Chapter 19: Avoidance.

3.8K 77 1
                                    

| KELLY’S POV |

 

Monday. 5:40am

 

Ibang iba talaga ang pakiramdam ko ngayon. Parang wala ako sa mood. -__- Wala ako sa mood gumalaw, wala ako sa mood pumasok, wala ako sa mood makipag-usap. Pft.

“Kelly! Bakit hindi ka pa kumakain?! Malelate ka na oh!” Sabi ni mama habang nagtitimpla ng kape.

Kanina pa nakahain sa harap ko yung oatmeal pero hanggang ngayon hindi ko pa rin nagagalaw. Ugh! Wala ako sa mood -.-

“Nako! Eto namang batang to oh! Wala pa ngang isang araw na magkahiwalay kayo ni Kurt, tulala ka na dyan.” Pang-aasar ni mama

“Hindi no! Wala lang po talaga ako sa mood, Ma.”

“Asus! Uy ah! Nakita ko kayo ni Kurt kagabi!”

“Ma, wala yun. Nag-uusap lang kami!”

MAMIMISS DIN KITA.

 

Errr. >////< Naalala ko na naman yung sinabi ni Kurt. Bwisit!! Kung ano anong kalokohan ang sinasabi sa akin.

“Kelly, may itatanong ako. I want you to be honest.” Sumeryoso bigla ang boses ni Mama. Nako! For sure, usapang pag-ibig na naman ito.

“Ano po yun?”

“How are things between you and Kurt?”

“Uhm—Okay naman po."

“What do you mean okay naman?”

“Uh---W-Wala naman. Friends kami. Frenemies, I guess. Minsan kasi, di ko ma-take yung kayabangan niya eh.”

“Do you like him?” Napakastraight to the point naman talaga ng nanay ko oh.

“No.”

“Really? Alam mo yan din ang sinabi mo sa akin nung tinanong kita tungkol sa inyo ni Ringgo.” Naalala niya pa yun? -__- Naman oh!

“Ma naman! Hindi ko gusto si Kurt!”

“I saw how you look at him yesterday.” Sabi niya tapos umupo sa tabi ko.

“Ma, wala talaga yun."

"Hay nako, Kelly. Para namang hindi mo ko nanay. Kilalang kilala kita mula sa tutyang ng buhok mo hanggang diyan sa kuko mo sa paa."

"Ma naman--"

"Sige, hindi kita pipilitin o ano man. Ikaw ang bahala. Minsan, anak, kailangan mo makipag-usap dito." Sabi niya habang tinuturo ang dibdib niya, nakaturo sa puso. "Para malaman mo kung ano talagang nararamdaman mo."

The Search for the Bride (Complete)Where stories live. Discover now