Chapter 20: Drunk And Confused

431 29 11
                                    

Hindi ako pinapansin ni Hanbin ni tinitignan man lang. Buong araw niyang dala ang serious expression niya--na sa akin niya lamang pinapakita. I'm not dumb. Kitang-kita ko kung gaano siya kaayos makisama sa iba. Kahit na masaya siya iba parin ang pakiramdam sa akin. How rude.

Ano ba ang status namin? Well, wala naman, e. Kaya nagtataka talaga ako. Yep, he's jealous, pero para umasta ng gano'n na akala mo I committed something very bad against him, nakakainis na.

Mababaliw na talaga ako.

Ngayon ay naghahanda na ang lahat para sa iKONCERT nila. Inalis ko muna lahat ng gumugulo sa isip ko at nag-focus sa pagaayos ng damit nila.

"Eonni," tawag ko sa kanilang stylist, "may kailangan pa bang gawin?" Natapos ko narin kasi isunod-sunod ang kanilang mga susuotin.

Nag-isip naman si Eonni pero mukhang wala naman na.

"Check mo nalang siguro kung okay sila," utos niya. Tumango ako.

Pumunta ako sa kabilang kwarto kung saan ay nagpapahinga sila. Sumilip ako. Nagli-live broadcast yata sila sa V App. Tinignan ko nalang sila mula sa pintuan at mukhang okay naman sila. May kaniya-kaniyang pinagkakaabalahan.

Bumalik ako sa dressing room, nahagip ng tingin ko ang bag na pinaglalagyan ng ibibigay ko kay Hanbin. Maiibigay ko pa kaya ito ngayon?

"Annyeonghaseyo," napatingin ako sa isang babae na pumasok sa dressing room. Nakangiti siya. Ang aliwalas ng kaniyang mukha lalo na kapag nakangiti. Napatingin tuloy ako sa salamin.

Ang haggard lang.

"Ms. Lee Hi," nilapitan siya ng stylist, "just on time. Ready ka na ba magayos?"

"Siyempre naman po. Saan po ba?"

Siya nga pala ang guest sa concert. Hindi ko maintindihan pero nagiba nalang ang pakiramdam ko nang pumasok siya. Bakit?

"Jang," lumapit sa akin si Stylist Eonni.

"Bakit po?"

"Pakisamahan si Hayi sa dressing room niya tapos pakitulungan na rin siya." Napatitig ako kay Eonni.

"Teka po," tumingin siya sa akin, "kailangan po ba talaga 'yon? Wala po ba siyang sariling assistant?" Tinignan niya ako na para bang may kakaiba sa sinabi ko.

"Jang, P.A. ka nga ng iKON pero wala ka namang ginagawa at tulong mo na din ito. Hindi lang sa iKON umiikot ang mundo mo." Then she left.

Hindi lang sa iKON umiikot ang mundo mo

"Uh... okay," naiilang ako'ng lumapit kay Lee Hi. Hindi ko gets. Bakit nagkakaganito ako? "Sundan niyo po ako," sabi ko. Napatingin muna siya sa akin ng saglit bago tumango.

Dinala ko siya sa katabing kwarto ng iKON. Mas lalo akong nakaramdam ng pagkailang nang pagbukas ko ng kwarto ay walang tao. Tanging mga gamit, damit, at mga pagkain lang ang nandirito. Nice.

Tinulungan ko siya sa gamit niya. Wala ba 'tong P.A.?

Okay na sana sa akin kahit awkward ang atmosphere pero hindi ko na kinakaya ang bawat pasulyap-sulyap niya sa akin.

Lakas loob din ako'ng tumingin sa kaniya. "May kailangan ka pa ba?" I asked politely.

Ngumiti siya at umiling. Mukha naman siyang nice. Hindi ako napaplastikan sa ngiti niya. Mas mukha pa yata akong plastik. Hmm.

"Tawagin mo lang ako pag may kailangan ka, ha?" I excused myself, excited na makalabas ng room. Pero bago ko pa man mahawakan ang doorknob ay tinawag niya ako.

One Word is Enough | iKON | ON-HOLD SORRY!Where stories live. Discover now