Chapter 2: Bad Bloods

549 45 5
                                    

Ginising ako ng walanghiya kong alarm clock. Kung dati ay kahit alas-dyis na ako nagigising, e, okay lang. Pero ngayon hindi na pwede. This is a real job. Baka di ako suwelduhan ni Uncle di bale susumbong ko siya sa DOLE.

"Goodmorning," bati ko pagkapasok ko sa dorm nila. "Bakit amoy kape?"

Tumingin ako sa paligid at nakita kong nakaupo si Hanbin sa sofa habang nanunuod ng tv. Hindi niya ako pinansin. Hay, nagsisi talaga ako nung sinabi ko yun sa kaniya. Tanga mo naman kasi, Jang! Sinuportahan mo nga sila simula pa nung WIN diba? Actually, hindi lang WIN. Oo, inaamin ko na! Simula nung naging trainee si Hanbin sa Yg kilala ko na siya! Manghang-mangha sa kaniya si Uncle. Kahit ako... manghang-mangha sa talent at pagpupursigi niya sa pangarap niya.

Una ko siyang nakita noon nung nakasuot siya na Indian boy. Napa-WOW nalang ako nung nagfreestyle siya. As in W-O-W. Simula no'n palagi na ako sumasama kay Uncle sa Yg. Minsan iniiyakan ko pa siya. Pero kahit gaanong katagal ko na siyang nakikita at pinapanuod... sa pangalang B.I. ko lang pala siya kilala, sa pagiging isang mahusay na rapper, composer, producer at sa pagiging isang mahusay na leader na gusto ng lahat, pero hindi ko pa pala siya kilala bilang si Kim Hanbin.

"Hanb---" naputol ang pag-approach ko sana sa kaniya ng tumunog ang pinto at pumasok si Bobby at Jinhwan na may mga dalang groceries.

"Nandito na kami--- Bakit amoy kape?" tanong niya. Hindi ko nalang siya pinansin kasi hindi ko rin naman alam ang sagot. Bumaling ang tingin ko kay Hanbin na nakatingin din sa akin pero bigla niya akong inirapan.

Kumunot ang noo ko, "Tss, pusong bato. Hindi na nga ako magsosorry sayo." bulong ko at pumunta nalang sa mga grocery nina Jinhwan. Hay nako, Jang! Sa tingin mo kakausapin ka niya? Sa tingin mo papansinin ka niya? Huh! Bato nalang siguro ang taong magbabalak na kausapin yang cold hearted lion na yan. Ni hindi ko pa nga siya nakikitang ngumingiti , e. Hmm, kung sabagay tatlong araw palang naman ako dito. Masiyado yata akong feeling.

"Goodmorning," bati ko kay Jinhwan. Ngumiti siya sa akin. Naramdaman ko na namula ako. Mas nakakakilig pala ang eye smile niya sa personal. Tapos ang cute niya pa. Oh, my gosh. Hindi ko alam kung matutuwa ako sa offer na 'to ni Uncle o hindi. Pwedeng mamatay nalang?

"Binili na namin yung lahat ng kakailanganin mo sa pagluluto." aniya

"Salamat. Pero kaya ko naman 'to. Anupa't naging maid niyo ako?" nagkaroon ng unting katahimikan sa aming dalawa ni Jinhwan. Kahit ngayon lang kami nagkausap nagtataka parin ako kung bakit ang gaan ng feeling ko sa kaniya. Siguro dahil friendly siya? O dahil matagal ko silang kilala? Pero hindi naman kami close. Ni hindi nga siguro nila alam na nag-e-exist ako sa mundo.

"Paano ka nakilala ni Mr. Yang?" Tanong niya sa akin.

"Ha? A-ah.." hindi ko alam kung sasabihin ko ba sa kaniya na pamangkin ako ni Yang Hyun Suck o manatili nalang na nakatikom ang bibig ko. I know Uncle's mind. At pipiliin kong manahimik nalang. Magkadugo nga kami diba?

So I tried to think of an alibi, "Naging yay---" but goodness gracious. Someone called me kaya ligtas ako kay Jinhwan.

Grimreaper calling...

"Yes, this is Yg Entertainment. How may I help you?" natatawa kong sagot.

"Tumigil ka diyan." Ngumuso ako sa sagot niya.

"Dito na nga lang hahadlangan mo pa ako. Bakit kasi hindi na lang ako maging producer o kaya bigyan mo ako ng trabaho diyan sa kumpaniya mo. Psh," I rolled my eyes. Brat na kung brat. Mana-manahan lang 'to.

"Pag-nag college ka na..." aniya

"Jeongmalyo???" excited kong tanong.

"Bakit? Magcocollege ka ba?" Tumawa pa ang gurang sa kabilang linya. Minsan iniisip ko kung bakit ba kami magkamag-anak? Pero biyaya narin siya sa akin dahil kinupkop niya ako.

One Word is Enough | iKON | ON-HOLD SORRY!Место, где живут истории. Откройте их для себя