Chapter 45: Her Last Resort

2.6K 57 3
                                    

| KELLY'S POV |

"Best, alam mo, okay lang naman kahit wag ka nang pumasok ngayon." Sabi ni Cheska sa akin. Kanina pa niya ako kinukulit na wag akong pumasok.

"Okay nga lang, best. Gusto ko ring pumasok, wala naman akong gagawin sa bahay." Sabi ko naman. Ayoko kasing maiwan sa bahay, lalo lang ako malulungkot at baka mag-emo lang ako sa kwarto ko.

"Sure ka ba, best?"

"Oo nga! Sige ka, pag di ako pumasok. Malulungkot ako sa bahay at kapag nalungkot ako, magkukulong ako sa kwarto at baka maisipan kong magpakamatay." Biro ko.

"Uy!!! Friend!! Grabe naman yan! Wag mo nga akong tinatakot! Tsaka wag kang magpapakamatay!! Masama yun!! Sasayangin mo ang beauty mo!"

"Baliw! Alam ko yun! Pero seryoso, okay lang talaga ako."

"Hay nako! Sinong niloko mo? Kilala kita...alam kong hindi ka okay.. SINO BANG MAGIGING OKAY SA NANGYARI??? Tsk! Nakoooo! Naalala ko na naman yung interview kagabi! Grabe! Ang kapal ng mukha nila! Ang kapal ng mukha ni Kurt, ang sarap niyang tirisin at ibaon sa lupa ng buhay!" Gigil na sabi ni Cheska.

Oo, hindi pa ako okay pero...ayokong ipahalata, ayokong mag-alala sila Cheska at sila Mama sa akin.

"Hays! Tignan mo nga ginawa nila sayo! At yang mata mo, sobrang maga na sa kakaiyak mo! Grabe! Sana gising si Kurt ngayon nang makonsensya naman siya sa pinaggagawa niya sa'yo! Grabe! Nag-ngingitngit ako sa galit!"

"Tama na nga yan, Cheska. Pinagtitinginan na tayo ng mga tao dito sa jeep." Bulong ko naman sa kanya ng mapansin kong nakatingin na yung iba sa amin.  Ang lakas naman kasi ng boses ni Cheska e!

"Hay nako! Nasestress kasi yung brain cells ko sa kanilang dalawa! Ang sarap nilang pag-untugin!" Galit na sabi niya. Natatawa na lang ako sa itsura niya eh.

"Oo na, oo na! Sige na, mamaya na natin sila pag-usapan."

Sa totoo lang, hindi ko alam kung anong mangyayari ngayong araw. Kagabi kasi, after nung interview, ang dami kong natanggap na message galing sa mga kaklase ko at sa mga kaibigan ko about dun sa interview. Karamihan sa kanila sabi maging matatag daw ako at kakarmahin din daw sila Kurt at Pia. Naibuhos ko man lahat ng luha ko kagabi...di pa rin nawawala sa puso ko yung sakit sa lahat ng ginawa ni Kurt pati ni Pia. Di ko rin maiwasang magalit sa kanila...galit na galit ako sa kanila...Binigay ko lahat ng pagmahahal ko kay Kurt, only to find out na lolokohin niya lang ako...

Nang makarating kami sa school, pinagtitinginan na agad kami ni Cheska sa gate.

"Best... Sure ka ba talaga dito? A-Ang awkward. Alam kong ikaw ang pinagtitinginan nila at hindi ako pero..kasama mo ko which is pretty much the same thing." Sabi ni Cheska habang nakakapit sa braso ko.

"Wag mo na pansin, best. Bayaan mo lang sila. Bilisan na lang natin papunta sa room." Sabi ko naman at hinila ko na siya papunta sa highschool building.

The Search for the Bride (Complete)Where stories live. Discover now