Chapter 5: I'm Different

486 37 0
                                    

Hindi ko ineexpect na tatagal ako dito. Hindi ko rin ineexpect na malala pa ang iKON off-cam. Mababaliw na yata ako sa kanila. Kahit na nandun ako magugulat ka nalang dahil biglang may maghuhubad ng t-shirt. Minsan nagsusubuan pa. Kapag kumakain kami, ah? Hindi 'yong ano.

"Jang, nakita mo ba brief ko?" Tanong sa akin ni Bobby habang nagva-vacuum ako.

"Aba, malay ko sa brief mo." Iyon lang sinabi ko at nagpatuloy na sa ginagawa. Kagaya ng mga tanong na ganiyan, unti-unti nasasanay narin ako. Minsan nga si Yunhyeong nahuli kong pumupuslit ng brief ni Chanwoo sa drawer. Mukhang mas mahirap pa sila sakin, e.

Habang nagva-vacuum ako, ay, may nakita akong tela na pink na nakaipit sa drawer ng mga kutsilyo. Alam niyo ba kung ano?

"Bobby! Brief mo nakita ko na!" Proud kong sigaw habang winawagayway pa. Bakit nasa drawer 'to ng mga kutsilyo?

Biglang napatingin sa akin si Hanbin at si Jinhwan na nanunuod ng TV sa sala.

"Jang, penge tuwalya."

Lumipat ang tingin ni Hanbin sa brief na hawak ko kaya tinapon ko 'to bigla sa likod ko.

"Problema mo?" Tanong ko. Umirap lang siya. Inirapan ko din. Psh.

"Hoy, Koo Junhoe, ano ginagawa mo sa brief ko?" Napatingin ako kay Bobby na may nandidiring tingin. Tinignan ko naman ang pinandidirihan niya at tumambad sa akin si June na pinapampunas sa mukha ang brief ni Bobby.

"Ew!" Sigaw ko at lumayo sa kaniya.

"Bakit mo pinapampunas brief ko?" Tanong ni Bobby sabay agaw niya dito.

"Yuck! Bakit iyan hawak ko!? Yuck! Ew! Ugh!" Sigaw niya habang pinapagag ang mukha niya. "Jang, bakit brief binigay mo sa akin?" Kumunot noo ko.

"Ha?"

"Nanghihingi akong tuwalya kasi nahihilam na ako. Bakit brief!?" Ngumiwi nalang ako at nagpeace sign sa kaniya.

"Sorry." Pumasok ulit siya sa banyo at naligo. Si Bobby naman umiiling-iling sa tabi.

"Mag-side b nalang tuloy ako. Si Jang kasi, e." Sabi niya at pumasok sa kwarto.

Ano 'yong side b?

-----

September 15 na ang debut ng iKON na pinakahihintay ng lahat. Syempre, excited din ako! Nangako ako na ililibre ko ang sarili ko para icelebrate ang debut ng iKON pero mukhang di na kailangan dahil may planong dinner yata si tanda.

"Ito na 'yung shaved ice niyo." Sabi ko sabay baba ng mga dala kong shaved ice na binili ko sa dalkomm. Kinuha ko 'yong frappe ko.

"Uy, shaved ice!" Donghyuk

"Thanks, Jang!" Yoyo

"Gomawo, noona!" Chanu

"Yo." Junhoe

"Naks," sabi ni Bobby tapos kumindat pa. Sundutin ko kaya mata nito.

Kumuha narin si Jinhwan tapos tumabi sa tabi ko. Gusto ko sanang ipagpatuloy ang pagbabasa ng The Book Thief pero biglang nagsalita si Jinan.

"Dapat sinamahan na kita, Jang. Ang dami nga pala ng dala mo." He said looking apologetically.

"Hindi na." I waved. "Trabaho ko 'to." Totoo naman. Kaya nga nandito ako para hindi sila masugod ng mga fans sa labas.

"Kahit na. Dapat naging insensitive ako. Ako matanda dapat alam ko." Naweirduhan ako sa kaniya tapos tumingin siya ng nakakaawa sa akin. Ano bang problema nito?

Lumayo ako sa kaniya ng bahagya at ngumiti nalang ng pilit. Minsan hindi ko magets si Jinhwan. Ang bading minsan, e.

"Uy! Shaved ice," biglang sumulpot si Hanbin sa gitna namin ni Jinhwan at natabig niya ang frappe ko na hindi ko pa nakakalahati. Oh, my gosh! Grande pa naman binili ko! "Thanks." Ngumiti siya sa akin ng nakakaloko saka umalis at humigop sa shaved ice niya.

One Word is Enough | iKON | ON-HOLD SORRY!Where stories live. Discover now