25 | Unang Sulyap

2.4K 24 0
                                    

Unang Sulyap
By: Caitlin

Unang sulyap pa lamang,
Tumibok na ng malakas ang aking puso.
Pabilis ng pabilis
Hanggang sa ikaw ay lumapit

Unang sulyap,
Sa iyong mga mata
Mga matang napaka ganda
Na kapag tinignan mo ay kumikinang-kinang pa.

Unang sulyap,
Sa napakasaya mong ngiti
Tuwing nagsasalita ang iyong mga labi
Napapangiti na lang din sa aking sarili

Unang sulyap,
Naging interesado agad sa iyo,
Hindi malaman kung anong ang dahilan
Bakit ako'y nagkaganito?

Unang sulyap,
Alam kong tinamaan agad sa iyo
Ng napakalakas
Na parang sumabong ang aking puso

Unang sulyap,
Halong takot at pagkasaya
Takot dahil natatakot magmahal muli
At pagkasaya dahil nakita na kita

Unang sulyap,
Parang may bala ang iyong mga mata
At tinamaan agad ako
Diretso sa puso

Unang sulyap,
Sana ako ay iyong makausap
Iniisip ko palang na mangyayari iyon,
Para na akong nasaulap

-

Asdfghjkl 😞

spoken poetry ♡ [1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon