Chapter 52: Plans

105 6 3
                                    

"Hanbin!"

Sinundan ko kaagad siya nang bigla nalang niya akong tinalikuran nang wala man lang sinasabi sa akin. Ano na naman bang problema niya ngayon? Kanina okay lang kami, eh.

"Hey," I called pero dire-diretso parin siya sa paglalakad. Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa at hinablot ko na talaga ang braso niya. This time tumigil na siya sa paglalakad at nakuha ko na ang atensyon niya--gayundin ng mga ilang tao sa paligid namin.

"Hey, what's wrong?" I asked. Hininaan ko lang ang boses ko at umakto ng . . . normal. Like how I act when I was still their assistant. At hindi ko alam kung normal pa ba 'yon dahil director na ako at hindi ko siya dapat basta-basta nalang hinihila. Pinagtinginan din kami pero wala na akong pakialam. I want to know why he's being like this.

"Jang, pinagtitinginan tayo," he said through gritted teeth. Tumingin ako sa mga tao at agad naman silang nagpulasan at nagbulungan pa nga.

"Tell me what's wrong first." Hindi siya sumagot sa akin at tumingin lang sa ibang direksyon. Hinintay ko siya na magsalita pero nanatili lang siyang tahimik and I'm starting to get frustrated. When I've thought that this won't make us go anywhere, ginamit ko na ang paraan ko na alam kong hindi niya pwedeng tanggihan.

"Come to my office. Now."

Kung hindi ko siya makausap bilang si Jang, kakausapin ko siya bilang Executive Director ng kumpanya na 'to.

"Bakit ko 'yon gagawin?" walang emosyon niyang sambit. Kinagat ko ang labi ko dahil hindi ko na talaga siya maintindihan kung bakit ba ang cold niya sa akin ngayon. Usually, mga babae ang may ganitong attitude, eh. Dadaigin niya na naman ba ang mga babae?

"Because that's an order. Come or else. . ." I said in my most serious tone that I could ever pull off.

I turned on my heels and lead my way to the elevator. Pinindot ko ang floor papunta sa office ko. Nakita ko naman sa peripheral view ko na sumunod naman siya at nagsimula nang maglakad papunta sa direksyon ko kaya napangisi ako. Masaya rin pala na magkaroon ng posisyon. You always have the authority.

"Speak." I said as soon as we both entered my office. Umupo lang ako sa may edge ng table at nakahalukipkip na tinignan siya. Nilibot niya muna ang tingin niya sa paligid bago tuluyang ibinagsak iyon sa akin. At hindi ko maikakaila na I slightly flinched when his cold eyes met mine.

"Kailangan mo bang gawin 'to? Napaka--"

"Immature?" pagputol ko at pagtapos ng sasabihin niya.

"Oo," matipid, pero madiin niyang sagot at tila ba may pagkadismaya sa mga mata niya. Hindi ako sumagot at ipinagpatuloy lang ang pakikipagtitigan sa kaniya. Maaatim ko pa sana ang matagal na pagtitig sa kaniya pero balot na ng inis ang mga mata niyang nakatingin sa akin kaya wala na akong nagawa kundi ang sumuko.

Kinagat ko ang labi ko at tumayo mula sa pagkakasandal ko sa lamesa. Ngumuso ako sa kaniya at inalis na ang pagiging seryoso dahil wala rin palang maitutulong. Kahit kelan hindi ko matatalo si Hanbin kapag galit na siya. I used to just ignore it when he's mad or like, nagtatampo, dahil alam ko naman na magiging okay rin kami. Pero dahil hindi ko na siya madalas na makakasama, ayoko naman na gawin 'yon.

"Hanbin," ginamit ko na ang malambot kong tono sa kaniya. Ito ang madalas na ginagamit ko kay auntie kapag may ayaw akong gawin o kaya naman may gusto akong gawin na ayaw naman niya. It's really effective. Sana kay Hanbin din. "Bakit ba kasi ang cold mo na naman sa akin? Kanina okay naman tayo, ah. What's wrong? Hmm?"

Ipinulupot ko ang braso ko sa kaniya at niyugyog siya ng mahina. Umirap naman siya sa akin katulad ng palagi niyang ginagawa. Alam ko naman na bibigay rin 'to. Unting, uhh, lambing pa siguro.

One Word is Enough | iKON | ON-HOLD SORRY!Where stories live. Discover now