Chapter 18: B.I

401 33 7
                                    

Bumalik ako sa loob ng practice room at naupo sa isang tabi. Ano ba 'tong mga natatanggap ko? Mas okay pa sana kung tickets sa Purpose World Tour ang pinadala sa akin o kaya pera nalang ang napulot ko. Pero bakit ito pang mga bagay na hindi ko naman maintindihan?

Kailangan ko ba sabihin 'to kina uncle?

"Ano 'yan?" Lumapit sa akin si Donghyuk. Kinikilatis ang hawak kong papel.

"Hindi ko alam," diretsa kong sabi. Ano ba'ng sasabihin ko?

"Ba't mo hawak?"

"Kasi napulot ko."

"Sa'n mo napulot?" Tumingin ako kay Donghyuk na may bored na mga mata.

"Seriously? Ang dami mong tanong," inirapan ko siya at tinignan naman ngayon ang papel.

It's a letter

"Dear anak--"

"Shh! 'Wag ka maingay!" Tinakpan ko ang bibig niya dahil ang lakas niya bumasa. Ay, grabe.

"Sa'n ba kasi galing 'yan?" We both scanned the letter at wala talaga kaming makitang address.

"Kita mo naman walang nakalagay," I uttered.

Dear Anak...

Sulat siguro 'to ng nanay do'n sa picture sa mga anak niya.

"Jang, babasahin mo?" Pagpigil niya sa akin. "Hindi ba invasion of privacy 'yan?"

Napatigil ako at napatingin sa kaniya. May point 'tong si Dongii. Paano kung makasuhan ako? Ayoko naman makulong! E pano ko malalaman kung para kanino 'to at kung sinadya sa akin mapunta 'to kung hindi ko babasahin?

"Kung sasabihin mo na binasa ko 'to baka makulong pa ako," humarap ako sa kaniya at nagpout. "Bakit, magsusumbong ka?"

Tinaasan niya ako ng kilay. Nawiwirduhan sa aking ginagawa. "Bahala ka nga sa buhay mo."

Ngumiti ako at hinila siya papunta sa music room. Ni-lock ko ang pinto at siniguradong walang nakakita sa amin.

"Bakit mo ako dito dinala?" He asked, peeping through the transparent part of the glass door.

"Dahil nakita mo din, damay-damay na 'to. Ayoko ngang ako lang makulong," pag-bibiro ko sa kaniya. Naniwala naman ang uto-uto.

"Ayoko nga makulong! Lalabas na ako!" Umamba siyang bubuksan ang pinto pero pinigilan ko siya.

"Ito naman, uto-uto ka kamo masiyado. Samahan mo lang ako," hindi ko rin alam kung bakit ako nagpapasama sa kaniya. Siguro kasi nakita niya narin naman... ewan ko ba.

"E kasi..." nagaalangan pa siya kung sasamahan ba niya ako o ano. Mukha din namang curious din siya kaya alam ko bibigay din 'yan. "Sige na nga."

Nakangisi ko siyang tinignan habang paupo siya sa tabi ko. Pahard to get pa 'tong abnormal na 'to mafo-fall din pala. Hahaha!

"Okay, I'll start reading."

So I did.

Dear anak,
Kumusta ka na? Balita ko nag-top ka na naman daw sa class mo? Wow! Bilib talaga ako sa iyo. Manang-mana ka sa Papa mo. Magaling sa lahat ng bagay. Pasensiya ka na anak kung wala ako diyan para I-celebrate. Hayaan mo, ah? may gift ka naman sa akin. Ipapadala ko kay uncle Jino mo...

Hindi niya nakasama ang anak niya? E ba't sa picture magkasama sila?

"Sweet naman nila," comment ni Dongii. Ipinagpatuloy ko pa ang pagbabasa.

... okay naman ang kapatid niyo dito. Kakagaling lang namin sa school niya. May nagkaka-crush na sa kaniya pero itong kapatid niyo mukhang magiging mapili sa lalaki. Hay, nako. Balang araw, mapoproteksyunan niyo din siya. Alam ko namang gagawin niyo ang lahat, diba? Maghihintay kami dito. Miss na miss ko na kayo. Makakasama niyo din ang baby girl natin na si ******. Mahal kayo ni Mama. Mahal na mahal ko kayo.

One Word is Enough | iKON | ON-HOLD SORRY!Where stories live. Discover now