Chapter 27: That Awkward Moment

3.8K 86 3
                                    

| KELLY’S POV |

“What?! All this time?!” Napalingon ako bigla kay Mama.

“That’s why I’m asking you kung gusto mo ba talaga.”

“T-Teka! Mama!!! Bakit hindi mo kaagad sinabi sa akin?!? Grabe!! All this time, alam mo na pala na ako ang pipiliin ni Kurt! How did you know?!”

“Of course, tinawagan muna ako ni Mr. Salazar about this. Sinabi niya sa akin yung naging desisyon ni Kurt.”

“Kaya pala nilabas mo na ang maleta ko nung araw na yun!!” Grabe! Sarili kong nanay oh!

“Hahaha! C’mon, Kelly! Kaya nga tatanungin kita ulit, GUSTO MO BA MAGPAKASAL KAY KURT?” Seryosong tanong ni mama.

Napatigil ako saglit…I’m trying to compose myself… GUSTO MO BA MAGPAKASAL KAY KURT? Badtrip naman oh! Hirap pa din sa pagdedesisyon. WHY CAN’T YOU JUST SAY NO, KELLY?! ARGHHH!!!

“Yan! Yan ang dahilan kung bakit hindi ko ma-assure kay Mr. Salazar ang blessing ko para dyan sa kasal na yan! Tuwing tatanungin kita, lagi kang napapatigil. Apparently, you don’t know kung gusto mo talaga si Kurt or hindi.” Sabi ni mama na para bang nababasa niya ang isip ko.

“Ihhh!! Mama kasi ehhh!” Para akong batang nagtatantrums. Hinawakan ni mama ang kamay ko at umupo kami sa kama.

“So… Tell me…” It’s time to open up to her.

“Kasi… hindi ko alam! Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko…”

“Kelly…Pakinggan mo to.” Tinuro niya ang dibdib niya. “Ano ba sa tingin mo ang sinasabi nito? Anak, minsan you have to let your feelings loose para malaman mo kung ano talaga ang nararamdaman mo. Tanggalin mo muna ang hesitation na nararamdaman o naiisip mo.”

Sandali siyang tumahimik na para bang binibigyan niya ako ng oras mag-isip. Pakinggan ang puso

“Gusto mo bang magpakasal kay Kurt? Sagutin mo gamit ang puso mo, hindi ng utak mo, Kelly.”

Pumikit ako sandali, I’ll let my feelings loose… “Opo.” Pakiramdam ko bigla na lang lumabas iyon sa bibig ko, pakiramdam ko hindi ko sinasadyang sabihin yun. Honestly, this is what my heart keeps on telling me but my scumbag mind would always argue with it.

“Then… I guess, kailangan ko na pauwiin ang papa mo para---“

“Pero Mama! H-Hindi ako gusto ni Kurt!!” Protesta ko.

“Anong hindi gusto? Eh ikaw nga ang pinili niya.”

“Pero…”

“Okay, okay. Hindi ba’t titira ka na kina kurt simula bukas? I’m giving you one week, Kelly. Isipin mo kung gusto mo talaga. Anak, isang mabigat na responsiblidad ang magpakasal. Hindi yan basta basta! Kailangan mong pag-isipan yan ng mabuti.  One week, okay? Kung hindi ka pa sure after one week, kukunin kita kina Kurt at hindi natin itutuloy yang kasal na yan.”

The Search for the Bride (Complete)Where stories live. Discover now