Chapter 47: Phase 2

70 5 0
                                    

"Bakit hindi mo sila hinayaan na magpaliwanag? Hindi nila sinabi sayo ang dahilan kung bakit nila tinago sayo ang tunay mong pagkatao." tanong ni Jinhwan sa akin habang kumakain ng chicken na inorder namin.

Kakatapos lang nilang magrehearse at pahinga muna sila. Si Hanbin at Bobby naman ay naiwan sa studio dahil may inaasikaso pa. Yoyo and Chanwoo were nowhere of sight. Kaya itong tatlong kumag ang naiwan na kasama ko. Nasabi ko nga rin pala sa kanila ang nangyari kahapon and they were so hyped to hear about it.

"Sapat na sa araw na 'yon yung napag-usapan namin. Siguro meron pa namang ibang pagkakataon para pag-usapan 'yon. Ngayong narinig ko na ang side nila, need no rush, really. It can wait." sagot ko sabay kain din sa hawak-hawak kong chicken.

"Nakumpirma mo na, na si Mr. Lee talaga ang tatay mo diba? Pero bakit parang hindi ka masaya?" hindi ako handa sa tanong sa akin ni June kaya napakagat ako ng labi. Was it really that obvious?

"Nakumpirma ko na nga kay Soohyun pero aanhin ko naman 'yon kung hindi nila ako kinikilala. Kay Soohyun na mismo nanggaling 'yon. Wala akong ebidensya kaya wala akong laban."

"DNA test!" sigaw naman ni Donghyuk. "Ebidensya 'yun!" Umiling-iling ako sa kaniya.

"That won't help. Ni hindi ko nga alam kung nasaan si Mr. Lee." Napabuntong-hininga nalang kaming apat and stuffed our mouth with fried chicken.

"Pero Jang, ikaw," panimula ni June. "anong theories mo kung bakit hindi sayo sinabi ni Mr. Yang ang tungkol sa pamilya mo?"

Nabigla na naman ako sa tanong niya sa akin. Theories? Wala akong maisip. . .

"Ako sa tingin ko ganito, siyempre kapag nalaman na ni Jang mag-iiiyak 'yan tapos, siyempre, ang devastating n'on! Hanggang sa magagalit siya kina ni Mr. Yang at sasanib na siya sa mga Lee!" Pumalakpak si Donghyuk sa kasirauluhan niya.

"Mukha bang ganyan ang nangyari, ha?" I rolled my eyes. "Siguro medyo nadepress lang ako n'ong nalaman ko. I even went clubbing and got chased by uncle's guards. Pero ang OA naman yata niyang sinasabi mo."

"Tsaka siraulo ka ba?" ani June. "Pinagmukha mo namang kulto, eh!"

Naghampasan nalang silang dalawa at ako naman ay humigop sa coffee jelly ko. Bigla namang nagsalita si Jinhwan kaya napatigil kami sa ginagawa namin at nakinig sa kaniya.

"What if ayaw nilang malaman ni Jang dahil siya ang original na tagapagmana?" Napakunot ako ng noo. "Diba? Lolo ni Jang ang nagpalago ng kumpanya at kung hindi dahil sa kanila, hindi magiging Top company ang YG. So technically, ikaw talaga ang tagapagmana! Once na makilala mo na si Mr. Lee pala ang tatay mo, siyempre hindi ka ba sasama sa kanila? Magiging sayo ang kumpanya at para naring revenge iyon ng fallen LEnt!"

Bigla namang nagpalakpakan ang dalawa na ikinagulat ko. Napakunot ako ng noo sa mga pinagsasasabi niya. Sa tingin ko naman ay parang hindi naman gan'on. I don't really care about the position. Seriously, wala akong paki kung kuhanin man 'yon ni Haneul. He deserves it, though. And they know what I've been dreaming to be.

"I think I know why." I muttered. Sa akin naman sila napatingin ngayon. "Siguro kaya hindi nila sa akin sinabi dahil ayaw nila akong masaktan? Kasi masakit eh. Masakit n'ong nalaman ko na, kahit hindi naman sadya, may kinalaman parin sina uncle sa pagbagsak ng kumpanya ng sarili kong ama. Kayo, ano bang mararamdaman niyo? Siguro naman gan'on din diba? Tumitingin nalang ako sa mga positibong bagay. Dahil sa mga panahong ganito, iyon nalang ang kailangan mo para hindi ka bumagsak."

Natahimik silang tatlo sa akin. Kung gay'on nga talaga ang dahilan, I'm relieved. Iniintindi parin nila ang mararamdaman ko. Recalling what mama said when I was young, that time when I asked her about who gave her the necklace, she said na malalaman ko rin when the right time comes. Ngayon naiintindihan ko na. Maybe I'm just too impatient--plus the headache this blackmailer gives me. I just have to wait.

One Word is Enough | iKON | ON-HOLD SORRY!Where stories live. Discover now