Chapter 42: Partners in Crime

165 18 0
                                    

Hindi ako nakatulog kakaisip tungkol sa napag-usapan namin ni Soohyun kahapon. Pagkatapos ng pag-uusap namin ay nanatili parin ako d'on at nag-isipisip kung paano mapatutunayan sa kaniya. Ang natitirang paraan nalang ay kung magpapa-DNA test sila. But I don't think na pwede kaming dalawa. Sa tingin ko dapat sa magulang dapat ipag-match ang DNA ko. Sa gay'on talagang mapapatunayan kung talagang anak nga ako ni Lee Seokmin at kapatid ko sila.

Pero ang tanong: Nasaan na si Lee Seokmin? Where is he hiding? Probably he's somewhere around Korea, nasa ibang bansa; Maldives! Pwede ring nasa Maldives siya! Tutal d'on rin naman galing si Soohyun bago siya naging producer ng SBS. Hindi kaya nand'on siya?

"Ugh!" I groaned as I drop my body on the couch.

Nandito ako ngayon sa rooftop ng YGE dahil ngayong hapon paparating ang iKON. Nagpahangin lang ako dahil sobrang okyupado na ang utak ko at hindi ko pa kinakaya ang ingay ng mga staff sa baba. Isama mo pa 'yong mga maiingay na trainees na pagkatinis-tinis ng mga boses kapag tumawa. Nakaka-stress! Kaya pumarito nalang ako dahil walang maingay dito at walang manggugulo sa akin. And the sky looks so calming. Buti nalang hindi gaanong mainit.

Habang nakahiga ako at pinagmamasdan ang asul na kalangitan, tumunog ang cellphone na nasa bulsa ko. Kinuha ko ito at tinignan kung sino ang tumatawag sa akin. Nakilala ko kaagad ang numero dahil wala naman siyang ibang ginagamit kundi ang number na 'to. It has been a while mula n'ong huli siyang tumawag. Ano na namang sasabihin niya?

"Hello!" the guy's antsy greeting blared from the speaker. "Long time no talk." Hindi ako tuminag sa aking kinahihigaan at nakatitig parin sa kalangitan habang pinakikinggan ang mga sinabi niya. "Hello?"

"What now?" I grunted. Ano na namang sakit sa ulo ang ibibigay niya sa akin?

"Oh. I thought you were dead." he laughed. "Just kidding!"

"Wala ako sa mood na makipagbiruan sa'yo. Kung wala kang sasabihin ibaba ko na 'to." Hindi ko na hinintay pa ang sagot niya at ibinaba na agad ang tawag. Ngunit mga ilang saglit din ay tumawag na naman ito at wala akong nagawa kundi ang sagutin.

"That was so rude, Jang. Tsk, tsk! Is that how your parents raised you?"

Tumayo ako mula sa pagkakahiga at pumikit.

"Don't start."

"But I already did."

Hindi ko na napigilan ang inis kaya napasigaw na ako ngunit sa marahang paraan parin.

"Just stop! Ayoko na! Huwag mo nang dagdagan ang problema ko!" I still have a lot of issues to manage with at ang pang-aasar niya ay mas makadaragdag pa sa sakit ng ulo ko. Kailangan ba tuwing tatawag siya aasarin niya pa ako? Is this a freaking game to him? If yes, pwes sa akin hindi!

"Ano? Hindi naman kita binibigyan ng problema, ah. Tinutulungan pa nga kita." aniya. "Alam mo, kung wala ako, malamang hindi mo rin malalaman ang totoo. I helped you find who your real family is. Aren't you thankful that I came into your life? You've always been in the dark but I came to lead you to the bright side."

I scoffed when I heard him say something about him helping me know who my real family is.

"Talaga? Para sabihin ko sa'yo those pictures and letters are pointless!" I lied. Ang totoo ay may naitulong naman sa akin ang mga iyon at nararamdaman ko na nagsisinungaling lang sa akin si Soohyun. Kaya ko lamang sinabi upang malaman niya na hindi ko parin siya lubos na pinagkakatiwalaan. Kahit na may punto at tama lahat ng mga sinabi niya, wala pa rin akong tiwala sa kaniya. Mom taught me not to trust strangers. Sa puntong 'to, I'm just using him.

One Word is Enough | iKON | ON-HOLD SORRY!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon