🌸CHAPTER 18🌸

Start from the beginning
                                    

~~

Martes ng madaling araw nang makauwi kami sa Bulacan. Pagkauwi sa bahay ay gumayak kaagad ako para makapasok sa eskwelahan. Hindi ko kinikibo sila ate at kuya. Hindi ko alam kung alam ba nila ang napag-usapan namin ni daddy o hindi.

"Kumusta ang bakasyon ninyo sa Cavite? Marami bang gwapo do'n?" tanong ni Tony habang kumakain kami sa pantry.

Hindi ako nagkukwento sa kanila kung ano manang mga naging ganapsa Cavite. Lalo na ang first kiss namin ni Clark.

"Ayos lang," sagot ko.

"Ay bongga! Grabe. Kinilig ako sa kwento mo," puno ng sarkasmo ang boses ni Tony.

"Ewan ko sa'yo,"

May biglang umupo sa gilid ko. Nabigla pa ako nang makilalang si Melody pala iyon at si Shasha. Nginitian nila ako na parang walang nangyari.

"Patabi kami, huh?" paalam pa nito.

"Nakaupo ka na, beks! Papaalam pa?" wika ni Tony sabay tawa.

"Sorry na, bakla!" Biro din ni Melody.

Sa una ay medyo nagkakahiyaan pa sina Tony at Dashna kina Melody at Shasha pero hindi rin nagtagal ay naging close na rin sila.

"Hindi yata ninyo ang mga boys ninyo? Nasa'n sila?" tanong ni Dash.

"Nasa try-out. Ay! Siya nga pala, Zairene, pinapatawag ka ni Couch Zandro sa gym."

"Ay oo nga pala.  Ngayon i-aannounce kung sino-sino ang pasok sa varsity natin. Sama kayo?"

"Sure!" Sabay-sabay silang sumagot saka naghanda upang samahan ako papuntang gym.

Habang nasa daan kami ay may mga iilang mga estudyanteng nag-uusap sa likod namin. Medyo malakas ang kanilang topic kaya narinig namin.

"Pasok yata yung mga transferee na tatlo. Grabe! Ang gugwapo. Lalo na yung number 16. Gosh!"

"Sinabi mo pa. Pero napansin ba ninyo? Yung babaemg mukhang nerd na si Maureen. Palaging kasama ni number 16 yun, e. Grabe! Nililigawan ba niya 'yon? My God! Akala ko si Zairene ang bet nun pero mukhang hindi naman pala."

Napahinto ako sa paglalakad. Pati ang mga kaibigan ko ay natigil din.

"Oh, napahinto ka?" tanong ni Dashna.

Imbis na sumagot rito ay hinarap ko ang dalawang babaeng nag-uusap sa likod namin. Nagulat pa ang mga ito  nang makita ako sa harap nila.

"Anong sinasabi ninyong may nililigawan ni Clark?" tanong ko.

"H-huh? Wala naman -"

"Narinig ko kayo. Si Maureen ba ang nililigawan ni Clark? Paano ninyo nalaman?" sinunod-sunod ko na sila ng mga katanungan. Natataranta silang tumango.

"Huy! Ano bang pang-iinteroga 'yan, Zairene!" sita ni Dashna sa akin.

"Sige na, girls. Mauna na kayo. Pagpasensyahan na lang ninyo ang besty namin."

"No. Hindi kayo aalis hangga't hindi ninyo sinasabi sakin ang mga nalalaman ninyo,"

"Zai, tama na. Baka naman chismis lang 'yan." Hinila ako ni Shasha sa aking braso.

Medyo kumalma ako. Nakakairita kaya yung makarinig ng ganoong balita. Si Maureen pa talaga?

No way!

Hindi ako papayag.

Saka sinabi ni Clark na ako ang mahal niya. How come na may liligawan siyang iba, di ba?

Mga chismosa talaga, walang pinipili. Mayaman o mahirap basta chismis, pinapatos!

Nang makarating kami sa gym ay maraming tao. Hinanap ko kaagad ang mga players pati si Couch Zandro.

"Ayon sila." Tinuro pa ni Melody ang lugar kung nasaan sila.

Mabilis kaming nakarating sa pwesto ng mga ito dahil pinaparaan kami ng mga kapwa namin estudyante kapag nakikita nilang ako ang daraan.

Iba talaga ang isang Zairene Fiona Mendez.

Napangisi ako nang makitang kumpleto sila. Katatapos lang yata ng try-out dahil mga pawis na pawis ang mga players.

"Miss Mendez, mabuti naman at nandito ka na. Alam mo bang katatapos lang nila maglaro. Sayang at hindi mo napanood." Nakangiting salubong ni couch sa akin.

"Pasensya na po kung natagalan ako. Kumain pa po kasi kami ng mga kaibigan ko. Sinama ko na nga po pala sila para may kasama ako mamaya pag-uwi," wika ko habang tinitingnan sila ng mga players.

Seryosong natingin sa akin sina George at Tristan habang si Clark ay nakaupo lang sa bleacher.

Nanigas ako sa kinatatayuan ko nang makita kong katabi nito si Maureen habang pinupunasan nito ang pawis ng binata.

Nagkatinginan kami pero tila hangin lang ako at nilagpasan ng tingin.

Nalaglag ang panga ko.

"So, As I was saying. Humihingi ako ng paumanhin sa ginawa ni Mikael." Napansin ko si Mikael na nakatayo na sa harap ko.

"Ayieeh," wika ni Dashna.

Bahagya akong tinulak ni Tony kaya medyo nagkadikit kami ni Mikael.

"S-sorry," ani ng binata.

"A-ayos lang," turan ko sa kaniya.

Kahit paano ay naiinis pa rin ako sa kaniya pero naiintidihan ko rin ang side niya. Alam ko na kung ano ang pakiramdam ng nagpipigil ng nararamdaman.

Nginitian ko siya.

"Wag ka na sanang magalit sakin, Zai. Sorry talaga,"

Kitang-kita sa gilid ng mga mata ko ang pagbulong ni Maureen kay Clark dahilan kung bakit ito natawa. Pero nasa akin ang kaniyang tingin.

"Wala 'yon, magkaibigan naman tayo at naiintindihan kita." Nilahad ko ang aking kanang kamay upang pormal na makipag-ayos sa aking kaibigan.

Tinanggap nito iyon.

Gusto kong ngumiti ng matagumpay nang makita kong dumilim ang tingin ni Clark sa amin.

'Ano ka ngayon? Sa dami ng popormahan mo, yang kinamumuhian ko pa talaga, huh? Siraulo mo, Clark!'

HEAD OVER HEELS [Soon To Be Published Under WWG PUB]Where stories live. Discover now