Chapter 32: Starting Again

241 23 11
                                    

Umalis na ulit ang iKON upang pumunta sa Hong Kong kaya naiwan na naman ako. Back to reality. I'll start again kung saan ako huminto. Balik na naman ako sa ginagawa ko. I was waiting for that jerk's call. Sabi niya tatawagan niya ako from time-to-time pero hindi naman niya ginawa. Drawing, ha?

Nang dahil sa nalaman ko kay June, ako na mismo ang pupunta sa SBS upang alamin ang nangyari. Kakausapin ko 'yong CEO. Heh. Ang lakas naman ng loob ko. Kahit siguro magtanong-tanong ako. O kaya naman magpa-set ako ng sched? Pero mukhang hindi magiging madali. Sino ba ako para mag-set ng meeting with their CEO? Hamak na Personal Assistant lang naman ang trabaho ko.

Kanina ko pa gustong makaalis dito sa building namin, kaso may pumipigil sa akin. At kanina pa ako naiirita.

Kanina pa ako lakad-ng-lakad at kanina pa rin ako sinusundan ni Haneul.

"What?!" Humarap na ako sa kaniya at pinanlakihan siya ng mata. Naiirita na ako! "Bakit mo ba ako sinusundan?"

"Where are you going?" Seryoso niyang tanong.

"Wala!" Tumalikod muli ako at nagmadaling naglakad pero madali niya akong naabutan at nahawakan sa braso. "Haneul naman, eh!"

"Hindi mo na ako tinatawag na kuya."

Kumunot ang noo ko.

"Iyan lang ba ang problema mo? Tss. Then fine. Kuya Haneul," pinakurap-kurap ko ang aking mata at pina-sweet ang aking boses. "Leave me alone." Then bitch mode on.

But the hell he just grimaced at me.

"If wala ka namang gagawin, c'mon, let's have a cousin-date."

Hinila niya ang aking braso at kinaladkad ako papuntang parking lot ng building. Wala naman akong nagawa kundi ang magpaakay. Hindi ko na kasi nagawang pigilan siya dahil sa bilis ng pangyayari. Pero nang mahuli ko ang postura ko, agad-agad kong hinablot ang braso ko at lumayo ng ilang metro sa kaniya.

"You should really stop from dragging me out of the blue. Hindi ako pig na kinakaladkad para mahuli!"

"But you're a pig."

Halos malaglag ang panga ko sa sinabi niya! Me? A pig?! No one dares to call me that!

"Yah!"

Balak ko na sana siyang batuhin ng sapatos ko pero nagpigil lang ako. He's older than me parin naman.

"Pasalamat ka na mas matanda ka sakin kung hindi. . ." umirap ako.

"I just want to take you out. Ano bang masama do'n?"

Isinuot ko ang aking sapatos at saka tumingin sa kaniya. Hindi ko parin nakakalimutan kung bakit ako gan'to sa kaniya.

"Stop acting that we're okay. Ikaw ang may kasalanan," sabi ko. Maybe hindi ko dapat sinabi 'yon. But the hell I care.

"What do you mean na kasalanan ko? What did I do na naman ba?"

Humalukipkip ako at kunot-noong tinignan siya.

"About last time," sumeryoso na ang ekspresyon ko dahil seryoso nang usapan ito. "Those drugs na nakita ko sa cabinet mo. Stop taking those."

Bumagsak ang kaniyang mga balikat at may kung ano sa kaniyang mga mata na hindi ko mabasa.

"Dahil lang ba do'n?"

I scoffed. "Lang? Wow, Haneul."

Umigting ang kaniyang bagang. He let out a sigh and grinned at me after. That grin. That sheepish grin that I hated the most.

"You're overreacting, Jang. Sobra."

Napanganga ako dahil sa sinabi niya. Do I look like I'm overreacting here? Really?

One Word is Enough | iKON | ON-HOLD SORRY!Where stories live. Discover now