Chapter 36: Distance

233 14 11
                                    

What I've said to their manager last time is still planted deeply inside my head. Para itong nakabaon sa utak ko at panay paalala sa akin ng mga sinabi ko sa kaniya. I don't know if I'm going to regret what I've said pero iyon nalang talaga ang tanging natitirang choice ko. Ang dumepende nalang sa magiging desisyon ni Hanbin at umasa na hindi siya susuko.

But, damm, why does it feel so bothering? Hindi parin ako mapakali at panay ang panggugulo nito sa utak ko. I know Hanbin's every decision is going to be right. Pero hindi ko maiwasang mag-alala at isipin kung anong magiging desisiyon niya sa susunod na mga linggo. What if marealize niya na hindi nga talaga pwede 'tong nararamdaman namin para sa isa't-isa? What would happen? Can I just get away from them or him that easy? Magiging madali bang kalimutan nalang ang nararamdaman namin sa isa't-isa at magkunwaring parang walang nangyari?

"Kape, oh." Bigla nalang may kapeng bumungad sa harapan ko kaya agad na nawaglit sa isipan ko ang mga tanong na bumabagabag sa akin. My eyes crawled from the cup of coffee up to the face of the one who's holding it.

Panandaliang kumunot ang noo ko sa kaniya, hindi pa rin kinukuha ang kape. Bakit siya nandito?

Kinuha ko ang kape sa kamay niya ngunit hindi parin naalis ang tingin ko. He then planted a sweet smile on his lips that made me familiarized of a smile from long years ago.

"Kape kahit na tanghaling tapat. Mukha kang namatayan, eh," sabi ni Ian sabay upo sa tabi ko.

Hindi naman ako nakasagot agad. Ang tagal na naming hindi nakapag-usap na dalawa. At hindi ko mapagkakailang na-miss ko siya kahit papaano. It's all my fault naman, eh. Inaway ko siya at hindi ko siya masisisi kung bakit siya umiiwas sa akin.

"Wow, na-pipi na, Jang?" Bahagya siyang tumawa at humigop sa kape niya.

"Anong ginagawa mo dito?"

Nandito kami ngayon sa YG building. May inaasikaso ang iKON habang ako naman ay inaayos ang mga upcoming schedules nila at mga kailangang gamitin nila. We took a break first. Pumunta ang iba sa cafeteria habang ako naman ay nakatulala lang dito sa may mga upuan sa hallway. Tapos biglang sumulpot 'tong si Ian out of nowhere.

"Wala lang. Bored ako. Bakit ka nandito sa labas? Ba't hindi ka pumasok sa loob ng practice room?"

Hindi ko sinagot ang tanong niya at sa halip ay bumuntong-hininga ng malalim. Ayoko kasi sa loob. Mas lalo lang akong hindi makapag-isip ng maayos. Kada lalapit sa akin si Hanbin bigla nalang susulpot ang manager nila kaya hindi nalang siya lalapit sa akin. Basta anytime na kakausapin niya ako or ano bigla nalang eentra ang manager nila at may sasabihin. Nagsawa nalang din kaming dalawa at wala naman kaming dapat na pag-usapan kaya dumistansiya nalang muna ako at nagpaka-busy sa trabaho ko. Pumunta narin ako rito para i-clear ang mind ko.

"I'm . . . I'm pretty exhausted," I said, hindi ko na talaga maitago.

Tinignan ako ni Ian pailalim dahil nakayuko ako kaya tinabig ko ang mukha niya. Mukha siyang tanga.

"That's so not you, Jang," aniya sabay higop ng kape. "Omg, napakahimala naman ng nangyayari na 'to. Mag-eend na ba ang world? Give me a hint, ha? So I can ready myself."

Dumikwatro siya at hinigop ang kape niya hanggang sa maubos ito. Inismidan ko nalang siya at humigop narin sa kape na binigay niya. Pareho lang kaming naupo d'on at walang sinasabi na kahit anong salita. Hindi naman ako na-bobother. Kahit papaano kumportable parin ang silence na namamagitan saming dalawa.

One Word is Enough | iKON | ON-HOLD SORRY!Where stories live. Discover now