Chapter 54: Always

3K 65 0
                                    

Authors Note: Hi readers! This is a one-time, big time update :D Medyo mahaba kasi sa usual na update ko XD Hope you enjoy it! :)))

**************************************************

| KELLY'S POV |

Pagdating ko sa parking lot ng university, nakita ko na magkakasama sina Kurt, Daniel, Lorraine, Mimi at Sydney. Nakatambay sila malapit sa isang itim na van. Dali dali akong tumakbo sa kanila kasi 15 minutes na akong late sa usapan namin.

"Sorry! Natraffic ako!" Hingal na hingal kong sabi.

"Okay lang, Kelly! Hindi pa naman kami matagal na nag-aantay." Sabi ni Sydney, siya ang president ng Engineering department.

Twelve lahat ng miyembro ng league of presidents at nahati kami sa dalawang grupo. Bale, tig-anim na member kada group. Ang grupo namin nakaassign na tapusin ang proposal para sa fund raising, yung isang group naman, nakaassign tapusin yung framework ng activities this semester. Lahat kasi yun ipapasa na kay Mr. Dela Vega the day after tomorrow so kailangan na talaga namin siyang matapos.

"Tara na, guys." Sabi ni Kurt at agad na pumasok sa itim na van.

Nasa front seat si Kurt, ako naman katabi ko sina Lorraine at Daniel tapos nasa likod namin sina Mimi at Sydney.

"Miss Kelly?" Nagulat ako nung bigla akong tawagin ng driver at hindi ako pwedeng magkamali, si Kuya Francis to. Yung driver namin ni Kurt dati.

"Hi, Kuya Francis!" Bati ko naman. Grabe! Ang tagal na talaga niyang nagtatrabaho kina Kurt. Imagine, bago pa man ako mapasali sa Search for the bride, dun na siya nagwowork.

"Nagkabalikan na po kayo ni Sir Kurt?" Out of the blue niyang tanong na ikinagulat naming lahat. Nagkatinginan pa kami ni Lorraine at napatingin ako kay Kurt na halatang nagulat din.

"Francis!" Saway ni Kurt.

"Ay! Sorry, sir. Akala ko kasi.." Dismayadong sabi ni Kuya Francis at napakamot na lang siya sa ulo.

"Hehehe. Ikaw talaga, Kuya Francis. Joker ka talaga." Awkward kong sabi. Wala lang, may masabi lang. Hahaha!

Matapos ng small talk na yun ay naging tahimik na ang byahe namin. Tanghaling tapat kaya nakakaantok. Haaay, malayo pa kaya yung bahay nila Mimi? Napapapikit na ako sa antok.

Medyo traffic din kaya ipinikit ko muna ang mata ko. Hindi ko na kaya. Inaantok talaga ako.

- - -

"Malapit na tayo, Kelly." Sabi ni Lorraine sabay kalabit sa akin. Hindi naman ako tulog na tulog, para bang half asleep lang kaya agad ko ding idinilat ang mata ko at inayos ng kaunti ang gamit ko.

"Grabe, inaantok ako." Sabi ko habang kinukusot ang mata ko.

"Ako nga din eh. Tanghaling tapat kasi eh, siesta time." Sabi naman ni Lorraine.

Hindi rin nagtagal ay dumating na kami sa bahay nila Mimi. Modern na modern ang bahay nila at masasabi mong may kaya talaga sila at nakakaangat sa buhay. Pagpasok namin sa loob, kitang kita rin ang magagara nilang furnitures.

The Search for the Bride (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon