Chapter 49: His Wedding Day

2.9K 49 1
                                    

| KURT'S POV |

Nakatingin lang ako sa kisame habang nakahiga. Maliwanag na sa loob ng kwarto. It was a bright sunday morning. Dapat excited ako ngayon eh, kaso mukhang may problema.

Hindi ko pa rin maalala ang nangyari kagabi. Kinakabahan ako kasi baka nagkasala pala ako. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag nangyari nga yun. Pilit ko man alalahanin, wala talaga.

Tulog pa sina Alex at Sander, bumangon naman ako para maligo na. Medyo maaga pa pero naligo na rin ako. Gusto ko kasing makausap si Pia. Kailangan ko siyang makausap.

Ayokong humarap sa altar na may ganito akong pangamba, na may ganito akong iniisip. Ayokong humarap kay Kelly na may gumugulo sa utak ko kaya dapat kong makausap si Pia bago pa ang kasal.

Tinext ko si Kelly nun, sabi ko magkita na lang kami sa altar mamaya. Tinext ko rin nun si Pia na magkita kami sa summit park. Gusto ko talaga siyang makausap. Hindi ako mapalagay eh.

Pagkatapos ko maligo, naabutan kong gising na sina Alex. Sabi ko sa kanila, magkita na lang kami sa simbahan. Nagmadali akong umalis at dumiretso sa park kung saan kami magkikita ni Pia.

Naabutan ko siyang nakasandal sa kotse niya. Ang weird lang kasi wala siyang kasamang driver. Siya lang ang nagdrive?

"Andyan ka na pala." Sabi niya ng makita akong papalapit sa kanya.

"Pia, magusap tayo." Seryoso kong sabi.

"Kurt, diba sinabi ko naman sayo, hindi ko sasabihin kay Kelly ang nangyari sa atin." Sabi niya sabay ngiti.

"May nangyari sa atin?" I curiously asked. Bakit hindi ko maalala?!

"Wow! Nakalimutan mo agad?! Kagabi lang yun ah! Grabe ka naman, Kurt!" Sabi niya at bahagya pa siyang tumawa. ANONG NAKAKATAWA?!

"Pia, alam mo ba kung anong sinasabi mo?! Anong nakakatawa?! Ikakasal na ako!"

"So?! Ano naman?! Binata ka pa kagabi, ngayon ka palang magkakaasawa. What's the big deal?!"

"Anong what's the big deal?! Naririnig mo ba yang sinasabi mo?!"

"Kurt, kung nakokonsensya ka, kasalanan mo yan!" Sabi niya. Lalo akong kinabahan, hindi pwede to! Baka pagnalaman ni Kelly, baka... baka makipaghiwalay siya akin.

"Hindi ako naniniwala sayo, Pia!"

"Eh di wag! Sinong tinakot mo? Tsaka ano ka ba, you don't have to worry kasi hindi ko naman sasabihin kay Kelly eh. It's our dirty little secret."

Napatitig na lang ako sa kanya. Hindi man lang ba siya nag-aalala sa nangyari?! Hindi ko kayang magsinungaling kay Kelly, lalo na ngayong araw ng kasal namin. Hindi kaya ng konsensya ko.

"Uy, Kurt?! Ano?! Tara na, baka malate pa tayo sa kasal mo. Would you mind kung ikaw na lang magdadrive?" Casual na sabi ni Pia. I can't believe na ako lang ang nabobother ng ganito sa nangyari. Bakit parang wala lang sa kanya? Hindi man lang ba siya nag-aalala? Kasi sa totoo lang, unti-unti na akong nilalamon ng konsensya ko.

The Search for the Bride (Complete)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt