Chapter 35: Crisscrossed

279 17 16
                                    

"Guess who's back!"

Sigaw agad ni Junhoe pagkapasok sa dorm while spreading his arms. Nagulat naman ako d'on dahil hindi ko inaasahan ang bigla niyang pagsigaw. Hindi ba dapat ay drained siya dahil sa biyahe? Sabagay, malapit lang naman ang Hong Kong. Pero kahit na. Kung ako sila baka nagdirediretso na ako sa kama ko.

"Jang! Na-miss mo ko, no?" Tanong ni June habang nagsheshake-shake, napa-kunot ako ng noo. Anong nangyari dito?

"Hindi." I uttered. Bigla naman siyang napasimangot.

"Ano?" Kinunutan niya ako ng kilay niya. "Yong gwapong mukhang 'to, hindi mo na-miss? Huh! Napaka-imposible! Bato lang ang hindi makakamiss sa isang Koo Junhoe!" Dugtong niya.

Pinagpatuloy ko lang ang ginagawa ko na pag-aayos ng kakainin nila. Hindi naman daw sila kumain dahil gusto na talaga nila na makauwi.

"Then bato nga siguro ako," I teased kaya nilayasan na niya ako. Aba, buti naman dahil baka maihampas ko sa kaniya 'tong kawali. Masiyadong narcissist, eh! Why is he so smug? N'ong umulan yata ng ka-hanginan siya lang ang lumabas at nagpaulan. Pft! Umulan ng hangin? Wow.

Binati ko sina Chanwoo, Yoyo, Donghyuk at Jinan na kakapasok lang din habang dala-dala ang mga gamit nila kasabay rin ng pagpasok ng isa sa mga manager nila. 'Yong palagi kong nakakaaway. Who cares about his name? Okay, I sound rude pero I don't really pay attention sa mga pangalan ng mga taong hindi ko naman kailangang i-close. Not that I don't really need to. Pero atleast kilala ko siya sa mukha. Heh, ewan.

Nagtama ang tingin namin ng manager nila at hindi ko alam kung bakit bigla akong kinabahan d'on. There is something in his eyes that says danger or warning for me. Pinasahan ko siya ng mga walang emosiyon na titig at hinayaan lang na makipagtitigan sa kaniya. Siya rin naman ang unang bumitaw which was so relieving dahil muntikan na akong matalo. What's with him? Bakit gan'on siya makatingin sa akin? As far as I can remember, hindi naman niya ako sinabihan na pumunta rin ng airport at wala naman akong nilabag na utos niya.

Wala nga ba?

"Kamusta?" Bungad agad sa akin ni Jinan, bahagyang naka-ngiti. Dumako ang tingin sa amin ng manager pero pinanatili ko ang mata ko kay Jinan. Umakto lang ako na parang normal.

"Ayos lang naman," matipid kong sagot. Tumingin ako sa pintuan pero wala pa si Hanbin.

"Sinong hinahanap mo, Jang?" Biglang tanong sa akin ng manager nila kaya pareho kaming napatingin ni Jinan. Binalik niya rin sa akin ang kaniyang tingin at parang may pagtatanong din dito.

"Po?" Tanong ko.

"May hinahanap ka ba?" Lumibot din ang paningin niya sa paligid.

Of course, I know what he meant by that at hindi ako tanga para hindi 'yon mapansin. Simula palang ang init na ng dugo niya sa akin. Sa totoo lang, wala naman akong ginagawa. N'ong una wala naman talaga akong ginagawa at sinusunod ko lang din ang utos ni Uncle pero mainit na ang dugo niya sa akin. Lalo na ngayon na may napapansin na siya. Wala naman akong ginagawang ikasisira nila . . . diba?

Hinahanap ko ang paki mo sa mga ginagawa ko.

"Wala po. Ang dami niyo palang dala? Sana tinawagan niyo ako," ngumiti nalang ako at kunwaring tumingin sa mga bag na dala nila. But truthfully, I wanna hug him so tight he won't be able to breathe. I love you, manager-nim.

"Hindi na kailangan," he shook his head at itinuon ulit ang pansin sa mga bag.

Tumingin na ako kay Jinhwan na nakatingin parin sa akin.

One Word is Enough | iKON | ON-HOLD SORRY!Where stories live. Discover now