Chapter 4.5: Hug Me

415 38 2
                                    

Lasing na ang Bigbang at walang tigil naman sa kakakanta ng We Like To Party ang mga gunggong. Hindi na sila tumikhim ng alak dahil mga bata pa naman ang iba at kahit puwede ng uminom ang ilan sa kanila ay ayaw din naman nilang malasing.

Tinignan nalang ni Hanbin si Jang na nakangangang natutulog na sa may sofa. Matama niya lang itong pinapanuod. Nagulat siguro siya sa inasta ni Jang kanina. Sino ba naman kasing magaakala na marunong siyang uminom at higit sa lahat ay marunong rin pala siyang kumanta? Hindi mapagkakailang ang buong iKON ay napanganga sa napaka lamig na boses ni Jang.

Tumingin muna si Hanbin sa mga kagrupo bago siya lumapit sa natutulog na si Jang. Ayaw niya kasing makita siya ng mga ito at baka tuksuhin lang siya. Kinuha niya ang basong nasa kamay nito at nilagay ang bag sa may lap niya dahil masiyadong maiksi ang skirt na suot.

"Ano ba Hanla sasapakin kita!" Sigaw ni Jang na ikinagulat ni Hanbin dahil muntik pa siyang mahampas ng kamay niya.

"Tindi ng babaeng 'to. Nagawa mo pang magsalita?" Aniya kay Jang.

"Uwi na... Hmm." Ingit muli nito at akma pang magpapakarga kay Hanbin. Aba, ayos 'to, ah. Iniisip ni Hanbin kung ihahatid na ba niya pauwi ito dahil malalim na ang gabi o hayaan na niya lang ang mga body guard ang kumuha?

"Aish! Bakit ba pinoproblema kita, ha?" Sumandal siya at tumingin sa mga kagrupo na nagsasaya ngunit hindi niya talaga maalis ang buong atensiyon niya sa natutulog na dalaga. "Kapag pinepeste ka nga naman ng konsensiya mo, o." Nagdalawang isip muna siya bago niya tuluyang inalalayan si Jang sa pagangkas sa likod niya. Buti nalang ay masiyadong busy ang mga tao sa paligid at hindi napansin ang ginawa niya. Nasa may bandang likod kasi sila at nasa harapan ang mga kumakanta kaya maaari niyang mapuslit ito.

"Hanbin, saan kayo pupunta?" Napatingin siya sa nagsalitang si Jinhwan na nakatingin sa buhat niyang si Jang.

"Iuuwi ko na siya. Ang gara kasi tignan puro lalaki tayo dito at nagiisang babae lang siya. Tiyaka, gusto niya na rin daw umuwi." Tumango si Jinhwan. Hindi parin naaalis ang tingin sa dalaga.

"Gusto mong samahan kita?" Tanong nito na inilingan ni Hanbin.

"Hindi na, Hyung," inayos niya ang pagbuhat kay Jang. Halatang nahihirapan siya. "Kaya ko na 'to." Hindi na niya hinintay na sumagot si Jinhwan at dinala na niya ito palabas ng Noraebang. Naglagay siya ng mask para hindi makilala at suot ang hood niya.

"Hoy, sumakay ka na nga sa van." Ani Hanbin pero ayaw bumitaw ni Jang sa pagkakakapit. Umiling pa ito.

"Aba, putspa! Ano ba gusto mo?" Humigpit lang ang yakap ni Jang sa leeg nito. Lumapit naman ang mga guard sa kaniya.

"Kami na po bahala sa kaniya." Ani ng mga ito. Nagisip muna si Hanbin pero tinanggihan niya rin dahil feeling niya ay hindi pa okay si Jang. 'Yong kailangan pang maglabas ng sama ng loob?

"Ako na bahala maglalakad lakad lang kami."

"Sigurado po kayo?" Tumango si Hanbin kaya hinayaan nalang siya ng mga ito.

Naglakad lang siya habang dala dala niya si Jang.

"Bakit ba ang lakas ng loob mong uminom tapos hindi mo naman pala kaya?" tanong niya kahit alam niyang walang sasagot sa kaniya.

"Tsk, at bakit ba kita binubuhat, e, hindi naman tayo close?" Suminghap siya. "Hay, nako! Di ko rin alam kung bakit naaawa ako sayo. Ano bang nangyari sa Mama mo? Mag nangyari ba sa kaniya? Masiyadong maemosiyon 'yong pagkanta mo sa Eomma. Jang," huminto siya sa pagsasalita dahil umingit ang dalaga.

"Aish! Bakit ba kita binubuhat!?" Nang makakita ng isang bench ay pinuwesto niya dito ang dalaga na bahagyang nakadilat ang mata.

"Uy, B.I.!" Sigaw ni Jang na ikinagulat ni Hanbin kaya tinakpan nito ang bibig niya.

"Siraulo huwag ka maingay baka may nakarinig!" Bulong nito at tumingin sa paligid. Tumawa naman si Jang.

"Siraulo ka din. Bakit mo ko kinidnap!" Aniya at akmang manununtok.

"Baliw," aniya. "Hindi kita kinidnap." Pumikit ulit si Jang at bumuntong hininga si Hanbin. Mukha ngang walang pakialam sa mundo si Hanbin pero hindi... Gusto niyang mapalubag ang loob ni Jang. Gusto niyang mawala ang sakit na nararamdaman nito. Gusto niyang malaman lahat ng pinagdadaanan nito kung meron man. Dahil ito ang trabaho niya bilang leader. Ayaw niyang may namumrublema sa mga tao sa paligid niya. Palagi niyang sinasalo lahat. Iyan si B.I.

"Sorry, ha?" Ani Hanbin. "Nagandahan kasi ako sa drawing kaya tinignan ko. Di ko alam na iyo pala 'yon."

"Wala... Ako nga dapat ang magsorry, e. Sorry kung sinigawan kita." Sabi ni Jang. Halatang wala sa kaniyang sarili.

"May problema ka ba?" Umiling si Jang. Tinignan lang siya ni Hanbin sa mata dahil ramdam niyang meron. At mga ilang sandali ay hindi na napigilan ni Jang ang pagpigil sa kaniyang mga luha kaya tuluyan na itong bumagsak.

"Sige lang."

"Kasi naman, e!" Hagulgol nito. "Bakit ba ako iniwan nina Mama at Papa! Ang bata ko pa nun, e! D-Dapat nandiyan sila n'ong graduation ko! Dapat sila nagsabit ng medals ko!" Tuloy lang siya sa pagiyak. Tuloy lang sa pagrant si Jang ng mga hinaing niya. Masiyado niyang dinidibdib ang pagkawala ng mga magulang niya. Sino bang hindi?

Si Hanbin naman ay tinapik ang kaniyang likod. Hindi niya alam ang sasabihin niya pero alam niyang kahit presensiya niya lang ay okay na. Gusto man niyang malaman kung ano'ng nangyari ay hinayaan niya nalang.

"Tama ba 'yon, ha!?" Sigaw nito habang tinuturo ang bato sa may lupa.

"Walang kasalanan ang bato, Jang." Ani Hanbin at binaba ang kamay niya. Bahagyang kumalma si Jang at nahimasmasan.

"Pag ako nagcollege gagalingan ko!" Ngumiti siya. Tinapik ni Hanbin ang ulo niya.

"Tama 'yan. For sure magiging masaya sila." Tinitigan siya ni Jang matapos ang ilang segundong katahimikan. Hindi naman naging kumportable si Hanbin dito kaya iniwas niya ang tingin pero hinawakan ni Jang ang mukha niya upang magtama ulit ang paningin nila.

"Bakit ka biglang bumait?" Tanong ni Jang. Mapungay ang mata nitong tumingin kay Hanbin.

"A-Ah... W-Wala! Doon ka nga." Hinawi niya ang kamay nito kay napasandal ito. Uminit ang mukha na Hanbin na kaniyang tinakpan ng mask. Hindi niya akalain ang ginawang 'yon ni Jang. Ninja moves.

"Thank you," bulong nito saka naghikab. Napatingin naman si Hanbin. "Lamig... Yakap," tinitigan lang siya ni Hanbin habang nakahanda sa pagyakap ang mga braso niya. Pero imbes na yakapin ay pinasan niya nalang ulit ito at kinabitan ng earphone at nagpatugtog ng Anajwo.

"Tara na. Uuwi na tayo." Ngumisi siya at naglakad ng muli papunta sa sasakyan nila.

One Word is Enough | iKON | ON-HOLD SORRY!Where stories live. Discover now