Chapter 18: 7th day (Farewell)

4K 83 2
                                    

Author's Note: Readers! Waaah! Sorry naman, nagbakasyon ako sa malayong lugar at ngayon lang nakabalik sa kabihasnan. Pagpasensyahan niyo na ang update ko ngayon. XD Medyo lutang ako at may writer's block =))) Anyway, bukas mag-uupdate ulit ako <3 ENJOY! 

**********************************************************

| KELLY'S POV |

I have something for you. Go to the dining room.

 

-Kurt

Pagkagising ko, ito ang bumungad sa akin. May sticky note na nakadikit sa bedside table ko. Anong meron? Ano namang pakulo to?

Agad akong naghilamos at nagtoothbrush tapos dumiretso sa dining room.

Nung papasok palang ako, nakita ko si Kurt na nakaupo sa dulo ng mesa. Sina Ate Maya, kasama pa ng isang kasambahay ay nakatayo sa gilid ng mesa tapos may isa pang lalaking mukhang waiter ang nakatayo kasama nila Ate Maya. Anong meron?

Napatingin ako sa mesa. Walang pagkain. Tanging ang mga plato at kubyertos lang ang nakalagay.

"Anong meron?" Tanong ko nang makarating ako sa upuan malapit kay Kurt.

"Umupo ka." Sabi ni Kurt. Agad namang lumapit si Ate Maya para i-urong yung upuan para makaupo ako. On a regular basis, nakahanda na yung almusal namin, kakain na lang kami ni Kurt, tsaka wala sina Ate Maya para panuorin kaming kumain, pero ngayon... Hindi ko alam kung anong nangyayari.

"Anong meron?" Pag-uulit ko sa tanong ko kanina.

"We're having a special breakfast."

"For what?"

"It's your last day." Ahhhhh. So since last day ko, might as well make this day special.

Nakita kong lumabas yung waiter. Nagserve naman sina Ate Maya ng tubig.

"Miss Kelly, Ano pong gusto niyo? Kape o Gatas o Hot Chocolate?" Tanong ni Ate Maya sa akin. So talagang special ang breakfast na to?

"Hot Choco na lang, Ate Maya." Sabi ko tapos ngumiti ako. Hindi na tinanong ni Ate Maya si Kurt. Mukhang alam na niya ang gusto ni Kurt.

Maya maya lang biglang dumating ang waiter tulak-tulak yung cart. Food cart ba ang tawag dun? Ahhh, basta. Yun na yun.

Isa isa namang inilagay ng waiter ang mga silver platter sa mesa. May takip pa ang mga iyon. Naeexcite tuloy ako kung anong laman ng mga yun. Amoy palang... ANG BANGO NAAAA!! NAKAKAGUTOM!!

Nang mailagay na ang lahat ng platter, isa isa na itong binuksan nina Ate Maya.

The Search for the Bride (Complete)Where stories live. Discover now