Chapter 21: Shit Happens (Part I)

3.6K 75 2
                                    

| KELLY'S POV |

 

Thursday. 5:47pm.

 

"Ihhh! Cheska! Hindi na lang ako papasok!!" Nagmamakaawa kong sabi.

"Sira ka talaga!! Kapag hindi ka pumasok, wala tayong grade!!" Waaaah!! Nakakainis naman :( Dalawang araw na simula nung nangyari yung insidente sa meeting. Medyo naka-move na din ako kasi hindi ko na nakakausap si Kurt. Nako! Dapat lang wag siyang makipag-usap sa akin dahil baka magulpi ko siya! Tsss! Nakikita ko pa rin naman siya sa corridor pero hindi ko siya pinapansin. I will ignore him so hard, he will start to doubt his own existence!!

May bago naman akong problema ngayon. T____T

"Kelly, dali na kasi! Isukat mo na nga lang tong swimsuit!" Sigaw ni Cheska. Eto ang bagong problema. Ang PE namin. Ang topic kasi namin ngayong first quarter ay nakafocus sa Swimming! Nung nakaraang mga linggo, naglelecture si Sir tungkol sa swimming tapos kahapon sinabi niya na magkakaroon daw ng actual practical test sa swimming. WHYYYYY?! Kailangan naka-swimsuit kami! Syempre, ala nga naman mag-swimming ako nang naka-uniform pero kasi eh, AYOKONG MAGSWIMSUIT!!! NAKAKAHIYA!!!

"Bakit ba kailangang naka-swimsuit?!"

"Diyos ko! Ano bang gusto mo, friend?! Naka-pants?!"

"Ihhh. Ang taba ko ehh!" Reklamo ko.

"Ang OA ah! Mas sexy ka nga sa akin eh!" Waaah!! Nakakainis naman kasi eh :( Ang sabi kasi sa amin ni Sir Guevarra, ang practical test ay susubukan daw niya ang speed at teamwork namin. Hindi pa niya sinasabi yung mismong gagawin o yung mismong game pero nagpa-groupings siya ng 4 members sa bawat grupo.

"Kelly!! Dali na! Pumasok ka na sa banyo at isukat mo na to! Wag na mag-inarte!" Utos ni Cheska habang inaabot sa akin yung swimsuit.

Andito kami sa bahay ngayon at kanina lang namin na-claim yung swimsuit namin. May official swimsuit kasi yung school namin. Kulay itim ito na one-piece na may nakalagay na tatak ng school sa may bandang kaliwang dibdib nito. Yan ang para sa mga babae, para sa mga lalaki ay itim na shorts na may tatak din ng school.

Pumasok na ako ng cr para sukatin tong swimsuit, kanina pa kasi ako kinukulit ni Cheska na isukat ko na daw to. -___-

Ihhhhh!! Nakakahiya talaga -.- Hindi naman sa mataba ako. Sakto lang naman ang pangangatawan ko. Hindi rin naman ako ganon kapayat na parang stick pero kasi eh! Hindi ako kumportable suotin to! T___T

"Kelly!! Ano na??" Sigaw ni Cheska.

"Eto na!" Pagsisunungaling ko -.- Ang totoo niyan, nakatitig lang ako sa swimsuit. Psh. Pero sige na nga! Susukatin ko na! :( Para namang may choice ako!

Hinubad ko na ang suot ko at agad na sinuot ang swimsuit. Padabog kong binuksan ang pinto ng cr at nakita ko ang bestfriend ko na nakaupo sa kama at nakasuot na ng swimsuit.

"Ayaaaan!!" Sabi niya sabay lapit sa akin.

The Search for the Bride (Complete)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang