Chapter 9: Let the games begin!

3.9K 72 1
                                    

4 weeks later....

| KURT'S POV |

Sunday. 7:12pm.

"Kurt, Babe, Grabe! Sobrang mamimiss kita!! Ayoko nang matapos tong araw to." -Jasmine.

"Psh. Wag ka ngang OA."

"Bakit? Di mo ba ako mamimiss?!"

"Tss." Ang kulit nitong si Jasmine. Napaka...Clingy? Clingy ba ang tawag dun? Laging nakadikit sa akin parang linta.

Andito na kami sa sasakyan ngayon. Tapos na ang 4th week. Ihahatid ko na si Jasmine sa kanila. Bukas ibang babae naman ang makakasama ko. Psh. I feel like I'm a polygamous. -_-"

"Baby!!! Wag mo na ako i-uwi sa amin!" Sabi ni Jasmine habang nakakapit sa braso ko.

"Wag ka makulit!" Ang sakit na ng braso ko sa kanya. Isang linggo kaming ganito. Lagi siyang nakakapit. Kapag kakain kami o maglalakad sa school o kung saan man kami pupunta. Nakakainis na.

*************************************

At sa wakas, Andito na rin kami kila Jasmine. Inihatid ko na siya. Ahhhh! I'm free!! Sa wakas!

Umuwi rin agad ako pagkahatid ko sa kanya. Pagdating ko sa bahay, Pinatawag ako ni Dad sa study room.

*Study Room*

"Dad, Pinapatawag niyo daw po ako."

"Naihatid mo na si Jasmine?"

"Yes dad."

"So, Kurt, Kumusta naman? I mean, Magfa-five weeks na yung contest. Kumusta naman yung mga girls? Tell me."

Umupo ako sa upuan sa harap ng desk ni dad. "First week, Uhm si Tracy, To be honest, I find her...Boring... I mean, She talks about our school newspaper. A LOT. Yun lang lagi naming topic pag-naguusap. Second week, Uhm-- Si Bella, Okay lang. I mean, Sakto lang. Lagi siyang nagkekwento tungkol sa experiences niya sa America. Third week, Diane. She is NOT talking. Lagi lang siya nakatingin sa akin pero hindi talaga siya nagsasalita. Hindi ko alam ang tumatakbo sa utak niya. Para siyang...Psycho."

"Hahahahaha! Psycho? That's too much, Kurt! Nahihiya lang yun sayo." Natatawa namang sabi ni Dad.

"Ihh Kasi eh, Nakatitig lang siya sa akin na parang kakainin niya ako. Alam mo yun? Creepy."

"Hahahaha! Ikaw talagang bata ka. How about fourth week?"

"Dad please! I don't even want to talk about it."

"C'mon! Kumusta si Jasmine?"

"CLINGY. That's all."

The Search for the Bride (Complete)Where stories live. Discover now