLD SORRY!Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang