Chapter 57: Second Time Around

3.4K 64 0
                                    

| KELLY'S POV |

Pagkauwi ko kagabi galing sa lakad namin ni Kurt, nawindang ako dahil nagsisisigaw sina Nicole at Cheska sa bahay na parang napopossess. Akala ko naman kung anong nangyari, nung tinanong ko sila nalaman ko na may nagpost pala sa facebook ng picture namin ni Kurt na magkasama sa mall at talagang naka-tag pa sa akin yung picture!

Nakakaloka!! Pinagpiyestahan ng mga tao yung picture namin. Lalo na yung highschool batch namin. Ang daming nagcomment kung nagkabalikan na daw ba kami. Tapos ito namang bestfriend at kapatid ko, walang tigil sa pagtatanong sa akin kung anong nangyari sa "date" namin.

Dahil sa kadadaldal nilang dalawa, nalaman din tuloy nina Mama at Papa na magkasama kami ni Kurt. Nagheart-to-heart talk tuloy kaming tatlo tungkol dun. Sinabi ko naman sa kanila na its not a big deal. Nag-usap lang talaga kami sa nangyari at nagkapatawaran. Wala namang problema kay Mama pero kay Papa, mukhang ayaw niya na makipagusap pa ako kay Kurt. Hindi ko naman siya masisi dahil sa nangyari nung nakaraan.

At heto ako ngayon, kakagising lang... Nakatingin sa cellphone ko. Nagcheck kasi ako ng facebook at naloloka ako sa dami ng notifications ko. May iilan ding nagmessage pa kung nagkabalikan na kami ni Kurt. Ano ba yan!! Sino ba kasing hampaslupa ang nagupload nito?! Hindi kaya yung babae sa cr na kaklase daw ni Kurt?!

Sabihin niyo nga sa akin kung paano ako papasok sa school ngayon?! Arghhh! Bahala na nga!!

Naligo na rin agad ako, nag-almusal at pumunta na sa school. Hindi ko nakasabay si Cheska kasi sinundo daw pala siya ni Alex! Hampaslupang bruha! Huhuhu. Pinagpalit ako kay Alex.

********************************************************

Mabilis ang naging byahe ko papunta sa school, wala namang traffic which is unusual kasi madalas may traffic sa intersection malapit dun.

Nasa gate pa lang ako pero ramdam na ramdam ko na ang mga matang nagmamatyag sa bawat galaw ko. Ito na nga ba ang sinasabi ko eh! Tsk!

Binibilisan ko na lang ang lakad para makapagtago na ako sa classroom. Naman kasi eh! Sino ba kasi nagpost nung picture namin ni Kurt?! Wala naman talagang ibig sabihin yun eh! Tss.

"Kelly! Kelly!" Kung kailan ako nagmamadali, saka naman may tumatawag sa akin. Napalingon ako at sa di kalayuan nakita ko si Kurt na tumatakbo papalapit sa akin. Hindi ko man lang siya nabosesan! Tsaka talaga bang kakausapin niya ako dito sa hallway?! Hindi ba siya aware na hot issue kami ngayon sa social media?!

Tinalikuran ko siya at naglakad pa ng mas mabilis. Alam ko! Ang sama ko na naman! Pero kasi ayoko lang naman na mas lumaki ang issue! Pag may nakakita pang naguusap na naman kami, bibigyan na naman nila ng malisya.

Kahit na feeling ko eh ang bilis ko na, nahabol pa rin ako Kurt at hinigit niya ang kanang kamay ko dahilan para mapaharap ako sa kanya.

"Uy! Anong problema? Akala ko ba okay na tayo?" Nag-aalala niyang sabi.

"Wala ka bang facebook?!" Tanong ko sa kanya. Wala ba talaga siyang alam?!

"Ha? Meron? Kaso in-unfriend mo ko diba?" Sabi niya. Talaga?! Ginawa ko ba yun?! Ang bitter ko naman pala! Anyway, kung may facebook siya, bakit hindi niya alam!

The Search for the Bride (Complete)Where stories live. Discover now