🌸PROLOGUE🌸

6K 113 4
                                    

This story is dedicated to my baby Paula Noreen Onte norion16. Huwag na tampo. Iloveyou, baby ❤💕😙

Prologue

"Maghiwalay na tayo," mahinang wika niya.

"A-ano?" Halos pabulong ko rin na sabi.

"Maghiwalay na tayo. Tama na. Masyado ng komplikado. I'm sorry, Zairene,"

Isang malakas na sampal na naman ang ginawa ko sa pisngi nito.

"Pinagmukha mo kong tanga, Clark. Sabi mo sakin, maha mo ko tapos ganito? Ano? Susuko ka na? How dare you! How dare fucking are you!" sigaw ko.

Hindi ito kumibo. Nakayuko lang ito. Ang mga kamay ay nasa bulsa ng pantalon na soot niya.

"I'm sorry. Mahal kita pero... h-hindi ko yata kayang masaktan ang... ang mommy ko. Hindi tayo pwede. Hindi tayo papayagan na magkarelasyon," anito.

Sinalubong ko ang mga mata niya. Namumula ng mga iyon pati ang ilong nito.

Lalo akong napaiyak. Parang pinipiga ang puso ko sa mga sinasabi at sa itsura niya.

Hirap na hirap na rin ba siya?

Napatango na lang ako.

"Tama ka, maghiwalay na lang tayo. Salamat sa lahat, Clark. S-sana... maging masaya kayo ni... M-maureen. Good bye,"

Humakbang na ako palayo sa kaniya. Hindi na ako lumingon kahit na gustong-gusto ko. Baka kapag sinulyapan ko pa siya, magbago ang pa desisyon ko.

--

This is a work of fiction. Names, characters, places and incidents are either the products of the author's imagination or are used fictisiously, and any resemblance  to the actual persons, living or dead, events, or locales is entirely coincidental.

Do not distribute, publish, transmit, modify, display or create derivative words from or exploit the contents of this story in any way. Please obtain permission.

All Right Reserved 2017
(c) EmpressAffy13

HEAD OVER HEELS [Soon To Be Published Under WWG PUB]Where stories live. Discover now