"Tito... answer me please." I looked at Tito Reor who is standing behind me. Nakayuko lang siya sa akin at parang wala akong balak lingunin.





"Hindi totoo na patay siya hindi ba? Hindi 'yon totoo 'di ba? Tito Scarlett! Tito Reor!" I cried. So loud. It hurts so much. Sobrang sakit mamatayan ng magulang lalo na kung harap-harapan na pinatay sayo. Parang kahapon lang masaya kami tapos ngayon...




Bakit ganito? Bakit nila ako iniwan? Bata pa ako. Marami pa kaming hindi nagagawa. Bakit? Bakit nila ako iniwan?





"Tahan na, Luxrae. Alam mo naman siguro na ginawa iyon ng mga magulang mo hindi lang para sa iyo kun'di para sa angkan natin hindi ba? Kailangan mong magpakatatag. Kailangan ka ng kapatid mo." Dahil sa sinabi sa sinabi sa akin ni Tita Scarlett ay naalala ko ang mga kapatid ko na iniwan ko saglit sa kwarto namin.




"T-tita! Ang mga kapatid ko po?" kinakabahang tanong ko. Sana ayos lang sila!





"Malubha ang lagay ni Luxrill pero si Luxer..." bumaba ang tono ng boses niya at yumuko. Bumilis ang tibok ng puso ko. Kapag may nangyaring masama sa mga kapatid ko ay hindi ko mapapatawad ang sarili ko.




"Anong nangyari kay Luxer?"





"Pasensya ka na pero si Luxrill lang ang nakita namin sa kwarto, wala si Luxer roon---"




"Hindi! Hindi totoo iyan!"




Tinakpan ko ang tainga ko at umiyak ng umiyak. Ayoko. Ayoko silang marinig. Alam ko kung anong gusto nilang sabihin. Na wala na ang kapatid ko. Ayoko. Hindi pwede! Hindi!




Mahigpit ang hawak ko sa kamay ni Luxrill habang nakaratay siya sa kama. Kakaiba ang armas na ginamit sa kaniya kaya matagal gumaling ang sugat niya at hindi pa rin siya gumigising hanggang ngayon.




Tatlong araw. Tatlong araw na simula nang nangyari 'yon. Hindi ko pa rin alam kung anong gagawin ko. Masakit pa rin para sa akin, pero kailangan kong magpakatatag para sa kapatid ko.




"Luxrae." Napalingon ako sa tumawag sa akin. Si Master Vhax. Tumayo ako at nag-bow bilang paggalang. Alam kong nahihirapan din siya sa sitwasyon lalo na't nawala rin ang kaniyang mag-ina.




"Pwede ba tayo mag-usap?" Tanong niya. Tumango ako at sinigurado munang maayos si Luxrill bago sumunod kay Master Vhax papunta sa opisina niya.




"Ano pong pag-uusapan natin?"




"I'm sorry---" he sighed. "--about your parents. I know it's my fault. I should have been there. I should have protected them. B-but I did nothing, I just let them sacrifice theirselves. I so worthless. I'm sorry."

Vampire AcademyWhere stories live. Discover now