Chapter 29: Phase 1

245 22 15
                                    

Ilang araw na ba ang lumipas? Uhm, four days? Ah, no. Dalawang araw palang ang lumipas simula no'ng tumawag sa akin 'yong kung sinumang adik na 'yon. And know where it lead me? Of course: confusion.

Congratulations, Jang.

"Argh!" Sinipa ko ng pagkalakas-lakas ang maliit na lamesa na pinag-papatungan ng mga sulat na ipinadala sa akin. I groaned in pain dahil medyo masakit sa paa ang ginawa ko. Freaking stupid.

Everything has no sense at all. Ni wala ngang kahit ano'ng address ang nandon ni kaya naman kahit ano'ng pwede kong i-search tungkol sa kanila. Ang ganda, right?

What a freaking clue.

Ini-scan kong muli ang mga ito. Una, ang larawan ko no'ng graduation. Hinanap ko kung ano ang kakaiba sa larawan na 'yon. And, bingo! That guy in a gray hoodie. I jotted it down on my booklet atsaka tumungo naman sa isa pang litrato. Bakit ba ngayon ko lang naisip ang gawin 'to? Feeling ko na talaga ang tanga-tanga ko.

Next, that photo of a two kid with their mom, headless. Hanggang ngayon kinikilabutan parin ako do'n sa picture na 'yon. Like, seriously? Kailangan ba talaga pugot ang ulo niya? Masosorpresa ba ako nito katagalan 'pag nalaman ko na kung sino siya?

Hindi ko alam kung paano ko malalaman kung sino ang tatlo na 'to. Imposible namang ma-search ko sa google ang mukha nila. Huh! Kung pwede lang sana, eh. Malamang kilala ko na sila. Kaso hindi. Nakaisip narin ako na mag-hire ng private investigator but, tuwa ko nalang kung marami akong pera. Saan naman ako kukuha ng pera para i-pambayad? I got money in the bank. But there's no way in hell I'd trade my money for it. Alam kong may iba pang paraan.

"Hanbinnie, ikaw nalang kaya ang i-hire ko na private investigator? Please, ako nalang diyan sa kulungan mo."

Sa halip na sagutin ako, tinulugan nalang ako ng pusa ko. See? Nababaliw na talaga ako. Pati pusa kinakausap ko na. Geez.

Not long after that nag-vibrate kaagad ang cellphone ko na nasa sofa. Agad ko itong kinuha at nakita na naman ang hindi naka-rehistrong numero. Siya na siguro 'to. Buti naman at tumawag na siya dahil mababaliw na ako.

"There's nothing," aga kong saad sa kaniya. Ang tahimik sa kabilang linya.

"Oopsie. May nakalimutan pala ako," kumunot ang aking noo sa paghinto niya. May kung ano akong naririnig sa kabilang linya. "Kulang ang nabigay ko sa'yo. My bad." Tapos tumawa siya.

Halos maibato ko ang hawak kong cellphone sa may pader dahil sa sobrang kainisan ko. I freaking wasted my precious time. Damm that guy.

"Oo, nakakatawa." I sarcastically said.

"Kidding aside. Gusto ko kasi na mag-focus ka diyan sa may picture ng dalawang bata."

Dumako ang tingin ko sa larawan.

"Oh?"

"Not familiar?"

Nagisip ako. They kinda look familiar to me. Pero hindi ko maisip. My skull's already racked up for thinking about these. Hindi ko na kaya na mag-isip pa kung familiar sila sa akin.

"No. Not at all," I lied.

Kahit naman sabihin kong pamilyar sila sa akin wala din namang mangyayari.

One Word is Enough | iKON | ON-HOLD SORRY!Where stories live. Discover now