Teka.. Ano bang pinag-iisip ko? Huminga ako ng malalim at pilit na kinalimutan ang iniisip ko at tinignan ko ang homeroom teacher ni Trick.

“Kasali ba kami dito?”tanong ko at nakangiti niya akong tinanguan.

“Opo kasali po kayo, Sana po makarating kayo sa sabado at required pong damit ang white shirt at black jogging pants dahil po may iba’t-ibang sport activities ang gagawin sa Family Day.”paalala sa akin ng Homeroom teacher ni Trick, Nag-usap pa kami ng ilang minuto tungkol sa Family Day at pinalista ko rin si Trick sa estudyante na susunduin ng school bus bago ako nagpaalam kay Trick at sa Teacher niya sa loob ng Academy.
 

Pagsakay ko sa kotse ko napahinga ako ng malalim. Kinuha ko ang phone ko at hinanap sa contacts ang name ni TJ saka ko siya tinawagan. Wala pang ilang ring ay sinagot niya agad ang tawag ko.

“Cornelia!”excited na tawag niya sa akin kaya naman napahinga ako ng malalim.

“Uh.. TJ.”tawag ko sa kanya at kinagat ko ang labi ko, Paano ko ba sasabihin sa kanya?

“Bakit?”tanong niya sa akin, Kaya mo yan Cornelia. Si TJ lang iyan kaya bakit ka natatakot at kinakabahan?

“Ano kasi.. Narinig ko kay Trick na tuturuan mo raw siya ng basketball kaya lang kailangan kasi naming bisitahin ang Grandparents ko dahil ngayon lang nila ulit makikita si Trick.”sabi ko kay TJ narinig ko ang pagbuntong hininga niya, Hindi ko alam kung galit ba siya o ano.

“Gusto mong ipagpaliban ang pagtuturo ko kay Trick?”tanong niya sa akin kaya mabilis akong nag-react sa sinabi niya. Hindi naman iyon ang ibig kong sabihin eh.

“No! I mean sandali lang naman kami gusto ko sanang pagkagaling namin sa Grandparents ko diretso laro na kayo ni Trick.”paliwanag ko sa kanya narinig ko naman ang maliit na pagtawa niya parang dati lang..

“Anong ibig mong sabihin?”tanong niya sa akin at halata sa tono ng boses niya na may gusto siyang marinig na sasabihin ko. Kinagat ko ang labi ko sasabihin ko ba o hindi? Sht naman!
 

Pero para kay Trick.. Oo tama para kay Trick hindi para ma-please ko si TJ kungdi para sa anak ko.

“Sunduin mo kami sa bahay ng Grandparents ko.”sabi ko sa kanya at napahalakhak siya dahil ang akala niya nanalo siya at sumuko na ko.

 

“Sht Cornelia! Kahit na alam kong napipilitan ka lang sabihin iyon natutuwa pa rin ako.”sabi niya kaya naman agad kong naramdaman ang pag-init ng pisngi ko. Kinagat ko rin ang labi ko, I really hate him.

“Basta sunduin mo kami, Itetext ko na lang sa iyo ang address be there.”sabi ko sa kanya at binabaan ko siya ng telepono. Napahinga ako ng malalim feeling ko kinapos ako kanina ng hangin habang kausap ko siya.

Umiling na lang ako at nagsimulang magmaneho papuntang Couture. Mga before lunch ko susunduin si Trick sa Academy at itetext ko kay TJ ang address ng bahay ng Grandparents ko pagkadating namin doon ni Trick.

My Guy (series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon