Chapter 55: Sorry

3K 60 0
                                    

| KELLY'S POV |

Monday na Monday, bangag agad ako. Sumasabay kasi yung design plates ko sa mga dapat ko gawin as president ng council sa department namin. Hays, eto na nga ba ang sinasabi ko eh!

Kakagaling ko lang sa morning class ko at lunch na ngayon pero guess what, mukhang kakain ako ng papel dahil kailangan na daw ni Kurt yung activities ng department namin this month. So kailangan ko siyang matapos sa office ngayon.

Naglalakad na ako papunta sa office nang mahagip ng mata ko si Mimi na naglalakad. Papunta ata siya sa main building. Naalala ko na naman tuloy yung sinabi niya sa akin nung isang araw.

It has always been you, Kelly.

Argh! Ano ba naman yan! Bakit ba apektado ako sa sinabi niya?! Nako! Mas marami pa akong dapat isipin kesa dyan. Eh ano naman kung ako pa rin ang gusto ni Kurt?! Gusto nga ba niya talaga ako? Kasi kung gusto niya ako, hindi naman niya ako lolokohin diba?! Diba?! So kalokohan yun!

"Tapos mo na ba yung pinapagawa ko?" Speaking of the devil, ano namang ginagawa niya dito sa office ko?! Pagkapasok na pagkapasok ko, nakita ko siyang nakaupo sa upuan sa harap ng desk ko.

"Hindi pa. Ano bang ginagawa mo dito?! Umalis ka na! Isesend ko na lang sa email mo." Iritado kong sabi habang inaayos yung gamit ko sa desk at umupo na rin ako.

"Urgent eh. Kailangan ko na talaga kasi i-cocompile ko na para mapasa ko kay Mr. Dela Vega."

"Oo na! Eto na! Tatapusin ko na! Lumabas ka na nga sa office ko!" Okay, I know. Alam kong sinabi kong hindi ko na siya susungitan pero kasi eh!! Dahil sa sinabi ni Mimi, naaabnormal na naman ako.

Mahal pa ako ng kumag na to?! Eh niloko nga niya ako eh!! Nako! Naaalala ko yung mga ginawa niya sa akin, nababadtrip ako.

"Meron ka ba? Ang sungit mo ata." Nagtataka niyang sabi.

"Masanay ka na, masungit talaga ako! Alis na! I-sesend ko agad sayo. Give me 15 minutes."

"Okay. Sorry to bother you." Sabi niya at sinimulang ayusin ang gamit niya. Bago pa man siya tuluyang makalabas sa office tumigil muna siya sa may pintuan. "Oo nga pala, pagkatapos mo gawin yan.. Kumain ka na. Wag ka papalipas ng gutom. May meeting din pala tayo mamayang hapon." Sabi niya then he gave a weak smile at tuluyan nang umalis.

It has always been you, Kelly.

Ayoko ng ganitong pakiramdam. Ayoko na magkaroon ng emotional attachment sa kanya. Argh!! Kainis talaga!! Ang abnormal mo talaga, Kelly!

***********************************************************

Finally!! Uwian na at tapos na ako sa mga dapat kong tapusin. Wala rin naman akong homework na design plate tapos okay na rin yung mga pinagawa ni Kurt. Pagod na pagod talaga ako ngayon!! Grabe, gusto matuloooog!!

Bale ngayon, papunta na kami ni Cheska sa meeting. Kasama siya ngayon kasi president siya ng Community Service Organization at isa sila sa mga organization na magvovolunteer para sa fund raising event namin.

The Search for the Bride (Complete)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant