Chapter 11: What To Do

436 38 20
                                    

"Bobby, 'yong mga brief mo na naman!" Sigaw ko.

"Ay, teka diyan muna!" Sagot niya

"June, 'yong tuwalya mo!"

"..." hindi ako pinansin, wow, sige.

"Chanwoo, di mo na naman inubos pagkain mo!"

"Uh... ayoko na, Noona!"

"Ha? Hindi pwede!"

Lahat sila ay busy. Kanina pa din ako paikot-ikot dito sa bahay at inaayos lahat ng bawat ginugulo nila. Ngayon lang ulit sila nakatagal ng gan'to sa bahay dahil halos yata nasa fanmeeting, concert, filming, and photoshoot sila. May iba pang schedule si Hanbin, Bobby, at Jinhwan bukod sa schedule ng buong iKON. Wala ngayon si Jinhwan at Hanbin dahil nagfi-film sila for Mari & I. Kakauwi naman ni Bobby galing filming ng Running Man. Tapos nung nakaraan concert pa ng Epik High tapos--hay! Hindi ko na alam! Ilang araw narin ako'ng hindi nakakatulog ng maayos. Inaalagaan naman silang mabuti ng management pero mas maganda parin kung nakakakain sila ng maayos.

Pinatay ko na ang kalan dahil tapos na ang niluluto ko. Okay na siguro 'to.

"Nasaan sina Donghyuk at Yunhyeong?" Tanong ko. Kinuha ko 'yong mga bag nila at isinantabi. Nakakalat kasi, e! Pwede naman sa isang tabi lang pero kalat pa.

"Nasa banyo yata?" Sagot ni Bobby na nakahiga na sa sofa at minamasahe ang ulo.

"Mina-migrain ka parin?" Tumango siya.

Kawawa naman 'tong mga 'to.

"Nainom mo na ang gamot mo?" Tumango ulit siya. Bago pa man ako makapagsalita ay pumasok na ang manager nilang panget para sunduin sila.

"Okay, boys, let's go." Sabi nito. Wow, laki din ng eyebags, ah.

Nagsilabasan na ang lima at kinuha ang mga bag nila. Ni hindi na nila nakain masiyado itong pagkain. Si Chanwoo, cereal na nga lang kinain, hindi pa naubos. Hay.

"Ay, teka 'tong pagkain niyo!"

"May noodles naman do'n, doon nalang kami kakain." Ani Donghyuk.

"Ha?"

"Late na tayo!" Sigaw ng manager nila at sa isang iglap ay wala na sila.

"Pa'no na 'to?" Pinagmamasdan ko ang pagkaing niluto ko. Alam ko na! Dadalhin ko nalang doon. May music show kasi sila ngayon. Ang alam ko susunod nalang do'n sina Hanbin at Jinhwan. Tamang-tama madami ito'ng dala ko.

Pagkatapos ko'ng maglinis ng dorm nila at maligo ay dumiretso na ako sa pinuntahan nila. Sumakay nalang ako ng taxi. Pagkarating ko doon hinanap ko kaagad ang dressing room ng iKON.

"Annyeonghaseyo." Bati ko at gano'n din ang ibang staff.

"Uy, Jang!" Ani Bobby at kinuha agad ang dala ko. Takaw.

"Bakit ka nandito, Noona?" Tanong ni Chanwoo.

"Hinatid ko ang pagkain niyo. Kesa naman noodles lang ang kainin niyo."

"Wow!" Binuksan nila ito at agad na tinikman. Normal lang naman na pagkain. Kimchi soup at japchae tapos extrang jajangmyeon.

"Jang, you're my savior!" Ani June at lumantak dito.

"Kain din po kayo, marami po ako'ng dala." Sabi ko sa mga staff.

"Hmm, mukhang masarap 'yan, ah." Bati ni kuyang assistant din.

"Naman! Masarap talaga magluto 'yan si Jang." Ani Yoyo.

"Mukhang spoiled sayo ang iKON, ah. Kaya pala parang medyo tumataba si Junhoe." Sabi naman ng make-up artist nila. Nako! She's provoking Koo Junhoe.

One Word is Enough | iKON | ON-HOLD SORRY!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon