Chapter 50: The Comeback

2.9K 59 0
                                    

| KELLY'S POV |

2 years later...

"What?! Seryoso ba yan, best?!?" Tanong ni Cheska. Ka-skype ko kasi siya ngayon.

"Oo nga! Ang kulit mo talaga!" Sabi ko naman.

"OH MY GOOOOOOOD!!!!" Sigaw niya na siyang kinagulat ko. Naka-earphones pa man din ako. Grabe talaga tong si Cheska oh!

"Kelan ka uuwi?? So ibig sabihin dito mo na itutuloy yung second year college?? Ha? Ha?!" Ramdam na ramdam ko ang saya sa boses ni Cheska, kahit ako excited na. Miss na miss ko na tong baliw kong bestfriend!!

"Oo nga!! Paulit-ulit!"

"Omg! Omg! Omg!!!!!! Excited na ako, Kelly!! Miss na kitaaaaa!!" Sigaw niya ulit na dahilan ng pagkabasag ng ear drums ko. Hahaha! Charot.

"Miss na rin kita, Cheskatot!!!" Masaya kong sabi. Hindi ko na rin mapigilan yung excitement na nararamdaman ko. Kasi after two years,  makakabalik na ako sa Pilipinas!!

Masasabi kong naging masaya at worthwhile ang naging pagstay ko dito sa Canada. I can finally say that I have moved on sa nangyari nung nakaraan. Marami rin akong naging friends dito kahit nung una medyo nosebleed pa ako sa pag-eenglish. Isa pa, miss na miss ko na sila mama at papa pati na si Nicole. Nakakaskype ko rin naman sila halos everyday pero syempre, iba pa rin yung nakikita ko sila at nakakausap personally.

Last week, ka-skype ko sina mama at sinabi ko sa kanilang gusto ko na silang makita at gusto ko na umuwi sa Pilipinas. Tinanong nila ako kung sigurado na daw ba ako. Ilang araw ko din pinag-isipan to at buo na ang desisyon ko. Uuwi na talaga ako.

Marami na ring nagbago. Yung mga kaklase ko dati, lumipat na sila sa Choisi University, yung sister company ng dati kong school (Choisi Academy). Yung iba, syempre, lumipat sa ibang university. Parehas kami ng course ni Cheska, BA in Fashion Design, sabi niya okay naman daw dun, masaya naman daw siya sa college life niya. Inaasar ko nga siya kasi naging close na sila ni Alex. Ang dami nilang pictures! Sabi kasi niya, simula nung umalis ako, sina Sander at Alex na ang lagi niyang nakakasama and if you're wondering about a certain guy, wala na ulit akong balita sa personal niyang buhay. Minsan nababanggit siya ni Cheska pero sabi ko wag niyang babanggitin ang pangalang yun at allergic ako sa taong yun. Hindi ako bitter, sadyang ayoko lang siyang pag-usapan. Isa pa, hindi na rin naman siya importante.

As I sadi, I'll be taking up BA in Fashion Design dahil gustong gusto ko talaga gumawa ng sariling clothing line. Not the usual girly dress and skirts. Siguro I would go for something casual pero chic yung dating. Ewan ko, gusto ko talaga yung mga ganong style. May plano nga kami ni Cheska na maging magbusiness partner in the future. But of course, bago mangyari yun, syempre kailangan tapusin ko muna ang pag-aaral ko and now... I can finally say... I'M BACK  PHILIPPINES!!

********************************************************

Paglabas ko pa lang sa arrival hall, naramdaman ko na agad ang init ng panahon at nasabi ko sa sarili kong nasa Pilipinas na nga talaga ako. Ang kapal ng mukha kong magleather jacket papunta dito, feeling action star lang eh no? Halos pagpawisan na nga ang mga dapat pagpawisan sa akin eh kaya syempre, tinanggal ko na.

The Search for the Bride (Complete)Where stories live. Discover now