Chapter 44: First

159 12 5
                                    

"Hey, nandito na tayo."

Napamulat agad ako ng mata ng maramdaman ko may humahawak sa mukha ko. Pagdilat ko ay bumungad agad sa akin ang mukha ni Hanbin at na-realize ko nalang na napasarap ako sa pagsandal sa balikat niya. Sobrang lapit ng mga mukha namin and we're staring at each other's eyes.

The first word that came out of my mouth was oh, and then, shiz.

"Uhm," lumayo agad ako sa kaniya at inayos ang buhok at sarili ko. I even wiped my mouth in case na baka may laway but thankfully, wala. Nakasakay parin kami sa taxi at lumibot muna ang tingin ko sa paligid. "Nasaan tayo?"

Kaharap namin ay dagat at nakahinto kami sa isang wooden bridge. Nagbayad si Hanbin gamit ang card niya. Nagulat ako sa presyo dahil umabot kami ng halos 480,000 won! Gaano ba kalayo ang tinakbo namin at ganito ang presyo ng pamasahe?!

I insisted na ako nalang ang magbabayad at para siyang nairita kaya nanahimik nalang ako. I was pouting when we unloaded the taxi. Nakakahiya naman kasi, no. Pero ayoko namang mairita pa siya sa akin kaya shut up nalang ako.

Kinuha niya ang bag ko at muli ay hinawakan naman ng bakante niyang kamay ang kamay ko. Humahampas sa mga mukha namin ang malamig na hangin na nagmumula sa dagat. A smile crept on my face while looking at our intertwined hands. Hindi ko mapigilan ang mga uod na kumikibot sa dibdib ko pati narin sa tiyan ko. Sa itsura ng paligid mukhang walang mga sasaeng o media dito na makakakita sa amin kaya hawak-hawak niya ang kamay ko. I feel light weighted. 'Yong pakiramdam na malaya kang gawin ang kahit anong gusto mo. Walang bumabagabag sa'yo at wala kang iintindihin na baka may makakita sa inyo, na baka makita ka ni Mr. Yang at ni manager-nim.

Pero ano bang plano niya? Ang sabi niya lang ay mag-out of town kami tapos wala na. Pagkasakay namin ng taxi from dorm ay nanatili lang kaming tahimik. Kinakabahan din kasi ako baka may makakita sa amin. Pasimple akomg lumilinga-linga sa paligid dahil baka may nakakilala sa kaniya although, balot na balot ang mukha niya ng scarf at naka cap. Sunod naman ay n'ong sumakay na kami ng train. Hindi KTX ang sinakyan namin. Lumang train siya at hindi ko alam na may nag-eexist pa pala na gan'on. Pagkatapos ng 30 minutes na byahe ay sumakay naman kami ulit ng taxi hanggang sa nakatulog na ako, and now we're here. And I'm still clueless and confused.

"What exactly are we doing here?" tanong ko. Hindi niya ako pinansin at tuloy-tuloy lang siya sa paglalakad. Okay, Jang, hindi pa ba obvious? Malamang nandito kayo para magbakasyon. Maging masaya ka nalang! Huwag ka na magtanong! Its too obvious na gustong gugulin ni Hanbin ang nalalabi niyang day-off para sa'yo. Just be happy and shut the hell up. Don't piss the monster.

Naalala ko kung pa'no ma-badtrip sa akin si Hanbin n'ong hindi pa kami close. Kung dati ay wala lang sa akin 'yon at nakakairita pa nga, ngayon hindi na pwede. Malamang sa malamang ay matatakot ako sa kaniya. Kaya kalma, Jang. Just wait.

Humampas ulit sa amin ang malakas na hangin at hindi ko napigilan na mabahing. Suminghot ako at kinamot ang ilong ko. Hanggang kailan ba kami maglalakad? Lumakas na naman ang hangin at nabahing na naman ako hindi lang isang besesㅡdalawa pa!

Huminto sa paglalakad si Hanbin at gan'on din ako. Agad siyang humarap sa akin kaya nagulat ako.

"What?"

"Hindi pa nga tayo nagsisimula magkakasakit ka na agad?" aniya habang kinakalas ang scarf na nakapalibot sa leeg niya. "Suotin mo 'to at huwag mong huhubarin." Ibinalot naman niya ito sa leeg ko hanggang sa matakpan ang buong kalahati ng mukha ko. Ibinaba ko ng kaunti ang scarf para makita ko siya.

"Yah. I'm fine. Ikaw naman 'tong magkakasakit." kinalas kong muli ang scarf pero binalik niya ulit 'to. Napatigil naman ako at napatitig.

"Bakit ba ang kulit-kulit mo?"

One Word is Enough | iKON | ON-HOLD SORRY!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon