Part 34 ~ PHOTO SHOOT

Start from the beginning
                                    

Hindi ko na napansin pa ang dinadaldal ni mamang photographer dahil napako ang paningin ko kay France. Dahan dahan niyang inalis ang shades niya. "Stop talking will you? Magsisimula lang tayo kung 'tong pulubi ito ay aalis."

Pulubi? Ako? Pulubi? T__T Hindi na ako kokontra dahil mukha naman talaga akong pulubi kompara sa kanya. Pero teka tanda ko ang tabas ng mukha ng babaing to ah. Hmmm. Tama siya ngayong...

"Yes ako nga. So nagising na ba ng boyfriend mo?"

"Boyfriend? Nagising? Huh? Nakadrugs ka 'te?" kunot noong tanong ko sa kanya. Siya lang naman 'yug babaing kaagawan ni X ng sapatos. And speaking of sapatos, binigay niya nga sa akin. Halos mayakap ko siya sa sobrang tuwa. Ang kaso binara niya lang ako. Isuot ko daw ng magmukha naman akong tao. =__= Kala mo naman tao siya. Tss. Pero okay lang pagwala na akong pera ibebenta koi yon. Muahahahaha!

Pinagtaasan niya lang ako kilay tsaka tinignan nang nakakainsulto. Hindi naman ako nagpatalo rito. Pinagtaasan ko rin siya ng kilay, dalawa pa.

Lalong nag-init ang bumbunan niya nang makitang hindi ko siya uurungan kung pataasan lang ng kilay ang labanan. Kala mo ha.

"Bitch get out!" nanggagalaiti niyang sabi. "Sino bang nagpapasok ng pulubi dito?" bulyaw niya sa lahat. Wala naman silang imik. Ang sarap kayurin ng maganda niyang mukha. Sama ng ugali talaga. Hanga pa naman sana ako sa kagandahan niya. Para sapatos lang ganun na siya makareact. Tsaka ako ba nakahilaan niya sa sapatos na yun? Otso lang ha.

"Ex-."

"She's with me France," putol ni Colt sa sasabihin ko.

"W-what?" gulat na gulat na bulalas ng babaing bruhilda.

Hindi na sumagot si Colt. Mabilis na nilapitan ni France si Colt.

"And why?" mataas ang tonong tanong niya sa tila walang pakialam na lalaki.

"My P.A.," balewalang sagot ni Colt.

Napapailing na lang si France habang nanggigigil sa hawak niyang shades. Tahimik namang nakamata ang lahat, kasama na ako.

"Paalisin mo siya Colt. I don't want to see that thing here. Nakakasira ng mood," sabi niya na parang bata.

Impaktang babaing to siya kaya ang nakakasira ng mood. Tsaka lakas niya maka-thing ah.

"No."

"Do it or I'll call my dad to cancel the engagement!"

"Sure," walang gatol na sabi ni Colt.

BIglang nanlaki ang mga tainga ko sa narinig. Totoo pala iyong nababalitan ko sa school kung ganun. Ayon sa nasagap ko ay may fiancée na raw itong si Colt na nais patayin ng mga babaing nagnanasa sa alindog nitong modelong ito. Nasagap ko ang balitang iyan habang naglilinis ako sa powder room. Kaya minsan masarap tumambay don eh maraming tsismis na nasasagap.

Napasuklay na lang ng buhok si France. Ni hindi man lang nabahala si Colt sa banta nito. Magkano kaya ang bayad ng impormasyong ito sa school? Parang naiimagine ko na 'yong sarili ko na naliligo ng datong ah. *u*

Napatingin ako sa taong tumabig sa akin. Ano kayang problema nito?

"Ang ganda mo te. Pinagtatanggol ka ni Papa Colt," pasimpleng sabi ng baklang make up artist.

Tinignan ko siya ng diskompyado.

"Then hindi tayo maguumpisa or maybe let's cancel this shoot," balik kompyansang sabi ni France.

"Oh miss France. Magagalit ang dad mo niyan," sabi ng julalay nito na hindi na alam kung ano ang gagawin.

"I don't care Trista," seryosong sabi naman nito.

THE BLACK DEMON'S HEARTWhere stories live. Discover now