Chapter 45: Girlfriend

107 7 0
                                    

"Ano?!" sigaw ko matapos na marinig kung anong kasirauluhan ang ginawa ni Koo Junhoe. Jusme! Sumasakit ang ulo ko sa kaniya.

"Eh . . ." kamot niya ng ulo.

"Eh kasi naman, hindi naman punching bag si Soohyun para sapakin mo!" sabi ni Donghyuk.

"Bakit mo naman kasi sinuntok sa mukha si Soohyun?" tanong ni Jinhwan, may tono ito na galit pero alam kong hindi niya pinapahalata.

"Ano na naman ba ang pinasok niyo? Bakit ba kasi nakipagkita kayo do'n?" tanong ni Bobby. Lahat ay napatahimik sa tanong niya at nagkatingin kaming apat nina Junhoe.

"Aish!" I shouted. Para narin mawala ang tensed na atmosphere. "Ikaw ang sasapakin ko, eh!" umakto ako na parang sasapakin siya at pinigilan naman ako Yunhyeong na nasa tabi ko.

"Uy, teka, teka! Kalma lang~" he said.

Pumikit nalang ako at nagbuntong-hininga. Sa totoo lang hindi naman ako nagagalit dahil sinuntok niya si Soohyun. Nagagalit ako kasi hindi niya man lang inisip kung anong kahihinatnan ng ginawa niya. Pa'no kung nagsampa pa ng kaso si Soohyun sa kaniya? Pa'no kung umabot pa lahat sa pulis? Malaking issue 'yon at ayoko namang mangyari 'yon sa kaniya!

"Buti nalang hindi nagreklamo si Soohyun dahil sa ginawa mo. Junhoe naman, sana naman inisip mo naman ang posibleng mangyari bago mo ginawa 'yon!"

Napayuko nalang siya. "Eh gusto ko lang naman makatulong, eh." Tumitig siya sa kamay niyang may unting sugat. Napailing ako. Kung sakaling makita 'to ni manager-nim lagot na naman ako. Tsk! Kasalanan ko 'to, eh. Hindi na dapat siya na-involve sa personal na buhay ko.

"June, salamat at na-appreciate ko naman ang tulong mo. Pero sana naman hindi mo siya sinapak."

"Ang yabang, eh!" bigla niyang bulyaw na ikinagulat ko. Parang na-trigger ulit ang galit niya at tipong mananapak ulit. Napalayo tuloy si Chanwoo sa kaniya. "Kala niya kung sino siya. Executive producer lang naman siya! As if namang chairman siya ng kumpanya! Kabanas. Sarap manapak ulit."

"Oh, oh! Kumalma ka nga lang!" hinawakan ni Jinhwan ang balikat niya para mapaupo siya ulit.

"Bro, kaya nga may plano tayo, diba? Huwag ka kasing excited." sabi ni Donghyuk.

"Kahit na. Hindi mo parin dapat ginawa 'yon. It could put you into jail. Hay. Kasalanan ko 'to, eh. Don't worry, kung makita man 'yan ako ang bahala sa manager at kay Mr. Yang."

Isinandal ko ang likod ko sa sofa at bumuntong hininga. Hindi ko akalaing may mangyayaring sapakan sa mga plano namin. Wala rin naman silang sinabi na pupuntahan nila si Soohyun. Nagulat nalang ako nang biglang tumawag sa akin si Soohyun at sinasabing bantayan ko daw ang dapat kong bantayan. I didn't get it at first. Pero n'ong malaman ko ang ginawa ni Junhoe tumaas talaga dugo ko.

"Oy. Aba, kayong apat lang nagkakaintindihan diyan. May Yunhyeong, Chanwoo, at Bobby pa dito, no! Ano kami dito, palamuti?" reklamo ni Bobby. Malaking problema din na nandito 'tong tatlo na 'to. Matalas ang mga mata nilang nakatingin sa aming apat at ni isa naman ay walang umimik sa amin. "Pansin ko lang nitong mga nakaraang araw ah, palagi kayong apat magkasama, palagi kayong nagbubulungan, at parang alerto kayo sa paligid . . ."

Muli na naman kaming nagkatinginan na apat. Pinandilatan ako ng mata ni Jinhwan at napakunot naman ako ng noo. Ano daw? Sunod ay tumingin ako kay Bobby at nag-isip ng palusot na maipapalusot sa kaniya nang biglang umentra si Donghyuk.

"May bagong game si Jang!" I looked at him with confusion at pinandilatan niya din ako ng mata na para bang sinasabi na sakyan ko nalang siya. I shrugged. Whatever.

"Game?" si Yunhyeong.

"O-Oo! Aha hahaha haha~"

Nagkumpulan ang tatlo at kung may anong pinagbulungan na hindi ko na inalam kung ano. Bigla namang pumasok ang manager nila kaya nagsiayos kaming lahat.

One Word is Enough | iKON | ON-HOLD SORRY!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon