Chapter 43: Out Of Town

186 13 7
                                    

a/n: it's good to be late than never lol. u'll see :)

Binabagabag parin ako ng mga nalaman ko. Kahit na nasabi ko na ito sa isang kaibigan, the weight, it's still there and it heaves everytime I could think of it. Nonetheless, the three, whom I've shared my problems to, are always there keeping me distracted. O kaya naman gumagawa kami ng mga paraan kung paano ko mapapatunayan kay Soohyun na I'm his half-sister. Minsan naman ay iniisip namin kung paano namin makikita kung sino naman ang tumatawag na 'yon. We have thought of telling the police. But I know it's useless. It's just useless to get help from the police knowing it would only make things worst. Matagal na sanang ginawa 'yon nina uncle. But obviously they didn't. Delikado narin naman na malaman pa ng media.

"Tinanong ko na ang uncle ko," June said. Nasa loob kami ng dressing room ng venue kung saan gaganapin ang fanmeeting nila. Kasama siyempre si Donghyuk at Jinhwan.

Agad naman na nabaling ang buo kong atensyon. I remember what he said. 'Yong empleyado raw dati ang uncle niya sa LEnt.

"Anong nalaman mo?" I asked, leaning towards him and keeping my voice as toned down as possible.

Lumapit si June sa tenga ko at gan'on din naman ang dalawa. Nilapit nila ang tenga nila para marinig kung ano ang nalaman niya.

"Wala."

Meron munang katahimikan bago kami nagpalabas ng mga reklamo laban sa kaniya. Ano ba 'yan! Minsan hindi ko alam kung tinutulungan ba ako ng tao na 'to o mang-aasar lang siya. Pigilan niyo ako.

"Alam mo, paasa ka." sabi ko sa kaniya. Huminga ako ng malalim at sumandal sa may sandalan ng sofa.

"Wala ka talagang kwenta kahit kailan." ani naman ni Donghyuk.

"Wow! Hiyang-hiya naman ako sa inyo! Bakit, may nalaman din ba kayo? Ha?"

Lumihis ng tingin ang dalawa at hindi sinagot si June. Binato niya ang unan sa kanila atsaka bumulong-bulong ng kung ano-ano na hindi ko naman marinig. Umangat ako sa pagkakasandal at humarap sa kaniya. Hindi naman sa walang kwenta si June. Naappreciate ko lahat ng effort niya.

"It's okay, Junhoe. Thanks." sambit ko sa kaniya at ngumiti. Malaking tulong ang mga pambabara ni Junhoe minsan. Natatawa nalang ako sa kanya at nakakalimutan ko na, na may iniisip pala akong seryosong bagay. And atleast, he tried asking his uncle. Kahit wala siyang nalaman, nakakatuwa parin na nag-try siya.

Junhoe suddenly gawked that made me confused. Ngayon naman nakakunot na ang noo ko sa kaniya dahil kanina pa siya mukhang tanga na nakatitig. "Hoy, napapano ka?" I nudged him.

"Wala. May dumi ka sa mukha." aniya. Agad naman akong napahawak sa mukha ko.

"Saan?"

"Wala na." he cleared his throat then shifted his gaze away from me. That was weird.

"Paanong wala kang nalaman? Hindi niya sinabi?" Na-curious naman na rin ako kaya tinanong ko na kung paano niya tinanong ang uncle niya at paano siya sinagot nito.

"He said it's really confidential. Tapos . . . wala siyang sinabi tungkol sa Lee family at sa mama mo."

Napakagat ako ng labi. Just as I expected. Geez. Kung walang makikipag-cooperate, wala rin akong mapapala. They won't even talk. And Soohyun didn't dare to spill. To be honest, as each day pass, unti-unti akong nagiging hopeless. All of their mouths are tightly shut as if they were commanded.

"Gusto mo kami ang kumumbinsi kay Soohyun PD-nim para sabihin na niya ang totoo?" Jinhwan suggested. I think my face slightly lit up.

"Oo nga. Pwede naman siguro 'yon, 'di ba? Mag-iingat naman kami." ani naman ni Donghyuk.

One Word is Enough | iKON | ON-HOLD SORRY!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon