Chapter 38: Second Thought

2.6K 53 0
                                    

| KELLY'S POV |

 

"We're almost done with everything. We only have one week left before your birthday and exactly 9 days before your wedding. The invitation for your birthday is also ready, pwede na tong i-distribute. What else? Uhm, your gowns are ready for fitting tomorrow then pagmaluwag o masikip, they can alter it naman. I also need the final guest list for the wedding. Yung complete na talaga." Waaah!! Grabe! Sobrang ngarag na ako sa dami ng paalala ni Miss Yana tungkol sa birthday at kasal ko.

Sobrang lutang ko na nga ngayon eh. Nasa execution na kami ng mga plans at sobrang busy pala! Sobrang hindi madali mag-ayos ng kasal lalo na kung halos magkasabay sila ng birthday! Mabuti na lang si Mama na ang umasikaso nung iba.

Ang napiling theme sa birthday ko ay vintage. Pinaghalong pink at white with the accent of gold and mga kulay :3 Halos naayos na lahat para sa birthday party. Mula sa gown, venue, pagkain, souvenirs at iba pa. Ang pina-polish na lang namin ngayon ay yung kasal. Pastel colors nga ang napili naming motif. Medyo may pagka-vintage rin ang theme ng kasal.

"Uhm, Kelly, one more thing, yung gowns ng bridesmaid pwede na rin pala nilang makuha para ma-fit na nila."

"Sige po, Miss Yana." Sabi ko habang sinusulat sa sticky note lahat ng reminders niya.

"Tsaka pala tomorrow na yung food tasting para sa kasal. We'll meet you sa Sofitel na lang. Dun na din namin ipapakita yung design ng cake and layout ng ballroom na gagamitin for reception." Sabi niya at sinusulat ko naman iyon. Grabe! Maloloka na ako sa dami ng preparations!

"I think that's it! Uhhh. I'll see you tomorrow ha."

"Thank you, Miss Yana. We'll see you tomorrow." Sagot ni Kurt na kanina pa tahimik sa tabi ko. Actually, nakikinig lang siya sa usapan namin ni Miss Yana. Paminsan minsan nagbibigay siya ng suggestion.

Pagkatapos ay umalis na rin si Miss Yana. Naiwan kami ni Kurt sa sala na nakatulala. Punong puno ng papel ang center table namin. Nakakalat din ang iba't ibang magazine sa sahig.

"I didn't expect na ganito kahirap mag-ayos ng kasal." Komento ni Kurt.

"Pati na ng birthday party." Dagdag ko pa. Last week pa kasi kami ngarag sa school works at sa preparations ng dalawang event.

"Wag mo na linisin yung kalat. Si Ate Maya na muna ang paglipitin mo nyan. Magpahinga ka na muna." Sabi ni Kurt nang makita niya akong nagpupulot ng kalat.

Niligpit ko lang yung mga nakakalat sa sahig tapos pinatong ko lang sa makalat naming mesa.

"Ikukuha lang kita ng maiinom." Sabi ni Kurt at pumunta siya sa kusina. Sandali pa'y pumasok si Ate Maya sa living room para ligpitin yung nasa mesa.

"Ate Maya, pasensya na kung nagkalat kami dito."

"Wala yun. Alam ko naman na busy kayo sa paghahanda sa kasal niyo." Sabi niya tapos nginitian niya ako.

The Search for the Bride (Complete)Where stories live. Discover now