Chapter 14: Confession

404 34 19
                                    

"Pakitulungan nalang ang mga stylist sa pagaayos ng damit ng iKON," ani ng manager nila.

"Opo."

Nandito kami sa isang abandonadong building na medyo pinaganda para sa photoshoot nila. Grunge-ish boy next door style ang theme ng photoshoot kaya nae-excite ako.

Sa isang kwarto, may isang sofa tapos with matching dimmed lights na nagmumula sa parang christmas lights na bulb. Tapos may mga vandal sa walls, and ragged blankets. Cool. Ang Tumblr much.

Papasok na sana ako sa loob ng kwarto pero napahinto ako kasi biglang sumigaw si Chanwoo.

"Hindi mo kasi ako naiintindihan, e!" Aniya. Sino naman kausap nito?

Dinikit ko pa lalo ang tenga ko sa pinto. Eavesdropper ever.

"Hindi nga kasi pwede ang gusto mo!" I slightly gasped. It was Yunhyeong. Syems, nagaaway sila?

"At bakit naman hindi pwede? Kasi gusto mo din siya?" Kumunot ang noo ko. Oh, my gosh. Sino'ng tinutukoy nila?! Sino'ng pinagaawayan nila?

Hindi sumagot si Yunhyeong. Natahimik ang paligid ng ilang segundo bago may nagsalita ulit.

"Oo... gusto ko siya," marahan niyang saad. Pusang gala.

Chanwoo exasperatedly laughed. Teka, pareho sila ng taong gusto? Masiyadong seryoso ang pinaguusapan nila at hindi ko na nagugustuhan ang tono ni Chanwoo sa hyung niya. Kung gano'n nga ang nangyayari-mukhang seryoso na nga ang pinagaawayan nila.

Binuksan ko muna ng bahagya ang pinto. Nakatalikod si Chanwoo sa pinto kaya si Yunhyeong lang ang nakikita ko. Seryoso ang mga mata ni Yunhyeong na nakatingin kay Chanwoo. Hindi ko alam kung ano'ng itsura ni Chanwoo. Posibleng kalma, posibleng iritado base sa sitwasyon nila.

Pero nagulat na ako sa susunod na nangyari.

"Chanwoo..." lumuhod si Yunhyeong sa harap niya at unti-unting may namuong luha sa kaniyang mga mata. "Iyon lang ang hinihingi ko. Siya lang. Nagmamakaawa ako."

Napalipad ang kamay ko papunta sa bibig ko. Nagpipigil ng malakas na gasp. This freaking thing is real.

"Hindi. Ako ang nauna. Tumayo ka diyan, masiyado ka ng nakakaawa."

Tumingin ng masama si Yunhyeong kay Chanwoo at ng alam ko na ang susunod na mangyayari, hindi na ako nagdalawang isip na pumasok para pigilan sila.

"Yun-"

"Cut!"

Napatingin ako sa sumigaw at nakita si Bobby sa may gilid na pumapalakpak. Bumalik ang tingin ko kina Yunhyeong na ngayon ay magkayakap na. Putek, ano'ng...

"Uy, Jang!" Lumapit sa akin si Bobby at inakbayan ako.

"A-Ano'ng ginagawa niyo?" Naguguluhan kong tanong.

"Ah, wala," ani Yunhyeong at nagpunas ng luha niya.

"Ano'ng wala?" Tinanggal ko ang pagkakaakbay sa akin ni Bobby at lumapit kina Chanwoo. "Narinig ko kayong nagaaway kanina. Ano'ng wala?"

Nangiti lang silang dalawa.

"Palagi nalang kasi kanta at sayaw ang ginagawa namin, noona. Tinignan lang namin kung kaya pa namin umarte." Chanwoo

"Tyaka, ya know, theatre arts student naman talaga ako. Nakakahiya naman kung nakalimutan kong umarte. Nadala ka siguro sa away namin, no?" Nangaasar na tinuro niya ako. Putek. Nakakaasar.

"Hindi, no. May narinig lang ako nagsisigawan kaya pumasok ako." I cooly said. Badtrip kayo.

"Sayang. Na-amaze ka sana samin!" Ani Bobby at nag-apir silang dalawa.

One Word is Enough | iKON | ON-HOLD SORRY!Where stories live. Discover now