Chapter 26: Happy Pills 2.0

327 33 4
                                    

Akala namin mamamatay na si papa June niyo. Buti nalang matibay ang bungo niya.

"June! Waah!" Bobby slumped on the bed, shaking Koo June.

"Huy, siraulo huwag mo alogin." Bulong ko sa kaniya. Pero patuloy parin siya sa pag-alog.

"Bakit mo kami iniwan? Ahuhuhu!" Pinipigilan ko siya pero ayaw magpapigil ng abnormal. Naupo nalang ako sa upuan.

Buti naman at walang seryosong injury ang nangyari. Dinala namin agad siya sa ospital nang hindi namin siya magising. Ayon sa mga x-rays at CT-scan na naganap, wala namang dapat na ika-bahala. Wala namang daw internal bleeding at damage. Hindi man physically damaged pero alam ko mentally meron. Binigyan nalang siya ng gamot kaya nakatulog siya.

Pero ang kulit-kulit ni Bobby. Hindi ko alam kung ano'ng problema ng isang 'to.

"Okay ka lang?" Lumapit sa akin si Jinhwan at inabutan ako ng tubig. Inaamin ko, halos hindi ako nakahinga kanina sa sobrang pagaalala sa kaniya. Lagot na naman siguro ako. Pero ayoko naman talaga na mapahamak sila.

Tumango ako sa kaniya at kinuha ang inaalok niya. "Nag-aalala parin ako."

Umupo siya sa aking tabi. "Wala namang may gusto no'n. Atleast, okay naman siya. Nauntog lang."

Kumunot ang aking noo. "Lang? Ang risky ng nangyari, Jinan. Paano kung natuluyan 'yan? Edi nalagasan kayo agad ng isang miyembro? O kaya naman, ma-coma siya? You don't know danger." Bigla ko'ng naalala si Danger. "Sobrang laki ng mawawala sa inyo kapag nangyari iyon. And believe me, sisisihin ko ang sarili ko."

Eh kasi naman kasi. Responsibilidad ko siya. Ako ang bantay. . . Nagmumukha man silang bata na may yaya pero gano'n talaga.

"Hindi mo naman kasalanan. Walang may kasalanan, okay? Aksidente lang ang lahat."

Hindi ko alam kung yayakapin niya ba ako or what, pero awtomatiko ako'ng napatayo. Bigla nalang naging awkward.

"Nasaan si Jessa?" Tanong ko sa kanila. Tinaasan ako ng balikat ni Donghyuk, kumunot ang noo ni Yunhyeong, tapos nag 'sino 'yon?' naman si Bobby. Inirapan ko silang lahat.

"Nasa labas yata siya." Si Hanbin lamang ang sumagot habang kalmadong nakapikit ang mata. Ano naman kaya ang iniisip niya? Naawa ako bigla. Nagkaroon na naman siya ng isa pang aalahanin. At kung meron pang mas kinabahan dito, walang iba kundi si Hanbin 'yon. Siya ang pinakamaaapektuhan dito. Dinala niya ng ilang taon si June upang maabot ang kaniyang mga pangarap at ayaw niya naman masira iyon ng basta gano'n nalang.

Mukha siyang walang paki. Pero he really cares for his members more than himself.

That's the kind of leader he is.

"O-Okay. . ." Lumabas ako upang puntahan si Jessa. Nakita ko siya na nakaupo sa isa sa mga upuan, mahigpit ang pagkakahawak sa sariling kamay. She must be worried about him, too. Niligtas siya nito kaya malamang ay magaalala talaga siya.

"Heto, tubig." Inabot ko sa kaniya ang binigay sa akin ni Jinan kanina. Mas kailangan niya 'to.

Inangat niya ng unti ang ulo niya, kita ko parin ang namumugto niyang mata kahit na natatakpan na ito ng mga buhok niya. Did she cry?

One Word is Enough | iKON | ON-HOLD SORRY!Où les histoires vivent. Découvrez maintenant