Chapter 2.5: Meatballs

424 47 8
                                    

Nasa practice room lang ang mga baliw na walang magawa kapag wala ang leader nila. Si Hanbin lang kasi ang lakas nila. Kung wala si Kim Hanbin hindi nila alam kung nandito pa sila ngayon. Siguro simula WIN ay sumuko na sila.

"Hyung, ano'ng gagawin natin?" tanong ni Chanwoo kay Jinhwan na nagiisip ng pwedeng concept sa kanta nila.

"Teka, nagiisip ako." Aniya. "Nasaan ba si Bobby?" Tanong niya sa mga kasama pero nag-shrug lang ang mga ito. Nung nawala si Hanbin ay nawala narin si Bobby.

"Baka namakla?" humagalpak ng tawa si Junhoe at Donghyuk sa kalokohan nila.

"Tumigil nga kayo sa pamamakla na yan! Bawal yun, ah!" sigaw ni Jinhwan kaya natahimik naman ang dalawa.

"Malay ba naten," humagalpak na naman sila ng tawa. Umiling nalang si Jinhwan sa kanila. Wala na talaga silang pagasa. 

"Nasaan si Yoyoyo?" tanung ni Chanwoo. Lahat sila ay napatingin sa paligid pero ni anino ni Yunhyeong ay wala.

"Siraulo, ninja moves ang tipaklong!" singhal ni Junhoe.

"Kanina naglalagay lang yun ng lipbalm diyan ah?" ani Donghyuk. Una si Hanbin tapos si Bobby, ngayon naman ay si Yunhyeong ang nawawala.

"Guys!" Napatingin silang lahat sa hingal na hingal na si Bobby na pumasok sa practice room. Kala mo ay hinabol ng sampung kabayo sa sobrang hingal.

"Napagod mamakla, Hyung?" Sino pa bang nagtanong.

"Uy, siraulo ano yun, ikaw?" Huminga ulit siya ng malalim.

"Saan ka ba kasi galing?" Tanong ni Jinhwan. Humiga si Bobby sa lap niya habang nagpupunas ng pawis.

"May chika ako." bulong niya. Nung sinabi niya yun ay automatic na nabuhay ang mga natutulog nilang diwa at nagkumpol-kumpulan para sa chismis ni Bobby.

"Nakita ko si Hanbin at Jang kanina!" lahat sila ay napa-gasp sa kanilang narinig.

"Oh, tapos anong nangyari?"

"Ay jusko po!" Napahawak si Bobby sa dibdib niya dahil sa gulat. "Huwag ka naman manggulat!" sigaw niya kay Yunhyeong na ngayon ay nasa tabi na niya. Kapag practice nawawala kapag chismis always present.

"Ninja moves talaga 'to! Pano ka napunta diyan?" Tanong ni Junhoe.

"Oo nga, Hyung. Pano ka lumipad?" Chanwoo.

"Pumasok ako habang nagsisiksikan kayo." Aniya. "Oh, dali Bobby, tuloy mo na." At doon ay nagsimula ulit silang magdikit dikit na akala mo ay giniginaw.

"Nung nakita ko si Hanbin at Jang... binubuhat niya si Jang! Pabride style pa!" Napa-gasp ulit ang lahat sa narinig kay Bobby.

"Agad agad? Iba na talaga si, Hyung!" Ani Donghyuk.

"Tinde. 3 days palang si Jang naka-moves na agad si Hyung?" Junhoe

"Grabe. Santong paspasan na talaga!" Sigaw ni Yunhyeong.

"Teka, diba dapat santong dasalan muna?" Sabi ni Bobby

"Ano yung santong paspasan?" Tanong ni Chanwoo pero walang pumapansin sa kaniya.

"Oo nga no?" 

"Ano yung santong dasalan? Pansinin niyo naman ako!"

"Bata ka pa!" Sigaw nilang lahat kaya napakamot nalang si Chanwoo.

"Teka, teka!" Pigil ni Jinhwan. "Totoo ba yan? Baka naman bluff na naman yan. Saan mo ba yan nakuha?" Dagdag niya.

"Sa tabi tabi. Bakit?" Umiling silang lahat. Wala na talagang pag-asa tong si Bobby. 

"Oh, dali tuloy na!" 

"Oo nga!"

"Oo na ito na!" Umayos ulit sila ng pwesto nila. "Susundan ko dapat sila kaso natanggal sa sintas yung sapatos ko. Pagtingin ko wala na sila." Nadismaya silang lahat sa sinabi ni Bobby.

"Nu ba yan, tsk." Donghyuk

"Daig mo pa yung mga cliffhanger na author diyan sa tabi tabi!" Utas ni Junhoe.

"Pero teka lang kasi! May narinig ako dun sa staff kaya sinundan ko sila sa cafeteria." Siyempre nagdikit dikit ulit sila. Basta chismis maaasahan mo si Bobby.

"Nagaaway yata si Hanbin at Jang. Tapos iyun..." pabitin niya.

"Ano?" Jinhwan

"Pabitin naman tong siraulo na 'to ay!" Sigaw ni Junhoe.

"Siraulo 'to! Maka-siraulo ka sakin, ah!" Amba ni Bobby at nagpatuloy na sa kuwento. "Tapos may narinig akong... Meatballs." Lahat sila ay napa-gasp ulit. Si Donghyuk naman ay masuka suka. Di naman makapaniwala si Junhoe sa narinig niya.

"Grabe! May dakutan na agad na nangyari?!" Junhoe

"Hindi man lang nagpakipot si Hyung?" Donghyuk.

"Hanep, iba na talaga si Hanbin."

"Teka lang---" hindi makasingit si Bobby sa bangayan ng lima.

"Baka naman hindi 'yon totoo!" Tanggol ni Jinhwan.

"Naku si Hyung pa, e, sabik sa babae yun."

"Grab---"

"Teka lang!" Sa wakas ay naputol ni Bobby ang bugso ng damdamin ng mga kagrupo niya. Kagulat-gulat naman kasi yung chismis niya. "Patapusin niyo kasi ako! Hindi naman meatballs na ano! Yung meatballs talaga!" Nagkamot siya ng ulo. "Bobo naman ng mga 'to!"

"Huh?" Nagtatakang tanong nila.

"Ang ibig kong sabihin meatballs! Meatballs na yung pinagusapan ng staff. Tiyaka nagutom narin ako kaya kumuha ako ng meatballs kay Ahjumma." At dahil dun ay nakatanggap ng malutong-lutong na batok si Bobby kay Jinhwan.

"Wala ka talagang kwenta. Kain ka nalang ng lupa." 

"Ba't ba nakikinig pa ako sayo?" Junhoe

"Kaya pala ang baho ng hininga mo." Yunhyeong

Akala siguro nila ay yung ano na ni Hanbin ang na-ano ni Jang. Bumalik na sila sa kani-kaniyang puwesto dahil wala rin naman silang napala sa pakikinig kay Bobby.

"Uy, teka! Gusto ko ng meatballs!" Gulat na napatingin silang lahat kay Chanwoo na may halong pandidiri. Yung akala mo ay hindi siya naligo ng sampung taon.

"Bata ka pa!" Sigaw nilang lahat. Nagtaka na naman si Chanwoo.

"Huh? E paborito ko yon, e!" Hindi nalang nila pinansin si Chanwoo dahil sa pandidiri nila. Kawawang bata. Walang alam sa mundo.

One Word is Enough | iKON | ON-HOLD SORRY!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon