Chapter 31

3K 60 0
                                    

| KELLY’S POV |

“Bakit lagi mong suot yan? Bigay ba sayo ni Ringgo yan?” Tanong ni Kurt habang tinitignan yung singsing sa kamay ko.

“Duh! Bigay to sa akin ng lolo ko.”

“Tsss! Ang corny naman! Ano yan pamana?”

“Ewan, siguro. Basta binigay lang niya sa akin.” Sabi ko sa kanya. Andito kami ngayon sa campus grounds, naglalakad papunta sa auditorium. May practice na naman kami para sa play at sana naman wag nang gumawa ng eksena si Santi >.<

“Wag lang talaga magkakamali si Santi mamaya kundi baka di ko mapigilan ang sarili ko.” Seryosong sabi ni Kurt.

Pagkadating namin sa auditorium, andun na yung ibang cast. Umupo muna kami ni Kurt sa front row habang inaantay namin yung ibang casts.

“Kelly!” Sigaw ni Cheska sabay lapit sa amin ni Kurt.

“Oh, Cheskatot, bakit?”

“Wala lang, gusto ko lang magthank you kasi… hindi ka nagback-out. T-Tsaka thank you rin, Kurt. Wag kayong mag-alala, napagsabihan ko na si Santi.” Nahihiyang sabi ni Cheska.

“Wala yun, Cheska! Hayaan mo na! Hindi pa ba tayo magsisimula?”

“Magsisimula na, inaantay lang yung technical team. Isang pasada sana tayo ng buong play eh.”

“Ahhh. Sige sige.”

Maya maya pa’t dumating na yung ibang cast tapos nagsimula na rin yung practice. Mula sa simula ng kwento hanggang sa dulo ang ipapractice ngayon. Prinactice din naming ang blockings pati na tamang pagdeliver ng lines.

Medyo ilang akong lumapit kay Santi at pansin ko rin naman na medyo naiilang siya. Naalala ko na naman ang inasal niya kahapon. Sobrang hindi ko nagustuhan ang mga sinabi niya kay Kurt. Hindi ko talaga maintindihan kung bakit niya ginagalit si Kurt kahapon.

Nasa kalagitnaan na kami ng scenes at nasa back stage ako, nagkakabisado ng susunod kong mga linya. Sumilip ako sa stage at sa di kalayuan, nakita ko si Kurt na nakaupo sa pa rin sa front row. Sobrang talim pa rin ng mga tingin niya kay Santi na kasalukuyan namang nasa stage.

“Kelly, you’re next ha.” Paalala ni Cheska, tumango naman ako bilang sagot.

Naandito na kami sa parte kung saan isasayaw ng prince charming si Cinderella sa kaharian. Lumabas ako sa stage at kunyari ay nabangga ko si Prince Charming. Sinabi ni Santi ang mga linya niya, hindi ko alam kung bakit kinakabahan ako, pakiramdam ko kasi anytime soon gagawin na naman niya ang ginawa niya kahapon at paniguradong malaking gulo yun.

Tumugtog ang music para sa sayaw namin ni Santi. Marahan niyang inilapat ang kamay niya sa bewang ko. Sakto lang, hindi katulad kahapon na kulang na lang yakapin niya ako. Pansin ko rin na mas maingat ang paghawak niya ngayon. Hinayaan ko lang ang mga kamay ko sa balikat niya. Tahimik kaming dalawa, supposedly may titigan pang mangyayari ayon sa script namin pero naiilang ako, hindi ko kayang makipagtitigan sa kanya kahit pa sabihing acting lang yon.

The Search for the Bride (Complete)Where stories live. Discover now